5th week of school

1.3K 23 3
                                    

5th week of school

Tuesday

9:30am

"Bayayay!"

Parang nagising naman ako mula sa saglit na pagkakatulala dahil sa mapang-asar kong ringtone. Kahit paborito kong lugar ang library, talagang inaabot ako ng antok minsan kapag nandito. Tahimik e.

Quote:

Morneng, Chinna. Di kasi ako makakapasok. Sensya na ha, pero pag may lalaking mag-aabot sayo ng book, classmate ko yun. Daanan ko na lang sa dorm mo mamayang gabi. 8pm? Haha. Thankyouuu. PS: Obvious bang I won't accept no as an answer? Hoho. Haha. :P

Nangingiti ako dahil sa text na ito. 'Di man lang ako binigyan ng choice oh. Si Lex yun. Naging close kami mula nang maging myembro ako ng Psyche Club —samahan ng mga Psychology students sa school namin no'ng first year ako; second year naman s'ya no'n. Sino naman kayang classmate n'ya ang lalapit na lang sakin maya-maya?

Ibinalik ko ang atensyon ko sa librong nauna ko ng binabasa kanina pa. Hindi problema sa akin na pag minsan, pumapasok talaga ako ng maaga at nananatili sa library, tapos dito na magpapalipas ng oras hanggang sa oras na ng klase ko.

Fun Fact:

You forget because of two reasons:

a) the information is totally lost (short-term memory)

b) the information is still kept but not retrieved (long-term memory)

Aba, ayos 'tong Understanding Mental Disorders na librong binabasa ko ah, meron pang fun facts. Interesting! Mukhang hindi lang ngayong araw na 'to ko 'to babasahin.

Ilang minuto na rin ang lumipas, napatigil na lang ako sa pagbabasa nang may napansin akong lalaki na palapit sa kinauupuan ako. Nang tingnan ko s'ya, hindi ko naman pala kilala. Napangiti pa s'ya nang magtagpo ang mata namin; nahihiyang ngiti. Parang ngayon ko lang s'ya nakita sa school?

"Ah, ako 'yung friend ni Lex," unang sabi nito sa'kin.

"Ah! Oo, 'yung libro?"

"Oo. Eto na." Parang hiyang-hiya talaga s'ya sa'kin. Sabagay ako rin naman.

"Ay, thank you."

"Pa'no, una na 'ko."

"Ah, sige. Thank you ulit."

Pinanood ko pang makalayo sa'kin 'yung kaibigan ni Lex. Siguro sinabi n'ya kaya sa kanya na dito n'ya ko pwedeng makita. Bakit parang ngayon ko lang nakita 'yung mukha n'ya? Transferee kaya s'ya?

12:30pm

"Bayayay!"

Kagulat naman 'tong ringtone ko, ano ba't nakalimutan kong i-silent 'to? Ini-activate ko ang silent mode ng telepono ko habang nakunot-noo pa. Walang gulatan kasi.

Quote:

Anak ng tofu, Chins! Ngayon ko lang naalalang sabihin sa classmate kong sa library ka n'ya pwedeng makita. Ayyy, may lakad pa naman yun after lunch. :|

Ha?! Nakakunot pa rina ng noo ko. E kanina pa n'ya ko nakita, parang sinadya pa n'ya nga ko sa library. Bigla namang nandulat ang mga mata ko. Stalker?!

Friday.

"Chinna, reporting daw tayo ngayong midterm," agad na ibinalita sa'kin ni Joei pagkadating ko galing restroom.

REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon