Hinuli ng mga pulis si Mang Tonyo.
Suspek ito sa karumal-dumal na pag-patay sa kanyang asawa at anak na babae.Panay lang ang iyak ni Mang Tonyo habang paulit-ulit na isinisigaw na "Wala akong kasalanan, wala akong kasalanan!"
Tandang-tanda nito nang dumating siya kaninang madaling araw na lasing, naabutan niyang duguan at wala nang buhay ang kanyang mag-ina.
Nawala ang pagkalasing at napalitan ng pagka-gimbal.
Napaupo siya sa sahig sa pagkabigla.
Doon ay nakita niya sa ilalim ng katre ang isa pa niyang anak na lalaki, sampung taong gulang, na hawak ang duguang kutsilyo.Si Mang Tonyo ang agad na hinuli ng mga Pulis nang dumating ang mga ito.
"Demonyo ang batang yun! Anak siya ng Demonyo!"
BINABASA MO ANG
Mga Dagli ni Elle
RandomDagli: Isang espesyal na uri ng pampanitikang Filipino. Ito ay kilala rin sa tawag na isang maikling maikling uri ng kwento na maaaring hango sa pang araw-araw na buhay. DISCLAIMER: Ang mga isinulat dito ay pawang kathang isip lamang. Ang pagkakatul...