Panay ang pindot ni Cheska sa kanyang cellphone.
Isang dating application ang pinagkakaabalahan niya.
Swipe left ang kanina pa nitong ginagawa dahil wala siyang matipuhan hanggang sa napahinto siya sa isang nagngangalang Kevin Santos, gwapo ito. Pagkatapos titigan ay agad siyang nag swipe right.Napamulagat ang kanyang mga mata sa tuwa nang lumabas sa screen ang "you both like each other". Bukod dun ay malapit lang ito sa kanyang tinitirahan base sa location na nakalagay sa information nito.
Lalo pa itong napangiti at kinilig dahil bigla itong nagmessage"Hi!"
"You want to meet up?" Magkasunod nitong mensahe"Wow!, ang bilis" sa isip niya.
Nag-isip siya sandali kung papayag ba siya.
Sa hitsura nito ay mukha naman itong matino at isa pa ay gwapo ito kaya bakit pa ba siya magpapatumpik-tumpik. Matagal na niyang hinihintay ang ganitong pagkakataon.Kaya naman nireplyan niya ito. "Medyo mabilis ka ah, pero sige payag ako. Saan at kailan ba?"
"Bukas, 3pm sa mall" reply ng lalaki.
Kinabukasan
Nasa lugar na ng kanilang tagpuan si Cheska, may limang minuto nang huli ang lalaki na medyo kinainis niya.
Maya-maya pa ay lumalapit sa kanyang kinauupuan ang isang lalaki na naka puting polo shirt. Unang tingin niya pa lang ay alam niyang siya ito.Pumwesto ito sa kanyang harapan.
"Hi!" Ako si Kevin yung ka-meet mo." ani ng lalaki
"Hello, I'm Cheska upo ka na" medyo nahihiya niyang sabi
May dalawang minuto na silang nagkukwentuhan nang maalala ni Cheska na hingiin ang social media account nito.
Binigay naman ito ng lalaki.
Pinuntahan agad ni Cheska ang account ng lalaki upang i-add.
Pagkatapos ay nagscroll ng kaunti.
Wala itong bagong post.
Isang tagged post ang nasa unahan na pumukaw ng kanyang atensyon naka date ito isang buwan na ang nakakalipas."REST IN PEACE KEVIN SANTOS" ang title ng isang mahabang post.
Kilabot, takot at gulat ang halo-halo niyang nararamdaman. Nanginginig na iniangat niya ang kanyang ulo dahilan upang makita niya na wala na sa kanyang harapan ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Mga Dagli ni Elle
RandomDagli: Isang espesyal na uri ng pampanitikang Filipino. Ito ay kilala rin sa tawag na isang maikling maikling uri ng kwento na maaaring hango sa pang araw-araw na buhay. DISCLAIMER: Ang mga isinulat dito ay pawang kathang isip lamang. Ang pagkakatul...