Kauuwi lang ni Gina sa tinutuluyan niyang apartment. Pagkapasok sa loob ay dumeretso agad siya sa kusina upang maghanap ng makakain.
Laking gulat niya nang makita na may nakahanda ng pagkain sa lamesa, napaisip kung sino ang gumawa nito dahil mag-isa lang naman siyang nakatira dito. Anu't-ano pa man ay kumain na rin siya dahil kanina pa siya gutom.Baka binigay lang ito ng landlady wika nito sa isip.
Lumabas ng banyo ang isang babae at patungo ito sa kusina. Habang papalapit sa lamesa ay naririnig niya ang mga kubyertos na nagtutunugan na tila ba may kumakain, agad siyang kinabahan.
Namutla ito at bakas ang pagkatakot sa mukha nang makita na wala nang laman ang pinggan kasabay ng pagtayo ng isang babae at naglakad ito hanggang tumagos sa pader.
BINABASA MO ANG
Mga Dagli ni Elle
RandomDagli: Isang espesyal na uri ng pampanitikang Filipino. Ito ay kilala rin sa tawag na isang maikling maikling uri ng kwento na maaaring hango sa pang araw-araw na buhay. DISCLAIMER: Ang mga isinulat dito ay pawang kathang isip lamang. Ang pagkakatul...