Ilang araw minanmanan nila Brando ang Club Sapirro dahil nakatanggap sila ng tip sa kanilang asset na may nangyayaring bentahan ng droga sa loob mismo ng club.
Kasangkot ang ilang tauhan at ang may-ari ng club na siyang namumuno sa bentahan. Hindi lamang basta droga ang ibinebenta ng mga ito. Dahil mayroon din itong ecstasy, sex drug at kung ano ano pang uri ng droga na maaaring ikamatay ng gagamit nito.
Ngayon ang gabing nakatakda para sa entrapment operation nila. May isang tauhan ng special force ang magpapanggap na bibili ng droga at oras na makapag bentahan na ang mga ito ay doon sila kikilos upang hulihin ang mga ito.
Nakakalat na sa buong club ang mga tauhan nila ng hindi namamalayan ng mga ito ang kanilang plano.
Walang kamalay malay ang may-ari at ang mga crew na sangkot sa bentahan na ngayong gabi ang huling maliligayang oras nila sa labas ng rehas.
Nang makapasok si Brando sa loob ng club kasama sila Hiro, Xander at Kurt ay agad na napakunot ang noo niya.
Napailing siya dahil puro kabataan ang nasa loob ng club. At malamang na ang mga ito rin ang parokyano ng droga na ibenebenta sa loob mismo ng club.
Napaisip pa siya kung alam ba ng mga magulang ng mga kabataan na ito ang pinaggagagawa ng mga ito sa club. Sa palagay niya ay hindi. Dahil kung isa sa mga kabataan na ito ang anak niya ay tiyak niyang ipinakulong na niya ito kahit pa anak niya.
Mabuti na lamang at hindi pala barkada at mababait ang kambal niyang kapatid kaya hindi siya binibigyan ng mga ito ng problema.
Mayroong kambal na kapatid si Brando na siyang dahilan kung bakit siya nagsisikap sa buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa dumarating sa punto ng buhay niya ang makapag isip na lumagay sa tahimik. Kailangan muna niyang mapagtapos ang kambal niyang kapatid na kapwa nasa kolehiyo na.
Biyuda na ang kanyang ina at dating tindera sa palengke. Nang makatapos siya at magkaroon ng maayos na trabaho ay pinahinto na niya ito sa pagtatrabaho at siya na ang sumagot ng lahat ng pangangailangan nila.
Dating pulis ang kanyang ama. At ito ang kanyang naging inspirasyon kung bakit pinursige niya ang maging alagad ng batas.
Namatay ang ama niya sa isang operasyon laban sa kidnapping case. At simula noon ay ipinangako niya sa sarili na bibigyan niya ng maganda at matiwasay na buhay ang kanyang ina at mga kapatid.
Muli siyang napailing nang may makita na naman siyang babae na pumasok sa entrance ng club. Maiksi ang suot nitong tube dress na hapit na hapit sa katawan nito.
Hindi na lang naghubad. Ganyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon?
Maganda ang babae at mukhang sopistikada. Halata din dito na anak ng mayaman ito.
Halos lahat naman ng nasa club ng gabing iyon ay mukhang mga anak ng mayayaman. Dahil kung susumahin ang mga magagarang sasakyan na nakaparada sa parking lot ng club ay hindi biro ang pangalan at presyo ng mga ito.
Napatingin sila kay Kurt na may kausap sa cellphone nito. Tiyak nilang ang asawa ito at mukhang may ibinibilin na naman dito.
"Tiny naman, saan naman akong lupalop ng pilipinas hahanap ng santol na walang buto?" Ani nito kaya natatawang napailing sila ng marinig ang sinabi ni Kurt.
Masama itong tumingin sa kanila ng makitang pinagtatawanan nila ito. Itinaas pa nito ang gitnang daliri dahil sa inis.
"Wife, I'm not mad. Mahal na mahal kaya kita kaya kahit kailan hindi ako magagalit sayo. Kahit nahihirapan na ako sa mga ipinapahanap mo." Ani muli ni Kurt.
Doon na humagalpak ng tawa si Xander at Hiro dahil nakaka relate and dalawa sa paghihirap ni Kurt ngayon.
Ika nga nila ay tapos na sila sa bahaging iyon ng buhay nila dahil nanganak na ang asawa nilang pareho habang si Kurt ay ngayon pa lamang mararanasan ang hirap na dinanas ni Xander at Hiro noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/260973595-288-k537923.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 5) Falling In Love With The Agent
Romance(Completed) Warning: Matured Content | R-18 Anong mangyayari kung pagsasamahin ang isang mataray, prangka at bratinelang dalaga at ang isang seryoso at matino ngunit may itinatagong ka-sweet-an na agent? Sa edad na trenta anyos ay naging mahusay na...