Chapter 27

2.3K 79 24
                                    

Warning: Mature Content | R-18

Ang dapat sanang sexy time ni Rafaella at Brando ay naudlot dahil sa mga istorbo nitong kaibigan.

Nagpaalam ang mga ito na babalik na ng maynila dahil sa kaso na hawak ng mga ito.

Dahil na rin sa tawag ng kani-kanilang mga asawa kaya nagpasya na ang mga itong magsibalik na ng maynila.

Hindi naman pumayag si Rafaella na hindi niya paghandaan ng pagkain ang mga kaibigan ni Brando bago umalis ang mga ito. Pasasalamat na rin niya dahil sa ginawa ng mga ito sa kanila ni Brando. Kahit papaano ay maibalik niya ang kabutihan ng mga ito kahit sa simpleng paraan.

Malaki ang utang na loob niya sa mga kaibigan ni Brando. Inalagaan at hindi nila ito pinabayaan noong panahon na wala siya kaya laking pasasalamat niya.

Masaya siya dahil may mga totoong kaibigan ang ama ng kanyang mga anak.

Habang si Brando ay naghihimutok at hindi maipinta ang mukha dahil sa inis at pagmamaktol dahil sa naudlot nilang sexy time ni Rafaella.

Naiinis ito dahil kahit kailan at istorbo ang abnormal niyang mga kaibigan. Bago pa nagsialis ang mga ito ay hindi siya tinantanan sa pang-aasar.

Matapos ang matiwasay at masayang almusal nila sa rest house ay bumalik na sa maynila ang mga kaibigan ni Brando. Nagmamadali pa ang mga ito dahil nakatanggap sila tawag mula sa kapitan nila.

Nagbilin din ang mga ito na kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Brando ay huwag mahihiyang tumawag si Rafaella ng tulong dahil alam ng mga tao sa lugar ang kalagayan ni Brando at halos lahat ng nakatira doon ay pawang kilala ang pamilya Fernandez kaya maaasahan niya ang mga ito.

Si Mang Temyong naman ay nagpaalam na uuwi sa kabilang baranggay upang dalawin ang pamilya nito at nagsabing babalik na lamang ito kinabukasan.

Habang si Rafaella at Brando ang naiwan sa rest house.

Matapos magligpit at maglinis sa kusina ni Rafaella ay agad nitong hinanap kung nasaan si Brando.

Natagpuan niya ito sa banyo sa loob ng kwarto na nasa harap ng salamin. Wala itong suot na damit pang itaas at tanging sweat pants lamang.

Nakapusod paitaas ang mahaba nitong buhok at abala sa paglalagay ng saving cream sa mukha.

"Umalis na ba si Tatay Temyong?" Tanong ni Brando sa kanya habang nakatingin ito sa salamin.

"Hmm." Sagot niya, nakasandal siya sa hamba ng pinto ng banyo at nakahalukipkip ang mga braso habang nakatitig kay Brando.

Saglit na sumulyap si Brando sa kanya bago ito ngumiti kaya napailing na ngumiti din siya.

"Gwapo ka pa rin kahit puno ng balbas at bigote yang mukha mo." Aniya

"Really? Kaya ba ganyan ka makatitig sa akin ngayon, dahil nagagwapuhan ka sa akin?" Nakangising ani ni Brando.

Hindi sumagot si Rafaella bagkus ay lumapit ito sa kanya, kinuha ang cream sa kamay niya saka tumingkayad upang ito ang maglagay ng saving cream sa mukha niya.

"Parati ka naman gwapo sa paningin ko." Ani Rafaella.

Napangiti si Brando saka niya hinayaan si Rafaella sa ginagawa nito. At dahil matangkad siya at nakikita niyang nahihirapan itong abutin ang mukha niya ay minabuti niyang buhatin si Rafaella at iniupo sa sink ng banyo.

Pumwesto siya sa pagitan ng hita nito habang maingat at dahan dahan nitong inaahit ang balbas sa baba at pisngi niya.

Mariing lamang nakatingin si Brando sa mukha ni Rafaella habang abala ito.

(Agent Series Book 5) Falling In Love With The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon