Abala ang lahat sa paghahanda sa gagawin nilang salo salo sa mansion ng mga Fernandez.
Tuwing end of the month ay hindi nila nakakalimutan na gawin ito upang makapag bonding ang mga anak nila at makapag kwentuhan silang magkakaibigan.
Ilang taon na rin simula ng gawin nila ito at pakiramdam nila ay lalong naging malapit sila sa isat isa. Hindi lamang silang magkakaibigan dahil maging ang mga anak nila ay naging magkakapatid ang turingan.
Umiinom silang magkakaibigan ng beer sa pool area ng bahay ng mga Fernandez. Nagkekwentuhan ang mga ito habang abala ang iba sa pag-iihaw ng barbeque at isda.
"Bud, napag-usapan na ba ng mga bata kung kailan ang petsa ng kasal nila?" Tanong ni Xander kay Hiro.
Nagkibit balikat si Hiro bago ito sumagot. "Wala pang sinasabi si Mira sa aming mag-asawa. Pero dinig ko ay plano nilang magpakasal pagkatapos makuha ni Lexus ang residency niya."
Tumango si Xander saka ito uminom ng beer.
"Tingnan mo nga naman. Hindi mo aakalain na mga anak din natin ang magkakatuluyan, ano?" Ani naman ni Brando.
Sumang-ayon ang lahat dahil sa sinabi nito.
"Ang tatanda na natin. Sa susunod magkakaroon na tayo ng mga apo." Ani naman ni Evangelista.
Ngumiti si Xander at Hiro dahil sa sinabi nito. Gusto na rin nilang makita ang magiging apo nila sa mga anak nila.
Hindi nila akalain na magkakatuluyan ang mga panganay nila. Ang akala nila ay sadyang malapit lamang ang mga ito sa isat isa. Yon pala ay may namumuo nang pagtitinginan sa mga ito.
"Ako, gusto ko bago ako mawala ay makita kong may sarili ng pamilya ang mga anak ko. Masaya na akong lilisan kapag nakita kong masaya na sila." Ani naman ni Robles.
Kahit may edad na sila at makikita na ang mga puti nilang buhok ay hindi pa rin nawawala ang pagiging makising nilang lahat. Gwapo pa rin at may angking karisma.
Nang tumuntong sila sa edad na fifty ay isa-isa silang nagretiro sa trabaho. Ilan sa kanila ay piniling magtravel at magbakasyon upang masulit ang pagpapahinga nila. Hindi naman sila nag-aalala dahil may mga anak na sila na siyang namamahala sa negosyo nila.
"Hindi ko akalain na tatanda tayo na magkakasama pa rin." Nakangiting ani ni Jake.
"At pasasalamat namin yon sayo kapitan." Ani Kurt na siyang sinang-ayunan ng lahat.
"Tama, dahil hindi mo kami sinukuan. Parati kayong nandyan ni mam Nathalia para tumulong sa amin kapag kailangan namin ng tulong." Ani naman ni Evangelista.
"Dahil masaya ako, masaya kaming mag-asawa kapag nakikita namin na masaya kayo. At saka pamilya kayo para sa amin hindi ibang tao. Ang pamilya ay hindi nag-iiwanan. Kaya gusto kong mangako kayo sa akin na kahit ano pang dumating na pagsubok sa atin ay lalampasan natin ito lalo na may mga anak tayo na maaaring maging dahilan ng hindi natin pagkakaunawaan." Ani Jake.
Itinaas ni Salvador ang bote ng beer na hawak nito saka ito nagsalita. "Cheers, sa walang hanggang pagkakaibigan. Cheers sa marami pang taon na pagsasamahan."
Sabay sabay nilang itinaas ang mga bote ng beer na hawak nila at sabay sabay silang sumigaw ng 'Cheers'.
Habang nagkakasiyahan sa pagkekwentuhan ang mga ito ay abala naman sa kusina ang kanilang mga asawa sa paghahanda ng ibang pagkain na kanilang pagsasaluhan.
Ang asawa ni Evangelista ang siyang toka sa lahat ng ulam dahil isa itong magaling na chef at may sarili itong restaurant na mina-manage ng anak nito. Habang ang asawa naman ni Salvador ang nakatoka sa mga cakes at cupcakes dahil hilig nito ang paggawa ng cakes.
![](https://img.wattpad.com/cover/260973595-288-k537923.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 5) Falling In Love With The Agent
Romance(Completed) Warning: Matured Content | R-18 Anong mangyayari kung pagsasamahin ang isang mataray, prangka at bratinelang dalaga at ang isang seryoso at matino ngunit may itinatagong ka-sweet-an na agent? Sa edad na trenta anyos ay naging mahusay na...