Buong araw naging abala si Rafaella sa university. Three months na lang at ga-graduate na siya. Kaya inasikaso na niya ang mga dapat ipasa sa professor nila.
Tapos na rin niya ang mga thesis at training niya. Hindi naman siya nahirapan sa OJT niya dahil may sariling kompanya ang mommy niya.
"Raf mauna na ako ah. nandyan na kasi 'yong sundo ko." Ani ni Patty habang inaayos nito ang gamit niya.
Tumango siya sa kaibigan saka sumagot. "Uuwi din ako ng maaga ngayon. Gusto kong magpahinga, pakiramdam ko na-drain ang utak ko dahil sa mga thesis na yon." Aniya.
Ngumiti ang kaibigan niya at nagpaalam na muli ito sa kanya.
Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay nagpasya na rin siyang pumunta sa parking lot kung saan ay madalas niyang hinihintay si Mang Domeng.
Habang naglalakad siya ay may mangilan ngilang estudyante ang bumabati sa kanya. Hindi naman siya suplada ayaw lang niya na nakikipag kaibigan kung kani kanino. Madalas kasi ay ginagamit lamang siya ng mga ito dahil kilala siya.
Sikat siya sa university, walang estudyante ang hindi nakakakilala sa kanya. Bakit hindi kung anak ka lang naman ng isang sikat at magaling na senador. Ngunit kahit kilala siya ay hindi niya inabuso ang pangalan ng kanyang mga magulang. Hindi dahil takot siya sa kanya ama kung hindi dahil ayaw niya, dahil hindi niya ugali ang manakit at manlamang ng kapwa. Ni minsan ay hindi siya nambully dahil lamang anak siya ng isang senador at business woman.
Nasa bungad pa lamang siya ng parking lot ay natanaw na agad niya 'yong mayabang na pulis na humuli sa kanya sa bar. Yong lalaki na hinalikan at sinayawan niya.
Kapag naaalala niya ang kagagahang ginawa niya sa bar ay hindi niya maiwasang mag-init ng mukha at mamula dahil doon.
Naalala din niya kung gaano ito kagaling humalik. Aminin man niya o hindi, ngunit talagang nawala siya sa sarili dahil sa halik nito. Ni hindi nga niya namalayan na pinosasan na pala siya nito.
Nang maalala na naman niya ang ginawa nitong pagposas sa kanya ay agad na gumuhit ang galit sa kanyang mata.
Pinagtitinginan ito ng mga babaeng dumaraan sa harapan nito. Ngunit para itong may sariling mundo at walang pakialam kahit kinikilig na sa kanya ang mga babae.
Napataas pa ang kilay niya ng lapitan ito ng tatlong babae. Nakipagkamay ito sa kanya kaya kinamayan din nito.
Kita pa niya na inabot ng isang babae ang cellphone nito. Siguro ay hinihingi ng mga babae ang numero nito.
Lalong tumaas ang kilay niya ng abutin nito ang cellphone ng babae. Nang iabot niya muli ang cellphone sa mga babae ay pare-parehong kinilig ang mga ito at nakangiting nagpaalam dito.
Gwapo sana kaso, babaero rin antipatiko, mayabang, at bastos.
Nakasuot ito ng black pants, white shirt sa loob, black jacket at low cut na sneakers.
Ang init init naka-jacket.
Nakasandal ito sa motor nito na nakapagpadagdag ng angas ng porma nito. Para itong isang hollywood actor na may photo shoot.
Nasa six feet ang height nito. Kayumangi ang balat. Maganda ang hubog ng katawan at halatang batak na batak sa work out. Kahit hindi pa niya nakikita ang katawan nito ay tiyak niya na mayroon itong magandang katawan dahil nang gabi na yakapin niya ito ay matigas ang mga muscle nito.
Mayroon din itong matangos na ilong. Makapal na kilay, nangungusap na mata. At natural na mapupulang labi. Bagay na bagay din dito ang magandang hubog ng panga at baba na mayroong mangilan ngilan na tumutubong balbas.
![](https://img.wattpad.com/cover/260973595-288-k537923.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 5) Falling In Love With The Agent
Romansa(Completed) Warning: Matured Content | R-18 Anong mangyayari kung pagsasamahin ang isang mataray, prangka at bratinelang dalaga at ang isang seryoso at matino ngunit may itinatagong ka-sweet-an na agent? Sa edad na trenta anyos ay naging mahusay na...