Chapter 1

42 2 0
                                    

Airam's Pov

"Kuya naman! Kaylangan ba talaga nating umuwi sa pinas? Sayang naman kung di ko pa tatapusin yung last sem ko dito sa Japan?"

Hindi ko halos napigilan bulyawan ang kapatid ko dahil padalos dalos sya ng disisyon!

Nandito kame ngayon sa sala at nagtatalo tungkol sa pag-uwi namen sa pilipinas. As usual pag umuwi ako ng pinas, matic na lilipat na din ako ng school. Tss!

"Hay nako Airam! Wag ngang matigas yang ulo mo! Kaylangan nating sumunod sa parents naten. At ang usapan ay usapan."

Sagot nya without looking at me. Busy sa kakalaro ng kung ano sa phone nya >____<

Hindi nalang ako kumibo at padabog na pumasok sa loob ng kwarto. Alam ko naman ng ayun at ayun lang din ang isasagot saken ni Kuya Yuji kaya di na ko nagpumilit pa. Hindi ko din kase ugaling kumibo dahil may pagkatamad ako magsalita wew.

Close naman kame ng kuya ko sadyang may mga bagay lang na hindi namen mapagkasunduan katulad nyan. Okay lang sakanyang umuwi sa pinas dahil hindi naman na sya nag-aaral. Eh ako? Sobrang hassle kaya mag-ayos ng papers.

Habang nakahiga ako bigla akong napalingon sa picture frame dito sa study table ko. Family picture namin yun.

Dalawa lang kaming magkapatid. Ako, at yang si kuya Yuji. Pinay ang mommy namin at Hapon naman ang daddy namin.

Mga bata pa kami ni kuya Yuji nung naghiwalay sila. Dumating kase sila sa point na hindi na sila nagkakaron ng oras sa isa't isa dahil parehas silang lunod sa trabaho. Ang babaw ng dahilan diba? Ewan ko... kahit ako hindi ko ma-gets kung bakit kaylangan pa nilang maghiwalay kung pwede namang sila pa rin kahet parehas silang workaholic.

Pero ganun pa man. Umaasa kaming dalawa ni kuya na magka-ayos ang parents namin. Dahil kahit na di naman nila kami pinababayaan, kahit na di naman kame kinakapos. Syempre.. iba pa din yung may buong pamilya. Haaays..

After kong mag-muni muni agad akong bumangon sa kama at nagsuot ng hoodie. Dinampot ko lang at phone at wallet ko sabay lumabas ng kwarto.

"San punta mo?"

Tanong ni kuya habang kumakain ng chips at naglalaro pa din sa phone nya. Adik amp!

"Dyan lang, papahangin."

Sagot ko habang nagsusuot ng rubber shoes.

"Sige lang, sulitin mo yung hangin dito sa japan at ibang hangin na malalasap mo pag uwi natin sa pinas hahahaha!"

Biro nya, napa-face palm nalang ako at lumabas na ng bahay.

Habang naglalakad ako ang dami kong nakakasalubong tropa. Tanguan, ngitian lang ang ganap pag naglalakad ako dito. Dahil gaya nga ng sabe ko, tamad ako magsalita. Hindi ako yung tipo na babaeng madaldal depende nalang pag talagang kwentuhan time dun naman ako minsan di maubusan ng kwento hehe.

Nag-decide akong pumunta sa isang convenience store at bumili ng kung ano-anong foods. Syempre, susulitin ko na dahil matagal tagal bago ko ulit makatikim ng pagkaing hapon. XD

Thinne's Pov

Hi, ako nga pala si Kirsthinne Ruth Lacap Thinne Kyutie nalang para basic. HAHAHAHA

Klyde's NozomiWhere stories live. Discover now