Chapter 2

31 1 0
                                    

Thinne's Pov

"Grabe ma, sigurado ka bang dalawa lang sila dito? Eh bakit ganito kadami yung mga gamit nila. Kaloka ah!"

Reklamo ko habang nag-aayos ng carpet. Di naman sumagot si mama.

Ngayong araw daw kasi dadating ang mga Ferelo. Yep, yun ang apelyido ng mga titira dito. Isang 60 years old and isang 19 years old.

Habang busy kami ay may biglang kumatok kaya agad na binuksan ni mama ang pinto at laking gulat ko na...

Isang magandang dilag ang bumungad samin. Maputi, matangkad, siguro mga nasa 5'7 ang height nito??? At muka syang may lahi ah sa mata palang halata mo na.

"Uhm?"

"What can I do for you, iha?" Aba englishera tong nanay ko ah. Hahahaha!

"Ah, eh... Ako ho si Airam. Andito ho ba si Lola Carmen? Apo nya ho ako." Sambit nung singket na babae dito sa harapan namin.

"Wala pa sya iha eh. Baka mamaya pa dumating ang lola mo. Halika pumasok kana muna tutal maayos na rin naman dito." Sabay inalalayan sya ni mama.

Naglilibot ang mga mata ni Airam ng biglang basagin ni mama ang katahimikan.

"Ikaw lang ba mag-isa ang pumunta dito, iha?" Tanong ni mama na umupo pa sa harap nya. Nanatili naman akong nakasandal sa may sink. Kita kasi dito sa kusina ang sala, halos katapat lang.

"Opo. Actually ho galing ako sa Japan dito na ho ako pinaderetso ng mommy ko dahil dito nga daw ho lilipat si lola. Hindi ko na rin ko kasi pinagod ang sarili ko makato na rin naman ho ito kaya dito na ko dumiretso. From Zambales pa po kasi manggagaling ang lola." Mahabang paliwanag ni Airam.

Ahh, so ibig sabihin haponesa pala itu. Kaya pala ganon ang itsura.

"Ganun ba, iha? Osya sige. Magpahinga kana at abangan mo na ang lola mo i'm sure by 8pm nandito na yun. Maayos na ang lahat dito sa bahay inayos namin ng anak ko."

"Hmm. Maraming salamat ho."

Nagkatinginan pa kami ni Airam bago ko sumunod kay mama pauwi sa bahay.

She's weird. Hahahahaha.

Klyde's Pov

"Mike, nasan si Nate?" Tanong ko dito sa pinsan kong may hawak na baraha.

"I don't know bro! muka ba kong hanapan ng nawawala?" Sagot ni Mike sabay tawa.

Psh! Siraulo.

"Asan nga si Nate? Yung assignment ko sa statistics di ko pa nagagawa." Inis na sambit ko.

Klyde's NozomiWhere stories live. Discover now