Chapter 3

28 1 0
                                    

Thinne's Pov

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ulo mo? Tara dalhin muna kita sa clinic bago tayo umuwi." Sambit ko kay Airam.

Nandito kami sa may field at nakatambay. Nagyaya kasing umupo si Airam dito di ko alam kung bakit.

"Wag na, hindi naman masakit." Sagot nalang nya habang nakatingin sa malayo.

"Sabihin mo lang kung gusto mong ipa-guidance natin yung mga yun sasamahan kita."

Napalingon saken si Airam.

"Kilala mo ba yung mga yun?" Tanong nya

Tumango ako "Sila ang Lucky 7. Magpipinsan yun."

Napakunot ang noo nya "Lucky 7? Psh. Baduy" sabay tingin ulit sa malayo.

Lucky 7 kase ang tawag sakanila dito sa Oxford School. Balita ko mga apo ng mayor yun kaya ganon nalang kung magsi-asta.

Wala din naman akong masyadong alam tungkol sakanila at hindi ako kabilang sa mga girls na kilig na kilig pagka-nakikita sila. They're not my type. Duh!

"Bat naman Lucky 7? Asan ang swerte sakanila? Haha hindi halatang dinadapuan sila ng swerte ah? Unang kita ko palang sakanila puro kamalasan na nangyari sakin eh" Sambit nitong katabi ko.

Natawa naman ako.

Grabe... May pagka-weird din tong si Airam. Kung ako yun malamang sa malamang hanggang ngayon nagbubunganga pa rin ako sa harap nung lalaking yun. Masakit kaya matamaan ng bola. Ang laki laki pa naman. Samantalang sya eto chill lang na parang walang nangyari.

>____<

"Lika na, uwi na tayo." Yaya nya sumunod naman na ko.

Airam's Pov

Inaya kong umupo sa field si Thinne dahil naaninag ko sa di kalayuan yung lalaking nakabangayan ko kanina.

Mag-isa syang naglalakad habang nilalaro ang susi sa kamay nya.

Mula pa kanina may kakaiba na kong napapansin sakanya.

Hindi kase ako sure...

Pero pamilyar sya.

At hindi ako pedeng magkamali na nakita ko na sya somewhere.

"Kilala mo ba ang mga yun?" Tanong ko kay Thinne

Agad naman syang tumango at sinabing Lucky 7 ang pangalan ng grupo ng mga lalaking yun.

"Lucky 7? Psh! Baduy" Yamot na sabi ko sabay tingin uli sa malayo pero hindi ko na nakita yung mokong na yun.

Inaya ko ng umuwi si Thinne dahil gusto ko ng magpahinga.

Ng makarating ako sa bahay nadatnan ko si ate Angelu na nasa sala.

Nakauwi na pala sya.

-______-

As usual hindi nanaman nya ko kinibo at inismiran.

Galit ba to saken?

Pero ngayon lang naman kami nagkasama.

Klyde's NozomiWhere stories live. Discover now