Chapter 5

24 1 0
                                    

Thinne's Pov

"Jusko naman Thinne kaylangan ba talagang makipag-bulyawan ka ng ganon kela Klyde? Nakakahiya ka siz!" Sambit saken ni Dalleth habang nagliligpit kame ng mga gamit.

Kakatapos lang namin mag practice and eto si Dalleth dinadakdakan ako tungkol sa nangyaring pagtatalo namin nung Klyde na yon kanina.

Ha?! At ako pa talaga ang pinagalitan nya???

Psh! Eh ano pa ba aasahan ko e mukang crush nya ata yun.

Hindi nalang ako kumibo dahil baka humaba pa kaya kahit na gustong gusto ko din dakdakan tong cheer leader naming ito ay binalewala ko nalang.

"Anyway guys. Next week na ulit ang practice natin kaya makakapag-pahinga pa kayo dahil by next week everyday na tayo magpa-practice. Understood?" Si Dalleth.

"Saang spot ba tayo? Baka mamaya pag sa court may mga umepal nanaman at maghari-harian ah. Ayoko na ng istorbo please lang. Lakas makakain ng oras eh." Hindi ko napigilan magsalita agad naman akong siniko ni Olga, kasamahan ko din sa cheering squad.

Napabuntong hininga nalang si Dalleth at di na ko sinagot. Kilala ko ni Dalleth alam nyang mas madakdak pa talaga ko sakanya.

Nagdecide kami maghiwa-hiwalay at habang papalakad ako papunta sa locker ko ay nakita ko ng nandon si Airam at nakasandal.

"Airam!" Tawag ko sakanya, napalingon naman ito.

"Kanina pa kita hinihintay. Tara kaen tayo sa labas." Wow libre yarn? Hahahaha

Hindi ko naiwasang magtaka "Hmm bakit? Anong meron?" Takang tanong ko.

Natawa sya "Wala. Haha gusto ko lang kumain sa labas besides maaga pa naman. Ayaw mo ba?"

"Hindi no! Syempre g ako dyan! Oh sya sige tara na." Kinuha ko lang yung isang notebook ko sa may locker at inaya na sya.

Nandito kami ngayon sa isang Japanese Resto malapit sa may school dito daw kasi gustong kumain ni Airam kaya di na ko umangal pa, libre naman nya eh. Hahaha.

Umupo na kami at tinawag nya ang waiter.

Habang naghihintay sa order namin ay nagsalita sya.

"Namiss ko lang kumain ng mga japanese food." Sambit nya pero ramdam ko yung lungkot sa tono ng pananalita nya.

"Kelan kaba babalik sa japan?" Pang uusisa ko.

"Baket? gusto mo na bang umuwi ako don?" Biro nya natawa naman ako.

"Hindi no. Pero kasi mukang nandon ang puso mo eh." Seryosong sambit ko dumating na yung order namin at nagsimula ng kumain.

Nang biglang magsalita si Airam.

"Hindi naman sa nandon ang puso ko. Nahihirapan lang kase ako sa set up ko dito. Namimiss ko lang din yung buhay ko doon. Pero gusto ko din naman dito sa pinas." Mahabang paliwanag nya.

"Ilang years kaba tumira dito?" Tanong ko bago sumubo ng isang takoyaki. Hmm sarap!

"Mga 7 or 5? Hindi ko na matandaan basta nag stay kami ng matagal dito sa pinas nung bata ako." Tugon naman ni Airam

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Klyde's NozomiWhere stories live. Discover now