VIDEO CALL

20 1 0
                                    

Dalawang araw pa lang kaming magka chat pero iba't ibang topic na ang pinag-uusapan namin.

Nalaman ko rin na twenty six years old na pala siya at ilang buwan nalang ay mag twenty seven na rin siya. Samantalang ako ay mag twenty two pa lang sa susunod na buwan.

Rafael Kent: Ilang taon ka na nga pala?

Lyssie Laurel: Hulaan mo!

Siya talaga nag open sa topic na iyon kaya nalaman din niya kung ilang taon na ako.

Rafael Kent: Hmm.. 25? :)

Napahagikhik ako dahil hindi ko inakalang mapagkamalan niya akong ka age niya lang.

Lyssie Laurel: Hindi no! 21 pa lang ako ngayon.

Na seen na niya iyong message pero matagal siyang nakapag reply. Ang weird kasi hindi naman talaga siya matagal nagrereply.

Mahigit isang oras din ang nakalipas hanggang sa nag reply siya sa message ko.

Rafael Kent: Oh, so you're still young.

Iyan yung natanggap kong message galing sa kanya. Hindi iyon tanong. Para bang itinatatak niya sa sarili niya na I'm still young. Ewan.

Lyssie Laurel: Yeah. I'm still young but I'm mature enough.

Sabi ko sa kanya na para bang ang rason ko ay makakapag pabalik sa kanya sa ulirat.

Rafael Kent: To be honest you're cool but still.. I'm shocked coz You're a kid pa pala.

Pagkabasa ko no'n ay agad nagkasalubong ang mga kilay ko at bahagyang nainis sa sinabi niyang "Kid".

"What the.." Bulalas ko sa kawalan.

Lyssie Laurel: I'm not a kid.

Rafael Kent: You are.

Lyssie Laurel: Damn it! I said I'm not a kid!

Then he just sent me an emoji.

After that hindi na ako nagreply dahil naiinis na talaga ako. Kaya pinilit ko nalang matulog nang wala sa mood.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa skwelahan at nagmukmok hanggang sa dumating ang Instructor namin.

"Okay ka lang?" Si Vianna

"Klaro naman sa mukha girl!" Si Liofer

Pinag-iirapan ko silang dalawa at nakinig na lang sa instructor naming nasa harap.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin binubuksan ang cellphone ko. Baka kasi kapag binuksan ko ay agad akong pupunta sa dating app na iyon at tingnan kung may mensahe ba siya.

"Kainis!" Hindi ko na talaga napigilan. Mabuti't wala na ang Instructor namin at next subject na.

Napatingin silang dalawa ni Vianna at Liofersa'kin.

Napasimangot ako at sila naman ngayon ang nang-irap sakin.

"Ano bang problema mo bakla!?" Tanong ni Liofer

Lumapit silang dalawa sa inuupoan ko at hinihintay ang mga sasabihin ko.

"E kasi.. Feeling ko hindi niya gusto ang mas bata sa kanya."

Nagkatinginan silang dalawa ni Vianna at Liofer at sabay-sabayng pinagtawanan ako. Gets na siguro nila kung sino ang tinutukoy ko kaya pinagtatawanan ako.

SEE YOU WHEN I SEE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now