KISS

21 1 0
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ay dinala niya ako sa paborito niya raw na lugar.

Hindi naman kalayuan sa G-Mall kaya nakarating din agad kami.

Iniwan namin ang kotse ko sa Mall para daw hindi na ako maabala sa pagmamaneho.

"Dito?" Tanong ko nang nakaparada na siya ng kotse niya

Binalingan niya ako

"Yeah"

People's Park.

Dito raw ang paborito niyang tambayan.

"Naalala mo? Noong pumunta ako sa plaza namin habang ka Video Call kita? Maganda rin doon! Diba?" wala sa sariling sabi ko

Natahimik ako nang napansin kong natahimik din siya.

Doon ko lang natanto na.. Hindi niya pala ako kilala.. O.. Hindi niya ako magawang matandaan.

"Ah! Sorry.." bawi ko nang medjo awkward na iyong sitwasyon namin

Agad naman akong bumaba ng kotse niya at hinintay nalang siyang lumabas.

Sa pagkakataong iyon gusto kong kainin nalang ako ng lupa.

"What do you want to eat? Bili muna tayo" tanong niya nang nakalabas na

Nagkibit-balikat ako.

"Kahit ano" sabi ko

He smirked

"Kahit ano?" Balik tanong niya

Tumango ako

"So kahit ako iyon, kakainin mo?"

Namilog ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong!

"G-Gago ka ba?!"

Natawa siya at umiling-iling

"I was just joking! Don't take it seriously baby"

Nanindig ang mga balahibo ko sa huling salitang sinabi niya.

Nag lakad nalang ako papunta sa may nagtitinda na mga pagkain.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil kahit sa maliliit lang na ginagawa niya ay malaki ang epekto sa akin iyon.

Ayaw kong pangunahan ang nararamdaman ko dahil alam ko, sa sarili kong hindi niya ako magawang matandaan..

That's why I know that in the end ako iyong mapapatumba. Ako iyong masasaktan sa huli.

Sa totoo lang gusto ko siyang saktan.

Dahil sa ginawa niya noon nakalimutan ko na tuloy kung paano magmahal pang muli sa iba.

Pero sino ako? Anong karapatan ko para saktan siya? Hindi niya ako ka ano-ano. At sino ako para maramdaman ang 'pag-ibig' na sinasabi nila kung hindi man lang niya minsan naramdaman iyon sa'kin?

Habang naglalakad kami papunta sa may tindahan tinitingnan ko siya...

Ibang-iba ang hitsura niya noon.

Ibang-iba ang mga mata niya.

Nasa ganoon ako nang sitwasyon nang binalingan niya ako.

"Huwag mo akong titigan. Baka mahalin mo na ako niyan" sabay tawa niya at nagmamadali nang naglakad at bumili ng pagkain.

Bigla akong nanghina sa sinabi niya...

Baka mahalin mo na ako niyan...

Ramdam ko ang tiyan kong parang may mga butterflies na nagwawala.

Damn..

"Mahal na naman talaga kita. Noon pa lang" bulong ko habang tinititigan siya sa malayo

SEE YOU WHEN I SEE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now