FRIENDS

17 1 0
                                    

Dalawang linggo na rin simula noong nag matched kami sa Dating App. Masaya siyang kausap. Simula kasi nung nag Video Call kami, sunod-sunod na ang mga araw na lagi namin iyong ginagawa.

It's December 12 already at ilang mga araw nalang ay Christmas break na. Hays sa wakas!

Ilang buwan nalang din ay gagraduate na ako! Gusto ko na tuloy mag bagong taon para tuloy-tuloy ang mga araw at para graduation na.

"Magsisimba kami ng Papa mo. Sasama ka?" Si Mama

Nasa hapag kami ngayon at nagsasandok na ako ng kanin nang nagtanong siya.

"Ah hindi po. Mamayang hapon na kami ni Vianna kasi sasama na si Liofer sa amin mamaya." Paliwanag ko habang kumukuha ng ulam.

Tumango siya.

"O sige at baka nga pala gabihin kami ng Papa mo Lys." Aniya

Napabaling ako sa kanilang dalawa ni Papa na may nagtatanong na mga titig.

"Na invite kasi kami ni Mayor. Birthday ng anak niya at may party doon. Gusto ka man naming isama pero may meeting kami pagkatapos kaya gagabihin talaga kami." Si Papa ang nagpaliwanag.

Tumatango ako.

"Okay lang Pa. Text nalang kayo mamaya if pauwi na kayo." Sabi ko at ngumiti.

Sumang ayon naman silang dalawa kaya tinapos ko na ang almusal ko at pumasok muna sa kwarto bago ako maglilinis ng bahay.

Nakita ko ang cellphone ko na full charge na at binasa ang mga messages na kararating lang galing kay Rafael.

Rafael Kent: Good morning beautiful lady! ;)

Rafael Kent: Breakfast?

Rafael Kent: Can i call? :( I wanna see you.

Napangiti ako habang binabasa ko 'yon at halos maitapon ko ang cellphone ko nang mag ring iyon.

Video Call as usual.

"Hi" napapaos niyang bati nang nasagot ko na ang tawag.

Gosh. Bakit ang hot niya!?

Parang may bumara sa lalamunan ko kaya matagal akong natahimik.

"Nag breakfast ka na?" He asked

"Hmm"

Inilapit niya pa ang mukha niya sa screen. Ang gwapo niya lalo! Ugh. Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"What's hmm?"

Natawa ako.

"It's a yes. Opo. Kumain na" Paliwanag ko

"Good" sabi niya na para bang kontento na.

I smirked.

Tumaas ang isang kilay niya at itinaas ko rin ang isang kilay ko.

"What?" Aniya

"Kumain ka na rin?" I asked

Umiling siya at saka ko lang nakita ang higaan niya ng inilayo na niya yung mukha niya.

"So hindi ka pa bumabangon." I said.

"Uh huh" aniya

He sighed.

"Kumain ka na muna" sabi ko

Napakunot ang noo niya.

"Eh ikaw? What will you do? Pwede naman sigurong kumain na may hawak akong cellphone."
Aniya

Napapikit ako sa mga sinabi niya. Pwede rin naman siguro na kumain lang at hindi na muna mag video call diba?

Pero hindi ko iyon sinabi.

SEE YOU WHEN I SEE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now