FULL NAME

36 1 0
                                    

Rafael Kent: Can i see you then? Let's have a Video Call if you want. :)

What? Did I read it clear!?

Napakurap-kurap ako at inulit-ulit ko iyong binasa. Nag message siya ulit kaya binasa ko.

Rafael Kent: Hey! Are you still there?

I sighed.

Hindi ko siya nireplyan kaya nag message siya ulit sakin.

Rafael Kent: If you didn't like the idea, okay lang. Just don't ignore me. Gusto ko lang ng taong makakausap ngayon.

Nang natanggap ko iyong message niya, may parte sa aking umaayaw na kausapin siya. Pero ikinatataka ko naman na may parte sa akin na gustong kausapin siya.

Ewan. I just don't get it.

Ang weird na tuloy nang mga iniisip ko ngayon. Ma replyan na nga lang 'to.

Lyssie Laurel: Hmm, Kakachat pa lang kasi natin tapos video call na agad ang gusto mo.

Pagka send ko no'n agad din niya itong binasa at nireplyan.

Rafael Kent: Gusto lang naman kitang makita. Pero yun nga, kung hindi pa okay para sayo.. It's okay. I understand. :)

Bigla tuloy akong na konsensya pagka sabi niya no'n. Hays! Ano ka ba Lyssie!

'Wag ka munang magtiwala sa kahit na sino. Baka matulad na naman iyan sa PAST mo.'

Ganyan ang walang hiya kong utak kung makapag-isip. Nakakatawa pero totoo din naman.

Lyssie Laurel: Just give me enough time. Magpapakilala din naman ako sa'yo.

He's typing...

Rafael Kent: No problem. Naiintindihan kita. :)

Ano ba naman itong tao na 'to. Napaka understanding naman.

Lyssie Laurel: Verified talaga ang account huh. Buti walang nagsa-swipe right na beki sa'yo?

Gwapo ka pa naman!

Rafael Kent: Sabi ko nga eh gusto ko nang kausap. Pwede ka ba?

Lol. Ano ba gusto niya? Wala ba siyang kaibigang kakausap sa kanya? Kawawa naman kung gano'n.

Lyssie Laurel: Wala ka bang friends? Bakit naisipan mong mag dating site? E gusto mo lang pala ng makakausap.

Hindi naman agad siya nagreply kaya naisipan kong mag facebook muna.

Nakita ko na naman ang bagong post ni Vianna. At talagang ang saya ng kaibigan ko. Sana naman e magtuloy-tuloy na 'yan.

Napailing nalang ako at ilang saglit lang ay nag notif na may message sa dating app.

Kaya agad kong chineck at binasa ang reply niya...

Rafael Kent: Sorry for the late response, hindi ko kasi alam kung paano iexplain sayo na ang pakikipag-usap is a step to know each other more. Am i right? Kaya natural lang na mag-uusap tayo dito sa dating app.

SEE YOU WHEN I SEE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now