HIS LAST MESSAGE

16 1 0
                                    

Hindi ko alam anong problema niya at bakit binabaan niya lang ako bigla.

I tried to call him but I can't reached him anymore. I sighed and let out the negative thoughts on my head.

Bumalik nalang muna ako sa cottage namin at doon nalang ibinaling sa mga kasama ko ang atensyon ko.

Nagkakatuwaan kami dahil nagpapansin ang isa sa mga kasama naming lalaki sa kabilang cottage.

At may dare sa kanya na hingin dapat niya yung number ng babae.

Go naman siya kaya pinagkatuwaan namin siya.

Nakita naming nag-uusap na sila at siguro binibigay na 'yong number.

Nakita ko rin na marami ang kasama noong babae. Hanggang sa nadapo ang paningin ko sa isang kasama niya na tinitingnan ako.

I was surprised na 'yong tao na 'yon ay 'yong tao na sinaktan ako noon. Woah. I didn't expect to see him here. Damn!

"Hi" he mouthed

Tinanguan ko lang siya at hindi na tiningnan pa ulit.

Hindi napansin nila Vianna at Liofer 'yon dahil busy sila sa katuwaan.

Tiningnan ko nalang ang cellphone ko at baka makita kong may text na si Rafael, pero wala.

I sighed again and again.

Napansin na 'yon ni Vianna dahil katabi ko lang siya.

"Anyare seb?" Aniya

Umiling lang ako

"Wala"

Ipinagkibit-balikat niya na lang 'yon at patuloy pa rin sa katuwaan dahil pabalik na ngayon yung lalaki na may dare na nanghingi ng number.

"Easy breezy!" Anito

Pinagsasampak siya ng mga kasama niya dahil sa ka hambogan niya. Kaya natatawa kaming lahat.

"Let's play it again" ani Bhry

"Sige lang Papa Bhry!" Si Liofer na nagpapa cute

Ngumiwi nalang ako dahil sa kaharutan niya.

"Kadiri ka! Hindi ka namin kaibigan ni Lyssie ah!" Ani Vianna

Nagtawanan kami at nadapo nang hindi sinasadya ang mga mata ko kay Dexter.

Nakatingin pa rin siya sa amin dito at halatang nakatingin pa rin siya sa akin.

"Lys, ikaw na"

Naibalik ko lang ang mga mata ko sa mga kasama ko nang tinawag nila ako.

"Ha?"

"Ikaw na" ani Vianna sabay pakita sa bote na nakatapat sa akin.

Lumunok pa muna ako bago nagsalita.

"Anong ipapagawa mo?" Tanong ko sa lalaking humingi ng numero kanina.

Dahil ang huling may dare lagi ang magbibigay ng dare sa bagong taong pag-uutosan.

"Hmm" aniya nang nag-iisip sabay tingin sa kabilang cottage
"Yakapin mo yung naka green!"

Aniya na para bang ang dali-dali lang ng ipinapagawa niya sakin.

"Oh shit" si Vianna nang nakita niya kung sino

"Omg!" Ani Liofer at natutop pa talaga ang bibig

Napatingin din ako kay Bhry dahil kilala niya kung sino 'yon at ano siya sa buhay ko.

"Bro, wag na-"

Pinutol ko ang mga sasabihin pa sana ni Bhry. "No Bhry, It's okay" sabay ngiti ko

SEE YOU WHEN I SEE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now