maya-maya ang pagtingin na ginagawa ni heeseung sa kanyang relo. ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang afternoon class nila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si julie sa classroom.
at hindi maiwasan ni heeseung ang mag-alala.
napatingin siya sa likuran at nakita si sunoo na hindi mapakali. akmang tatanungin niya ito tungkol kay julie nang biglang pumasok ang first subject teacher nila sa afternoon class.
nagpakawala si heeseung ng mabigat na hininga at saka nagtaas ng kamay dahilan para maagaw nito ang atensyon ng teacher.
"sir jeon!"
"yes?"
tumayo si heeseung at lumapit dito. "pwede po bang pumunta sa clinic? bigla po akong nahilo—"
"sige, magpahinga ka na rin muna heeseung." ngumiti ito at ganun din ang ginawa ni heeseung saka nagmamadaling lumabas ng classroom.
hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at hinanap na si julie. nag-ingat din siya na hindi siya makikita ng teachers dahil for sure detention ang abot niya kapag nalaman nilang nag-cutting class siya.
for the first time and just because of julie.
ganun niya ka-mahal ang julie ninyo, sanaol.
lumipas ang ilang minutong paghahanap ay hindi niya pa rin nahanap si julie. nagpunta na rin siya sa building ng dance department at sa ibang departments pero wala talaga si julie doon.
hanggang sa nakarating siya sa abandoned building sa likod ng dance department building.
napatigil sa paglalakad si heeseung at nakahinga ng maluwag matapos makita si julie na nakaupo habang nakasandal sa malaking puno. natawa pa si heeseung dahil halatang natutulog ito at ang cute niya lang pagmasdan.
lumapit siya dito at umupo sa tabi nito. pansin niyang mahuhulog na ulo ni julie mula sa pagkakasandal nito sa puno kaya agad niya itong isinandal sa kanyang balikat para komportable itong makatulog pero nagising ito sa ginawa niya.
napakurap-kurap si julie at agad na nag-angat ng tingin, nakangiting si heeseung ang bumungad sa kanya na ikinagulat niya dahilan para malayo siya agad at umayos ng upo.
"bakit ka nandito!?" nagugulat nitong tanong kay heeseung.
"so nag-cutting classes ka para lang matulog?" tanong din ni heeseung sa kanya but she just rolled her eyes.
"edi wow."
he chuckles, "sama ng gising mo ah?"
"psh, umalis ka na nga dito—"
"hinanap kita."
natigilan si julie sa kanyang narinig at napatingin ng diretso kay heeseung na nakatingin din sa kanyang mga mata. pero agad ding nag-iwas ng tingin si julie dahil pakiramdam niya matutunaw siya.
"b-bakit pa? doon ka na lang sa cyril na hinatid mo kanina, tutal siya naman ang kasama mo mula umaga hanggang lunch." bakas sa boses ni julie ang pagka-bitter.
hindi niya maintindihan pero sobra siyang naiinis simula nang makita niya si heeseung na may ibang kasamang babae at nakakapit pa talaga sa braso niya. naiinis siya dahil mukha silang mag-jowa.
idagdag mo pa ang katotohanang mas maganda sa kanya 'yung cyril na 'yon ayan tuloy nabwisit si madam julie.
samantalang si heeseung ay natulala sa kanyang narinig but then he realized something that made him smile like an idiot. nakatingin lang siya kay julie na nakanguso at halatang naghihimutok sa isang tabi.
"nagseselos ka ba?" mahinang usal ni heeseung na ikinagulat ni julie ng bongga.
"a-ano!?" lumingon siya dito at nahalata ni heeseung kung paano namula ang pisngi nito na mas lalong nagpangiti sa kanya.
heeseung just nodded his head from up and down. "i see."
parang nanalo si heeseung sa ngiti niyang 'yon.
BINABASA MO ANG
my only one ace. lhs
FanficCOMPLETED. heeseung's affection for julie is undeniable and when he finally mustered the courage to reveal his feelings- julie turned him down and pushed him away. despite facing rejection, his feelings for her only grew stronger. he refused to giv...