Huhu nakakainis, ano na naman bang nagawa ko? hindi ko na to kaya, sawang sawa na ako, napakasama ko. Hindi ako nararapat mabuhay sa mundong ito, hinding hindi dahil masama ako!!!
"Umalis ka dito sa pamamahay ko!! Demonyita kang bata ka!! Wala ka nang ginawang tama!! Nagkanda alis alis ang mga anak ko nang dahil sayo!! Sige lumayas ka at wag na wag ka nang babalik!!"
********
"Lumayas ka dito sa bahay ko! Hindi ka dapat nandito! Masakit ka na sa mata! Masama pa bunganga mo! bilis!! Wag ka nang babalik sa bahay ko!!"
*******
"Lumayas ka na dito at wag na wag ka nang babalik dito, ang sama sama mo, pinakisamahan kita, pinakisamahan ka namin, tapos masama igaganti mo sa amin, napakawala mong awa!! Umalis ka na!!"
*******
"Namatay ang kapatid ko nang dahil sayo, napilay ang papa ko nang dahil sayo, nagkandalecheleche ang business namin kaya naluge at bumagsak, ako hindi na ako makakapag-aral dahil sayo, si lola umalis at sumama kay lolo sa probinsya dahil rin sayo, put*ngina mo, kung hindi pa sapat yun, sabihin mo na lang na mamatay na ko ngayon para tapos na buhay ko, tapos na ang paghihirap ko sayo put*ngina!! Put*ngina mo!!! Sana buhay mo na lang ang nagkandalecheleche!"
*******
"Ano ba kasing nangyayari sayo? Bakit ka ganyan? Bakit ang unfair mo? Oo masungit ako sayo, oo nasasaktan kita, oo naging totoong masama ako sayo, pero alam ko kung kelan ako titigil dahil alam kong napupuno ka na sa akin, pero puny*ta, sapat ba na ipahamak mo ang lolo ko, nasa ospital at comatose, madadaan pa ba yun sa sorry, hindi na puny*ta, bumalik ka na sa pinanggalingan mo, at wag ka nang magpapakita sa akin!"
*******
"Kung tutuusin hindi lang kita pinag-aral, pinaganda ko pa buhay mo, pero dahil sa lecheng pag-ibig na yan, nagpabuntis ka, bobo ka ba at wala ka nang utak? Hindi ka pa nakakapagtapos, tapos yang tiyan mo may bata na, lumayas ka! Buhayin mo yan nang mag-isa tutal sinabi mo lang din naman na ayaw mo na sa akin, sige lumayas ka at hinding hindi ka na makakabalik dito!!"
*******
"Hindi na kita mahal, tutal nakuha ko naman na ang lahat sayo, nagsasawa na rin ako sa pagmumukha mo, let's break up."
*******
"Hindi ko maramdaman ang pagiging totoong kaibigan mo sa akin, may mga bago na akong kaibigan, at mas gusto ko sila kesa sayo!!"
*******
"Wala akong anak na mamamatay tao, sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang kuya mo, mabuti pa ang kuya mo at nakakatulong pero ikaw, wala kang silbi!"
*******
Gustong gusto ko nang mamatay, walang nakakakita ng silbi ko, walang nakikiramdam sa kalungkutan ko, ako lang, ako lang mag-isa, malungkot at durog na durog sa sakit.
Darating pa kaya ang pagkakataon na may magmamahal sa akin ng totoo, walang halong pagpapanggap at panggagamit.
Ang daldal daldal kasi nang bunganga ko kaya lahat ng mga minamahal kong tao, napapahamak, hindi ko masabing wala akong kasalanan pero bunganga ko parin ang may kasalanan.
Pero hindi ako makapaniwalang may tao parin palang makakatiis sa akin, sobrang saya ko na eh, pero may mga nagbabago parin.
Totoo nga bang may tadhana parin sa akin o wala talaga. Totoo bang may magmamahal parin sakin ng totoo o wala talaga. O talagang umaasa lang ako sa wala.
😊😊😊
Hello everyone, I just hope na sana basahin niyo ito at ipagpatuloy lang ang pagbabasa at pagsupport sa story ko, promise matutuwa talaga kayo sa bawat update ng story ko na ito, isa itong achievement para sa akin hehe, you can also leave a message. Salamat:):):) Pa vote narin po thank you:)Everyone, Ang update ko po is nakadepende sa kasipagan ni author bumuo hehe÷)
2024
YOU ARE READING
Cursed Mouth (On Going)
FantasyWhat if you get to the point where you are afraid to live? Will you run away from all your problems or you'll face them no matter how hard it is? Do you still want to ask if everything everyone wants is frustrating and scary? My life is full of t...