Kiaras POV
Grabe hardcore yun ahh, ano ba naman kasi, sunod sunod na tanong mula sa mga new teachers ko, ano talaga ang akala nila sa akin? Genius? Lintek na yan, ang hirap kaya.
Pero atleast nasagot ko naman lahat, fair rin naman kasi pati mga classmates ko hardcore rin at masasabi ko talagang matatalino nga silang lahat, grabe sa haba ng mga sagot eh, lahat tumatama, nakakabilib.
Mababait rin naman ang mga teachers pero nagiging terror rin daw sila, ewan ko lang, di ko pa naman nakikita, sa mabait side palang ako.
Recess time na at hindi pa ako tumatayo sa upuan ko, o yeahh, wala akong alam na pupuntahan eh.
Patingin-tingin na lang ako sa mga classmates ko na sunod-sunod nagsisilabasan.
"Kiara, won't you come with us so you can buy your snacks?" Napatingin naman ako kay Nicole na malugod akong tinanong.
Is she inviting me to join them? Well I don't think so, baka pagtitripan lang ako ng mga ito, wag na lang, hayyst bahala sila.
Nakakapagtaka lang na kapag kausap ko isip ko nakakapag English ako, pero kapag sinasabi ko na mismo, hahaha nabubulul ako, kainis kasi eh, gusto ko mag-english pero hindi kasi maganda ang aksent ko.
"Hey Kiara I'm asking you." Napabalik tuloy ako ng tingin sa kaniya.
"Inaaya niyo ba ako?" Nahihiyang tanong ko.
"Well, yes! You know ahm, getting to know each other, you only have to be friends with us so that you'll not be alone."
"Eh?"
"Why?"
"Haha, ano kasi eh, baka kasi ayawan niyo ako ehh haha, kasi ano, a-ahm.."
"Look, we want to be friends with you also, don't think to much. Kiara, were kind naman, don't be scared."
Akalain mong mabait din pala ang mga to.
"Pasensiya na, kasi ano ehh, nahihiya lang ako, hindi niyo pa naman kasi ako kilala eh, baka ako lang ang makagulo sa inyo." Nanghihinayang kong sagot, tama lang naman ang rason ko eh, por pabor, ayoko nang makapanakit pa ng damdamin ng ibang tao, marami na akong kaibigan na nagalit sa akin at minalas kaya ayoko nang makadagdag pa ulit, mahirap na, masakit pa.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni cessile.
"Haha ahmm, a-ano kasi eh haha, eh.."
"Fine, If you don't want then we won't force you to come with us, but please, don't ever think that you, joining us will ruin something Kiara, that won't happen." Paliwanag naman ni Fiona.
"Yeah, if you also think that we will hurt you or anything that can hurt you, we will never do that naman." Sunod naman ni Vicelet.
"Please Kiara? Promise, we will never do bully or anything else that can hurt you, because we weren't that kind of person talaga, you're very much welcome to join us and to be friends with us, okay?" Saad na naman ni Nicole, gusto ko mang tumanggi pero nakakahinayang dahil sila na nga ang nag insis, tanga na lang ako kung iiwas pa ako, pero gusto ko lang talagang hindi masyadong mapalapit sa kanila dahil sa huli, baka mas malalim pa ang sakit na mararamdaman ko soon.
"Sige na nga." May kaunting ngiting namutawi sa aking labi, sunod sunod na saya ang naramdaman ko ngayon.
"Yiehhhh, we have new friend again! hihi, you are really welcome here Kiara." Masayang sambit ni nicole na napapagigil sa kamay ko na hawak hawak na niya.
YOU ARE READING
Cursed Mouth (On Going)
FantasyWhat if you get to the point where you are afraid to live? Will you run away from all your problems or you'll face them no matter how hard it is? Do you still want to ask if everything everyone wants is frustrating and scary? My life is full of t...