Kiara's POV
"Guys san tayo kakain?" Tanong ko. Mabuti na lamang at tapos na namin ang pang umagang klase ngayon. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon ng hapon. Mabuti na lang at wala parin si kuya pagkauwi ko.
"Kahit saan basta malayo sa disgrasya."
Sabay sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Amazing. Tama naman siya. Ayoko rin naman sa disgrasya."Dun parin tayo sa pangalawang restaurant." Sabay sabay din kaming pumayag sa sinabi ni Zero. Hindi ko alam pero may pakiramdam na naman ako na susundan kami ng gulo. Ayaw kasing mawala ng kakaibang kabang nararamdaman ko sa dibdib patungong tiyan eh, nananakit ng sobra. Para akong aatakihin sa sobrang kaba.
Lumabas na kami ng room at piniling wag kausapin ang isat isa upang makita namin ang dinadaanan namin. Dumaan na rin kami dun sa walang hagdanan at naglakad sa may path way. Baka may padulas na naman kasi eh. Baka malintikan na naman kami.
Matiwasay kaming nakarating sa resto at kaniya kaniya kaming order ng paborito naming pananghalian at pumili ng iisang pwesto para sa aming lahat.
Nasa iisang mahabang lamesa kaming lahat. Habang kumakain kami ay napabitaw ako sa hawak kong tinidor at kutsara ng may tumulong kung anong likido sa ulo ko.
Napataas ang lahat ng ulo ng mga kasama ko patungo sa gawi ko dahil sa ingay ng pagkabagsak ko sa mga hawak ko.
Pare pareho kaming hindi nakagalaw at hindi agad agad nakarecover. Sa ngayon ay pare pareho na kaming may tumutulong likido sa mga ulo. Tinitigan kong maigi ang mga taong nagtapon ng likido sa mga kasama ko sa mismong harap ko.
Sila ang ibang nakita kong pinagtatawan kami nung dumausdos kami sa hagdan at ang iba naman ay yung mga kasama ni Gazelle.
Nakakainis lang dahil parang normal lang sa mga kasamahan ko ang nangyayari ngayon. Ipinagpatuloy nila ang pagkain dahil hindi naman nadumihan ang mga kinakain nila.
"Good for all of you bitch." Ramdam ko rin ang mainit na hininga ni Gazelle sa likod ng tainga ko dahil sa pagbulong niya. Ano ba kasi talaga ang malaking problema ng babaeng to sa amin? Pinipikon talaga ako neto.
Sa inis at pikon ko ay agad kong hinablot ang milktea ko at binuksan ito. Agad akong tumayo at pagkaharap ko sa kaniya ay ibinuhos ko agad ang milktea ko sa ulo niya. Napangisi ako ng tumiim ang bagang niya ng tumulo ang milktea sa mukha niya mula sa ulo.
Napatayo naman ang mga kasamahan ko at napalapit naman ang mga kasamahan niya sa kaniya. Ang ibang kasamahan naman namin dito sa resto ay napatahimik.
Hindi ko napigilan ang galit ko at bigla ko na lang hinawakan ang kwelyo ng blouse niya gamit ang isang kamay at hawak naman ng isang kamay ko ang buhok niya na ngayon ay malagkit narin katulad ng buhok ko. Hindi na siya nakagalaw pa, ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib niya dahil magkadikit na ang harapan namin. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at saka ako bumulong.
"Sa susunod na gagawin mo ang mga to sa kanila o sa akin, hindi ako mag-aatubiling gumanti sayo. Kung gusto mo ng away bata pwes pagbibigyan kita. Hindi ako patas Gazelle. Kung mangyaring saktan kita ng saktan para tigilan kami ay gagawin ko. Pwersahan kung pwersahan kung yun ang gusto mo."
YOU ARE READING
Cursed Mouth (On Going)
FantasyWhat if you get to the point where you are afraid to live? Will you run away from all your problems or you'll face them no matter how hard it is? Do you still want to ask if everything everyone wants is frustrating and scary? My life is full of t...