Kiaras POV
Hinihintay ko na lang si Zarine dito sa dati kong tambayan sa tabi ng malaking puno ng mangga na may katamtamang haba ng upuan at mesa. Nagtext na ako sa kanya pero hindi pa siya nagrereply. Siguro ay hindi pa siya tapos sa klase niya.
Malakas ang kutob ko na may mali sa lahat ng nangyayari sa akin. Ano yung mga naririnig ko tuwing gabi? Bakit sa tuwing walang tao sa paligid ko ay nararamdaman ko ang init na parang sumusunog sa katawan ko? Bakit sa tuwing may lumalapit rin sa akin ay madali itong nawawala? Bakit sa tuwing malapit sa akin si kuya ay nahihirapan at nanghihina ako? Bakit nangyayari ang mga yun sakin. Kapalit ba to ng mga pinagawa ni mama sa akin? Malakas ang hinala ko na may kinalaman nga yun lahat kay mama.
Nagulat ako ng may biglang tumusok sa pisngi ko.
"Ayos ka lang?"
Daliri pala ni Zarine.
"Kanina ka pa?"
"Medyo, hindi mo ko napansin eh, may iniisip ka ba?"
"Ahh haha wala naman, tutal nandito kana, san mo gustong pumwesto para makakain na tayo?"
"Dito na lang tutal may mesa naman kahit papano at saka magandang pwesto naman dito kasi mahangin tsaka malilim."
Totoo nga naman. Bakit pa kasi ako nagtanong eh dito naman talaga ako kumakain.
"Sige. Anong baon mo?"
"Pritong meatloaf na may egg. Ikaw?"
"Fried chicken ang akin, tutal dalawa naman ang akin sayo na lang tong isa."
"Share na din tayo dito sa meatloaf ko."
"Sure, sige."
After naming kumain ay mas lalo ko siyang nakilala at naging close. Nakikita ko sa kaniya ang ugali ng isang mabuting kaibigan. Alam ko na kapag naging kaibigan ko siya ay magiging matagal ang relasyon namin. Nagkwento siya ng nagkweto about sa sarili niya at katayuan niya sa buhay. Nagkwento rin naman ako about sa sarili ko pero hindi yung mga sensitive na part.
*******
Makaraan ang apat na buwan ay mas naging close pa kami ni Zarine. Alam na niya ang lahat ng mga sikreto ko. Mas dumami na rin ang mga nambabastos sa akin sa school. Malayo na ako kay mama dahil nakikitira na ako kina Zarine. Hindi ko narin masyadong nakakasalamuha si kuya.Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak tuwing mag-isa ako at wala sa tabi ko si Zarine. Kahit miss na miss ko na si kuya ay wala akong magawa kasi ang paglayo ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ligtas parin siya.
Sa tuwing mag-isa ako ay nararamdaman ko parin ang sakit at init sa buong katawan ko. Hindi na ako kasama ni mama kasi may nangyaring hindi maganda.
Hiniling ko na sana ay bumalik na lahat ang mga nakamkam ni mama sa mga totoong nag mamay-ari. Nagalit ako kay mama dahil sa ginawa niya. Natupad yung hiniling ko nung araw na yun kaya galit na galit si mama sa akin. Bumalik kami sa dati naming bahay na maliit. Sa sobrang galit ni mama sa akin ay hindi niya nahalatang natabig ng kamay niya yung kandila kaya nagkaroon ng sunog.
Nagising nalang ako na nasa loob na ako ng hospital at ang malala ay nakita ko si mama na sunog ang kalahati ng kanyang mukha.
At ngayon. Hindi ko alam kung saan na si mama. Hindi ko na kasi siya nakikita. At ayoko narin siyang makita pa.
YOU ARE READING
Cursed Mouth (On Going)
FantasiWhat if you get to the point where you are afraid to live? Will you run away from all your problems or you'll face them no matter how hard it is? Do you still want to ask if everything everyone wants is frustrating and scary? My life is full of t...