ONE

12 13 2
                                    

Kiaras POV

Isa lamang akong babaeng kung sasabihin nang iba ay walang patutunguhan, haha syempre kasi nga palagi akong pinapalayas, may sapi yata ako dahil lahat nang mga sinasabi ko ay nagkakatotoo at nangyayari. Para siyang sinumpa sa akin at ayaw ako nitong layuan, gustong gusto niya akong nagdudusa't nahihirapan.

Ako si Kiara Graciela Eleydo, isang grade 11 student na ngayon, hirap na hirap na akong magpalipat lipat nang tahanan, sa mga kapit bahay namin dati nung pinalayas ako ni mama, dahil sa akin nagkandalechelech ang buhay ng tinirhan kong kapit bahay, kaya ayun, hindi pa natatapos ang dalawang lingo ay wala na naman akong patutunguhan.

Hindi ko naman masabing wala silang awa kasi ako naman yung nagmumukhang masama, masama na kung masama pero bunganga ko lang yung nagkasala pero yung mga salitang lumabas sa bunganga ko ay mga pilit na salitang gusto nilang masabi ko mismo.

Hindi mo maintindihan??? wag kang mag-alala maiintindihan mo rin.

"Lumayas ka dito sa bahay ko!! Hindi ka dapat nandito! Masakit ka na sa mata! masama pa bunganga mo! bilis!! Wag ka nang babalik sa bahay ko!!" Gustong - gusto kong magmaka awa pero hindi ko magawa, nahihiya na ako.

Yan yung nag-mamay-ari ng tinitirhan kong bahay, ang tahanan ng kapit bahay kong si Tita Corazon. Sanay na ako sa ganito.

"Kukunin ko lang po ang mga gamit ko Tita Cora" Sa totoo lang ay nakakatakot si tita Cora, para siyang papatay nang tao sa paraan niya ng pagtingin sakin ngayon.

"Wala kang kukuning gamit."

"Po?"

"Wala kang dadalhing gamit dahil nang tumira ka dito, nakigamit ka lang sa mga gamit nang anak ko."

"Pero tita, wala po akong gagamitin, sige na po?" Gusto kong umiyak, napakahirap magpigil, nakakapanakit ng damdamin. Wala paring epekto kahit magmakaawa ako.

"Wala nang pero pero, tinanggap kita dito dahil nakiusap ang anak ko pero anong isinukli mo, katarantaduhan, sayang lahat nang mga ipinakain namin sayo, nang mga ginastos namin sayo, put*ngina, wag na wag ka nang babalik dito, wag ka na ring lalapit sa anak ko, walang kaibigan ang magagawang saktan ang matalik na kaibigan, lumayas ka na ngayon!" Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol, ang sakit, ang sakit sakit na, hindi ko na kayang maghirap pa ulit, unti unting nagtuluhan ang mga luha ko at kumawala ang hikbi ko. Punyeta ang sakit sakit na.

"Wag mo kong iniiyak-iyakan, hanggat may pagkakataon pa kong pigilan ang sarili ko na saktan ka ay umalis ka na, wala kang utang na loob, tama nga ang sinabi nang nanay mo, hindi ka na dapat nabuhay, walang karapatang mabuhay ang mga katulad mong masasama sa mundo."

"Wala kayong karapatang sabihin sa akin yan tita, hi-hindi niyo alam kung gaano kabigat ang na-rar-ramdaman ko."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, lumayas ka!" Pinatahan ko ang aking sarili at muling humarap kay tita.

Cursed Mouth (On Going)Where stories live. Discover now