Natasha's POV
Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng dinner. Pang-dalawa na ang niluto ko dahil bibisitahin ako ni Neiko, ang sumunod sa akin sa aming magkakapatid.
Malapit kasi ang apartment ko sa unibersidad na kanyang pinag-aaralan. Pero sa bahay pa rin namin siya natuloy.
Pwede naman kasi siya tumira dito sa apartment ko pero ang sabi niya, kailangan siya sa bahay. Kailangan nila mama ng kasama na lalaki daw sa bahay.
Pero iniisip din niya ang kalagayan ko dito sa apartment. Kaya naman kapag may time pa siya pagkatapos ng kanyang pasok, nadaan siya dito. Minsan nakikikain muna siya at uuwi din makalipas ang ilang oras.
Matapos magluto ay inayos ko na ang mga plato sa lamesa. Nag-text na kasi sa akin si Neiko na malapit na siya dito.
Maya-maya ay narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya naman pinagbuksan ko agad ito ng pintuan. Bumungad sa akin si Neiko na mukhang pagod.
Gumilid naman ako para makapasok naman siya sa loob. Dumiretso siya sa maliit kong sofa at umupo doon habang tinatanggal niya ang bag na dala-dala niya. Nilapag niya ito sa tabi niya at sumandal sa sofa habang nakapikit ang mata.
"Kamusta naman ang pag-aaral?" Tanong ko sa kanya habang sinasarado ang pintuan
"Nakakapagod, ate." Saad niya
"Ilang years na lang kaya pagtiisan mo na lang, Neiko." Pagpapalakas ko sa kanya ng loob
He is currently 2nd year at college. 2 years na lang at matatapos na din siya sa pag-aaral.
Naglakad na ako papunta sa lamesa at umupo agad para makakain na.
"Neiko, halika na dito. Kain na tayo." Aya ko sa kanya
Tumayo naman agad siya sa pagkakaupo habang nakasandal sa sofa. Umupo siya sa kaharap kong upuan.
Nagdasal kami bago magsimula kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang nakain. Parehas namin ayaw mag-ingay habang nakain. Kapag kakain, kakain lang talaga dapat para sa aming dalawang magkapatid.
Matapos kumain, napahawak ako sa tiyan sa busog. Nakita ko naman si Neiko na seryoso sa akin nakatingin.
"Ano meron? Bakit ka ganyan makatingin sa akin?" Tanong ko sa kanya
"May problema ba, ate?" Tanong niya sa akin
Napangiti naman ako sa kanyang tanong. Si Neiko talaga. Parang mas matanda pa siya sa akin dahil sa pag-aalala at pag-aalaga sa amin ni Naleigh simula noong bata pa kami.
"Hmmm, hulaan mo?" Ngumisi ako sa kanya
Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Yung seryoso kasi, ate. Meron ba?" Tanong niya ulit
"Meron." Seryoso ko na sagot
Tumingin siya sa akin na parang gusto niya ako pagsalitain pa.
"May nangyari kahapon ng gabi… " Pagsisimula ko at napaayos siya ng upo
Alam niya na galing ako sa bar. Kasi sinabi ko sa kanya na aalis kami ni Liezel.
"Meron akong… " Tinignan ko siya sa mata at alam kong gets na agad niya ang tinutukoy ko
"At anak siya ng boss ko." Pagtutuloy ko
Napasinghap siya sa sinabi ko. Dahil kilala din niya ang boss ko.
"Ang problema… hindi kami gumamit ng…" Napabuntong hininga siya
BINABASA MO ANG
Mistake In The Past (Mistake Series #1)
Romancea not so-called drunken mistake? that's where Natasha ended up as she have done the "deed" with someone she shouldn't at the first place. Natasha Hannera Castillejo Yaveron Rylein Valdez