Natasha's POV
Pag-uwi ko sa bahay kahapon ay hirap ako makatulog kakaisip sa mangyayari sa kinabukasan. Ang kinabukasan na ngayon na mangyayari.
Maaga ako pumasok, hindi lang dahil sa ayoko ma-late. Pero dahil need ko mag-prepare para sa welcoming sa anak ng boss namin. Sa tatay ng anak ko.
Napangiwi ako sa naisip ko. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako komportable sa kaisipan na ang magiging boss ko ngayon ay tatay ng anak ko.
Tapos lagi ko na siya makikita simula ngayon araw. Mas lumala tuloy ang hindi pagiging komportable ko. Pero wala naman ako magagawa kasi ang trabaho ay trabaho.
"Okay na ba yung presentation, Nat?" Kinalabit ako ni Xia
Napalingon naman ako sa desk niya at nakita na may ginagawa siyang presentation ngayon na ipapakita sa welcome event mamaya.
"Ayos naman! Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko sa kanya
"Hindi, ayos naman na ito. Gawin mo na lang diyan paperworks mo para less na mamaya gagawin mo mamaya. Mukha kasing matatagalan tayo mamaya sa event." Pagtanggi niya
"Okay!" Tumango na lang ako
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga gagawin ko. Need ko muna ng distraction as of now.
After ng lunchtime sa buong company, nagpatawag na si Sir Valdez, I mean si sir Rylon. Pumunta na daw ang lahat ng empleyado na kailangan present sa welcoming sa may conference hall at magsisimula na din kasi ito by 2pm.
Sabay naman kami pumunta ni Xia dahil dala-dala namin ang mga kakailanganin sa presentation mamaya.
Pumunta kami sa likuran ng conference hall kung saan naroon ang mga saksakan na konektado sa projector. Inayos lang namin ni Xia kasama ang ibang staff ang kailangan ayusin.
Pagkatapos namin ayusin ang mga wires sa likuran, dumiretso na kami sa loob ng conference hall. Nakaupo kami sa may kaliwa pero nasa unahan kami.
Sa kanan kasi, mga stockholders at ibang mahahalagang tao sa kompanya ang nakaupo. Habang sa kaliwa, dito nakaupo ang mga empleyado na katulad ko.
Sa unahan kami nakaupo ni Xia dahil pareho kaming secretary. Nakakakaba naman sa posisyon ko kasi bungad agad ako sa magsasalita sa harap.
Napabuntong hininga naman ako sa stress na nararamdaman.
"Okay ka lang?" Nagulat naman ako kay Xia na humawak sa braso ko
Tumango naman ako sa kanya bilang pagsagot.
"Sure? Baka naman kinakabahan ka?" Tanong niya muli
"Medyo lang." Sagot ko sa kanya
"Well, same! Ilang beses ko pa lang nakikita ang anak ni sir Valdez kaya hindi ko pa siya ganun kakilala." Saad niya
Magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa harap. Pareho naman kami napabalinh ng atensyon ni Xia sa harap.
"Please stand by for 1 minute and we will begin, everyone." Saad ng MC
Napatango tango naman ako sa pwesto ko.
Lumipas ang isang minuto at nagsimula na din ang event. Medyo bangag ako habang nanonood kaya naman hindi ko namalayan na nag-speech na pala si sir Rylon Valdez.
"Everyone knows how I treasure this company, right?" Marami ang tumango sa tanong niya
"And that's why I always make sure the choices I make for this company are the best." Sunod niyang saad
"That's why I'm presenting you, my son, Yaveron Valdez, as the new CEO of this company." He motioned his hand in side
And that's when Yaveron Valdez comes out and shows himself in front of everyone. He is wearing a navy blue suit that makes his skin color stand out more. I can see his hair is wavy yet brushed up from my seat. Ang pogi niya.
Napangiwi ako ng kinurot ako bigla ni Xia sa braso. Napalingon naman ako sa kanya.
"Uy ang gwapo niya, girl!" Patili na bulong ni Xia
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Well, hindi naman naman ako tatanggi sa sinabi ni Xia.
"Maybe I didn't choose him as my heir in the first place but when his brother steps down from the position, he showed how he deserves the higher position in the company." Nagsalita muli si Sir Rylon
"He trained for almost 4 years after he just landed here in the country. And now, I can say how proud I am of him! He showed how he upgraded himself throughout his training." Ngumiti si sir Rylon
May ilan pang sinabi si sir Rylon at ibinigay na rin niya ang kanyang mic kay Yaveron.
"Good afternoon, everyone." Umikot pa ang tingin niya sa buong hall
"I hope we can all work well together and do good on the given task you have… " He said
"That is all I can say for now since I didn’t have the time to prepare a speech." Sunod niyang saad
Napuno naman ng tawa ang hall. Habang ako naman ay nanahimik pa rin sa pwesto ko. Dahil ngayon ay nakatingin siya sa direksyon kung nasaan kami nakaupo ni Xia.
I left my face with no emotion. Dahil kinakabahan ako na baka makilala niya ako kapag nakita niya na mag-panic ako habang nakatingin siya.
Pero hindi naman kaya nakalimutan na niya itsura ko? Kahit pa na tutok na tutok ang tingin niya sa akin during what happened last 4 years ago? Dahil ilang years na nga ang lumipas eh.
Nang maalis ang tingin niya sa pwesto namin ni Xia ay na-pailing iling ako sa naisip ko. Dapat simulan ko na talaga ngayon na maging makakalimutin. Yung makalimutan ang nangyari sa amin noon.
Dahil hindi ko alam paano ako magrereact kapag nasa paligid ko lang siya or kapag nakausap na niya ako habang nasa trabaho.
How to keep this professional?
Nagkaroon pa ng ibang tao na nagsasalita sa harapan bago matapos ang event. It was already 6pm kaya naman ilang oras na lang ang itatagal ko sa office para makauwi na.
Dahil may 2 oras pa ako na natitira para sa paggawa ng paperworks, umakyat na agad ako sa office namin ni Xia para magsimula na doon maghalungkat ng mga contract papers na need ng maasikaso as soon as possible.
Kasabay ko si Xia na umakyat sa office floor namin. Buti na lang at siya ang kasabay ko. Dahil ang awkward panigurado if ngayon ko makakasabay sa elevator si Yoshen Valdez.
Pagkarating namin sa office ay nag-kanya kanyang gawa kami ni Xia ng natitura pa namin na trabaho sa desk namin.
Hindi naman na ganoon karami ang kailangan ko na agad asikasuhin na contract dahil kanina nga bago magsimula ang event ay natapos ko na ang iba dito.
Kaya naman ang ginagawa ko na lang ngayon ay ang iba pang natira. Pero natigilan ako ng biglang tumunog ang intercom sa desk ko.
"Hello, sir? What can I do for you?" Bungad ko sa linya
"Miss Castillejo, can you come to my office right now? I would like to introduce you to my son, who is now your boss starting today…" Saad ni Sir Rylon
"Okay po." I said and binaba ko na ang call
Inayos ko lang saglit ang desk ko para siguradong walang papel ang lilipad kapag umalis na ako.
Nang masigurado na ayos na ang maiiwanan ko sa desk, tumayo na ako at dumiretso na sa CEO office na hindi nalalayo.
Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko sa kada isang apak na tinatahak ko papunta sa office ng CEO.
Halos hindi na ako huminga dahil nasa tapat na ako ng pintuan ng CEO office. Hindi ko magalaw ang aking braso upang abutin ang bell para sabihin may tao sa labas.
Kaya ko 'to!
BINABASA MO ANG
Mistake In The Past (Mistake Series #1)
Romancea not so-called drunken mistake? that's where Natasha ended up as she have done the "deed" with someone she shouldn't at the first place. Natasha Hannera Castillejo Yaveron Rylein Valdez