Natasha's POV
Lumipas na ang halos dalawang buwan. Dalawang buwan na puno ng stress and what ifs ko na siya naman talagang nagkatotoo.
Dahil alam ko na nakakaranas na ako ng sintomas ng pagbubuntis. Nagsusuka. Nahihilo. Inaantok. Pagiging madamdamin. Mapili sa pagkain.
Kaya naman ngayong araw, pupunta ako sa pharmacy para bumili ng pregnancy test.
Pagbalik ko sa bahay dala-dala ang 3 pregnancy test kit, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na agad ako sa cr para ma-try ito.
Matapos ang ilang minuto na paghihintay sa resulta ng tatlong pregnancy test kit, tinignan ko na ito.
Positive.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako, sasaya ba ako o matatakot ba ako ngayon.
Huminga ako nang malalim at napahawak sa tiyan ko na flat pa rin naman hanggang ngayon.
I'll keep you.
Nagsimula akong maluha sa parehas na tuwa at lungkot na nararamdaman habang nag-iisip at hinahaplos ang tiyan ko.
Masaya ako kasi magkakaanak na ako. Pero hindi ako masaya sa problema na kinakaharap ko ngayong alam ko na buntis talaga ako.
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang contact ni Mrs. Valdez.
"Hello?" Bungad sa akin ni Mrs. Valdez
"Mrs. Valdez… " Tanging nasabi ko lang
"Hija? Is there something wrong? Tell me." Nakilala niya agad ako sa boses ko
"Pwede po ba tayo magkita?" Tanong ko
"Of course, hija." At napag-usapan na namin ang mga sumunod na detalye kung saan kami magkikita
Ngayon, nasa isang park ako at nakaupo sa isang bench habang hinihintay si Mrs. Valdez. Magkahawak ngayon ang dalawa kong kamay. Dito ako kumukuha ng lakas mula sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Hija!" Nakita ko si Mrs. Valdez na naglalakad na ngayon papalapit sa akin
Tatayo na sana ako pero tinaas niya ang kanyang kamay na parang sinasabi niya na huwag na ako tumayo. Sinunod ko naman siya.
Umupo naman siya sa gilid ko agad habang ako ay binubuksan ang aking bag para kunin ang pregnancy test kit.
Pagkakuha ay inabot ko sa kanya ito agad. Kinuha niya ito at tinignan agad. Napasinghap siya nang mahina sa kanyang nakita sa test.
Napatingin siya sa akin.
"Would you mind me hugging you, hija?" Tanong niya sa akin
Tumango naman ako sa kanya at niyakap niya ako agad.
"I'm so happy, hija. I'll be having my grandchild now!" Bakas sa kanyang boses ang tuwa
Humiwalay siya sa akin ng yakap at inabot ang kamay ko para hawakan.
"Don't worry, hija. I'll help you throughout your pregnancy and until my grandchild comes out." Ngumiti siya sa akin
Napaluha naman ako sa kanyang sinabi.
"Oh, don't cry." Hinawakan niya ako sa pisngi
Pinatahan naman niya ako mula sa pag-iyak.
"Now that you are pregnant, I'll say this to my husband so you can have your maternity leave from work. I'll use the excuse that I know you as my friend's daughter. I'll also make my personal secretary to replace your position for the meantime. You can come back to your work whenever you can." Pagpapaliwanag niya
BINABASA MO ANG
Mistake In The Past (Mistake Series #1)
Romantizma not so-called drunken mistake? that's where Natasha ended up as she have done the "deed" with someone she shouldn't at the first place. Natasha Hannera Castillejo Yaveron Rylein Valdez