Natasha's POV
Years has passed and I still can't believe kung paano ako naka-survive bilang ina. Almost 4 years na din pala ang lumipas?
Sa mga lumipas na taon, hindi ako nahirapan alagaan si Yoshen bilang infant. Kaya naman medyo naging madali sa akin ang alagaan. Lalo na at katulong ko sila mama sa pag-aalaga sa kanya.
Noong mga ilang buwan pa lang siya, may mga gabi na hirap ako makatulog dahil si Yoshen ay gising sa gabi pero tulog sa umaga. Kaya naman pinayuhan ako nila mama at tita Yna na sabayan ko na lang daw muna ang schedule ng pagtulog ni Yoshen para daw hindi na ako mahirapan.
Pero napadali naman na nung tumungtong si Yoshen ng 5 months. Umayos na ang kanyang pagtulog. Kaya naman nagawa ko na alagaan ang sarili ko during those times.
Pagsapit naman ng 7 months ni Yoshen, nakabalik na ako sa trabaho. Hindi naman niya kasi ako laging hinahanap. Gusto lang niya katabi niya ako sa pagtulog sa gabi. Kaya naman naiiwan siya kila mama, tita Yna at sa yaya niya. Minsan din ay inaalagaan siya ng dalawa kong kapatid kaya walang problema sa magbabantay sa kanya.
Kaya naman sinusubukan kong mag-trabaho ng maigi at mabilis para pagdating ng gabi, makakauwi na ako sa bahay.
Ganon ang naging takbo ng buhay ko hanggang sa mag-3 years old ngayon si Yoshen. Trabaho at pag-aalaga sa bata.
"Nat!" Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig na may tumatawag sa akin
Lumingon naman ako sa direksyon kung saan nanggaling ang tumawag sa akin. Nakita ko si Xia na isa sa mga secretary na kasama ko na nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko kay Xia
"Alam mo na ba ang chika?" Ngisi niyang tanong na siyang nagpataka sa akin
Anong chika naman?
"Ha? Anong chika?" Kunot noo kong tanong sa kanya
"May papalit na sa boss natin!" Kulang na lang ay isigaw niya 'yon sa tuwa habang pumapalakpak pa siya
Napaikot ko tuloy ang swivel chair ko paharap sa kanya.
"Anong papalit? Eh boss natin… " Napatigil ako sa pagsasalita ng may pumasok na idea sa isip ko
"Narinig ko sa meeting kanina ni Sir na papalit na daw sa kanya ang anak niya starting tomorrow…" Nagsimula na mag-explain si Xia tungkol sa sinasabi niya na chika
Ako naman ay nag-zone out sa mga impormasyon na kanyang sinabi sa akin ngayon.
"After for almost 4 years na pag-train, handa na daw ang anak ni sir na mag-handle ng mga businesses nila…" Tuloy ni Xia sa kanyang kwento
"Sa Taguig kasi nag-train ang anak ni sir kaya hindi natin siya nakita for the past few years. Doon siya nagsimula mag-training as COO muna. Now that okay na daw ang handling nito, ililipat na siya as CEO sa main branch ng company which is here…" Napahawak ako sa table ko sa huling sinabi ni Xia
Parang gusto talaga palapitin ang problema sa akin. Gusto ba ng mundo na naiistress ako ng sobra?
"Girl? Okay ka lang ba?" Napaayos ako ng itsura nang naramdaman ko ang hawak ni Xia sa braso ko
"Masama ba pakiramdam mo?" Sunod niya na tanong habang dinadama niya ang noo at leeg ko kung mainit ba ito
"Hindi, ayos lang ako. Medyo nagulat lang ako sa…" Huminga ako "sinabi mo… " Tuloy ko
"Well, medyo nakakagulat nga kasi now mo lang nalaman tapos bukas iba na ang boss na pagsisilbihan mo." Tumango tango pa siya habang nagsasalita
"Kaya medyo mag-ready ka na! Kasi hindi natin pa nakikilala ang anak ng boss natin… " Nagsimula naman siya magpayo
BINABASA MO ANG
Mistake In The Past (Mistake Series #1)
Romancea not so-called drunken mistake? that's where Natasha ended up as she have done the "deed" with someone she shouldn't at the first place. Natasha Hannera Castillejo Yaveron Rylein Valdez