CHAPTER 5

20 2 0
                                    

Natasha's POV

(5 months)

Pregnancy for me for the past few months and up until now wasn't an easy experience. Hirap talaga mag-buntis.

There were times I've been crying because of back pain. There were times I've been crying because I am vomiting too much. There were times I've been crying out of frustration because I want something impossible. 

Pero para sa anak ko, kakayanin. 

I'm currently 5 months pregnant. Nasa bahay lang ako dahil ayaw nga ni tita Yna na mag-trabaho ako. Sumang-ayon din si mama doon tutal naman daw ay may trabaho siya at kaya naman niya tustusan mag-isa ang pag-aaral ng dalawa kong kapatid pa na nag-aaral pa. 

Medyo malaki na ngayon ang tiyan ko kaya may hirap na akong nararanasan. Lagi na masakit na ang likuran ko. Kaya naman tinatawag ko ang nurse na inassign ni tita Yna para tulungan ako. 

Pero ngayon, hindi tulong ng nurse ang kailangan ko. Kundi si kuyang butler na inassign ni tita Yna sa akin. 

"Kuya?" Bungad ko sa kanya agad sa tawag

"Yes po, ma'am?" Tanong ni kuya

"Pwede niyo po ba ako sunduin ngayon sa bahay? Pupunta lang po ako grocery." Saad ko

"Ma'am, ano po ba papabilhin niyo? Ako na lang po ang bibili! Bilin po kasi ni Ma'am Valdez na huwag na raw po kayo masyadong pakilusin." Pagpapaliwanag ni kuya

"Kuya, gusto ko po ako po yung mamimili!" Pagpipilit ko

Narinig ko na napabuntong hininga si kuyang butler sa kabilang linya na siyang tinawanan ko ng mahina. 

"Sige na nga po, ma'am! Isama na lang po natin ang nurse in case of emergency." Sumuko si kuya sa akin

"Sige po!" Paalam ko kay kuya at tinawagan naman ang nurse para pumunta na siya dito sa bahay para sabay na kami sunduin ni kuya butler

Hindi nagtagal ay dumating na din silang dalawa. Dahil ayos ko naman na ang gamit na dadalhin ko, dumiretso na ako sa sasakyan. 

Nang makasakay, nagsimula na si kuya butler na mag-drive papuntang grocery store. Habang ako naman ay nanonood sa tinatahak namin na daanan. 

Ilang minuto lang na biyahe ay nakarating na din kami sa store. Inalalayan pa ako ng dalawa na bumaba mula sa kotse. 

Nagsimula na ako maglakad papasok ng grocery store habang sila ay nakasunod sa akin. Naka-civilian naman sila kaya hindi agaw pansin. 

Kumuha na si kuya butler ng push cart at siya na ang nagpaandar nito. Habang ako naman ay nagsimula na tumingin ng ano ang gustong bilhin. 

Parang gusto ko ng pasta. 

Papaliko na kami sa shelf ng mga pasta nang may bumangga sa akin. 

"Ma'am!" Narinig kong panic na tawag ni kuya butler

Hindi naman ako natumba dahil napahawak ako sa mga shelf. Buti na lang mabilis reflexes ko. Pero napatingin naman ako sa nabangga ko. Babae pala siya.

"Ayos lang ba kayo, ma'am?" Narinig ko na tanong ng nurse na tinanguan ko naman

Napabitaw ako sa shelf at sinubukan itayo ang babae na napaupo ngayon sa sahig. Pero dahil malaki ang tiyan ko, sinenyasan ko si kuya butler na tulungan ito. 

"Sorry po!" Paghingi ko ng tawad sa babae matapos ito matulungan tumayo ni kuya butler

Nakita ko na napahawak sa tiyan ang babae. Buntis din ba siya? 

Mistake In The Past (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon