#MBM06

23 6 33
                                    

#MBM06


"Nakapag-ayos ka na ba ng gamit para bukas?" tanong ni Papa nang makita niya akong nakahilata lang sa sofa pagkatapos kumain ng hapunan.

May family reunion kami bukas sa probinsya dahil kakauwi lang ng tita kong nakatira na sa London. Nurse siya at doon niya rin nakilala ang kaniyang napangasawa na kapareho niya ng propesyon. May dalawa silang anak, isang babae at lalaki, at halos ka-edad ko na lang din dahil 21 at 22 na sila.

I'm definitely not looking forward to that occasion. Hindi kasi ako gano'n ka-close sa pamilya ko sa father's side. Malimit lang namin silang makita, kumpara sa relatives sa mother's side. Dahil na rin siguro halos lahat ng mga kapatid ni Papa ay nakatira na sa ibang bansa. Kami na lang ang naiwan sa Pilipinas, pati na rin ang tito kong namamahala ng kanilang lupain sa probinsya.

"Hindi pa. Mamaya na, Pa," iling ko. Naparami yata ako ng kinain ngayong gabi kaya dinatnan ng glucose rush.

Well, I needed to rest for tomorrow because it's going to be a long drive but parang gusto kong magpahangin. Mamaya na lang siguro, kapag medyo mapayapa na sa labas.

Ngayon kasi hula ko marami pang taong tumatambay, lalo na't kailangang magpatunaw ng kinain pagkatapos ng hapunan. Minsan nga, lumalabas din si Mama para makipagtsismisan sa mga amiga. My mom's still working as a freelance consultant to an accounting firm, but most of the time, hawak niya ang kaniyang oras.

"Ate, bili ka na lang ng chips sa may 7/11! Wala tayong snacks bukas," angal ni Ivo, na siyang nakaupo sa single-seater couch na katabi ng sofang hinihigaan ko.

Napatingin naman ako sa gawi niya at akmang ibabato ang throw pillow na hawak. Agad naman itong tinakpan ang mukha at nagsisigaw para humingi ng tulong kay Mama.

Tss, Mama's boy talaga ang isang 'to!

"Ikaw kaya ang bumili, 'no? Matutulog ako bukas sa biyahe. Pagod ako buong linggo," depensa ko.

"Ay pagod ka ba? Kung sa bagay, lagi kang mukhang pagod kaya hindi ko na rin ma-differentiate kung mukha mo lang talaga o totoong pagod ka nga," ngisi niya sa akin.

"Papa! Pagsabihan niyo nga si Ivo," reklamo ko habang tawang-tawa ang isa dahil napipikon na ako. "Siya kaya ang walang pasok. Kaya dapat siya ang gumawa no'n."

Tumayo si Papa para kunin ang mga panlinis niya ng kotse. Mukhang alam ko nang mapupunta sa wala ang pagreklamo ko.

"Wala akong oras magpa-carwash kanina, hija," ani Papa. "Ivo, tulungan mo ako ngayon. Ikaw naman Ida, pumunta ka na sa convenience store para bumili ng pagkain niyo. Alam ko namang hindi niyo trip ang snacks na inihanda ng Mama niyo."

My dad has a point though. Mahilig kasi kami sa chips ni Ivo, pero hindi bumibili si Mama dahil napaka-unhealthy raw nito. Well, ano pa ba? Masarap naman kasi ang bawal.

Wala akong choice kung hindi bumangon at lumabas. This is actually a much better option than having to clean the car at night dahil ayokong pagpawisan.

"Ate, palit tayo!" angal ni Ivo. I stuck my tongue out at him as a response and walked to my room to grab my wallet.

Buti na lang at mukhang disente ang suot ko ngayon na tshirt at denim shorts kaya hindi ko na kailangang magpalit. Minsan kasi naka tank top lang ako at dolphin shorts, pero hindi ako komportableng lumabas ng bahay na gano'n ang suot.

"Ate, potato chips sa'kin ah! Kahit ano basta 'yon!" sigaw ni Ivo nang palabas na ako ng bahay. Kita ko pang hinila siya ni Papa papuntang garahe dahil binabagalan niya ang pagkilos. Tamad talaga 'yon eh.

Minutes Before MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon