#MBM01

50 11 18
                                    

#MBM01


I thought that after being part of the workforce for more than a year, I would slowly get over that Monday dread. Apparently not because here I am, struggling to tear myself away from the comforts of my bed at 6:12am on a Monday morning.

Naka-set ang alarm ko at 6:20am pero hindi makasabay ang aking body clock at kusang gumising nang maaga, kahit may walong minuto pang natitira. Walong minutong hindi ko na maibabalik kasi hindi naman ako makakatulog ulit. Buhay nga naman!

Nakatulala lang ako sa kisame at nang matauhan ay pinilit nang bumangon. I dragged my feet to my dresser and stared at the bird's nest on top of my head. Nakalimutan kong suotin ang hair wrap kagabi kaya intense ang pagkabuhol-buhol ng aking buhok. Nakaka-instant bad vibes agad kahit simula pa lang ng araw.

Juskolerd, huwag naman po sanang buong araw ganito!

Hindi naman ako nagtagal sa shower pagkatapos no'n. Low maintenance lang akong babae. Walang masyadong ritwal at wala ring elaborate skincare routine na sinusunod. Ni one-step or two-step skincare routine nga, hindi ko na magawa regularly, ano pa kaya ang 10-step, 'di ba? Wisik wisik lang ng tubig sa mukha, keri na agad! Hindi naman sa pagmamayabang pero nung nagpaambon ang Diyos ng kagandahan, nasa Lower Box naman ako. My face is not beautifully remarkable but it does its job of turning heads from time to time. Happy na ako sa ganito 'no!

"Ma, anong breakfast natin?" Tanong ko sa aking ina na siya namang abala sa pag-aayos ng mesa. "Good morning nga pala!"

Mabilis naman siyang lumingon sa akin. "Ikaw talagang babae ka! Nauna ka pang magtanong tungkol sa pagkain kaysa bumati."

"Siyempre naman! Breakfast kaya ang pinaka-importanteng meal sa araw," ngumisi ako sa kaniya.

Umiling na lang si Mama at hindi na rin sumagot pa. Bumaba na rin si Papa at bago pa man pumwesto sa kabisera ay lumapit muna sa amin ni Mama para halikan ang aming sentido at bumati ng magandang araw.

"Ang aga-aga, rinig ko na ang usapan niyo sa taas," pabirong sambit ni Papa. Agad naman niyang kinuha ang diyaryo sa mesa at pinasadahan ng tingin ang mga balita ngayong araw. "Saka nga pala, anak, sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa akin sa trabaho?"

Bahagya akong ngumiti at umiling sa kaniya. "Okay na po akong magcommute papuntang trabaho. Isang sakay lang naman mula sa atin eh."

Nasira kasi ang aking sasakyan, dala na rin siguro ng katandaan. Ito ang lumang kotse ni Papa na binigay nila sa akin nang bumili sila ng bagong kotse. Gusto nga nilang ibigay ang bagong kotse sa akin nung una kaso ako ang umayaw. Mas malayo naman kasi ang office building nila kaya mas mabuting hindi papalya ang kotse. Isa pa, hindi naman ako malimit gumala. Nakakatamad kayang lumabas. Iniisip ko pa lang na makikipagsapalaran ako sa traffic sa may EDSA, napapagod na agad ako.

"Basta tumawag ka lang kung kailangan mong magpasundo mamaya ah? Kung late ka uuwi, magpasabi ka para mabantayan ka namin sa kanto. Marahil si Ivo kasi laging nasa labas naman ang batang 'yon."

Tumango naman ako bilang tugon sa tanong ni Papa. Ewan ko na lang kung papayag ang kapatid ko. Bakasyon ngayon at wala siyang summer term kaya sumali ata sa liga. At least he got something to keep himself occupied, rather than sleeping at home the whole day.

May narinig kaming yabag mula sa hagdan at ayun nga, pababa ang bagong gising na si Ivo.

"Narinig ko ang pangalan ko ah?" Wala sa huwisyo niyang tanong. Anong oras na naman kaya 'to natulog?

"Sabi ko, if late umuwi ang ate mo ay ipapasundo ko na siya sa'yo. Kahit salubungin mo na sa may kanto," sagot ni Papa.

He immediately rolled his eyes at me and stuck his tongue out. What a kid! Bente anyos na pero kung umasal ay akala mo 15-years old pa lang. Nagsumpok naman ang aking medyo makapal na kilay. Extra impact kasi on fleek kaya 'to palagi!

Minutes Before MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon