C H A P T E R [ 3 ]

18 1 0
                                    

Chapter 3:

False Alarm

______________

Demi's POV

I'm on my way na papunta sa mansion nila Axl

Wait for me, my loves~

Nasa harap na ako ng gate nila pero nagretouch muna ako at nagspray ng mint sa bibig.

Baka mamaya sa sobrang miss niya sa akin halikan niya ako. Nakakahiya naman kung bad breath ako, diba? *le winks*

Nadetect na ako ng camera nila kaya agad nila akong pinapasok ng mga guard. Alam naman kasi nilang ako ang future wifey ni hubby Axl ko. Kilig much!

"Manang Cecille! Si Axl po?" tanong ko dun sa head maid dito sa mansion

"Ay naku, Ma'am Demi. Wala pa po si Sir. Dumeretso pa kasi siya sa Japan pagkagaling niya sa Korea" sabi ni Manang

"Ganun po ba? Eh bakit po sabi ng pinsan niya, bumalik na siya kahapon?" tanong ko kay Manang

"A-ah eh, b-biglaan lang din po kasing inutusan ni Sir Ace si Sir Axl" sabi naman ni Manang

Tinitigan ko siya ng mabuti sa mata para malaman ko kung totoo ba ang sinasabi niya.

Napaka-imposible naman kasing pagsisinungalingan ako ni Blake, yung pinsan ni Axl.

May gusto yun sakin eh. Kaya confident ako.

Aish. Makaalis na nga.

_________________

AXL'S POV

"Manang, nakaalis na ba?" tanong ko kay Manang

"Opo, ser. Nakaalis na si Ma'am Demi" sagot naman ni Manang Cecille

"Salamat Manang, ah"

"Bakit ba ayaw mong makita ka ni Demi? Gusto ka nga niya eh" tanong naman sa akin ni Manang

Nginitian ko na lang si Manang at umalis sa pinagtataguan ko.

Kung alam niyo lang, Manang.

Ayaw ko siyang makita dahil alam kong kukulitin niya lang ako.

Nakaka-suffocate lang kasi minsan.

Yung gagawa lang kayo ng project ng kaklase mo tapos sasama parin siya sa bahay ko para bantayan kami?

Yung gusto ko lang makipagkaibigan sa ibang tao pero ayaw niya?

Hindi ko din alam eh.

Pwede ko naman siyang tanggihan. Pwede ko naman siyang isumbong kay Tito Dmitree. Pwede ko naman siyang i-snob.

Pero hindi ko magawa.

Siguro dahil lumaki kaming magkasama. O kaya naman eh, masyado lang talaga akong naaawa sa kanya dahil alam kong walang gustong kumaibigan sa kanya?

Kung ano man yun, wala na akong pakialam.

Basta ang gusto ko lang ay bigyan niya ako ng space. Lubayan niya naman sana ako kahit 1 week lang.

Alam ko naman na may gusto siya sa akin eh. Ang kaso lang, may gusto na akong ibang babae.

Si Krystal Angela Montebello.

Dahil sa kanya, hindi ko mapormahan ang babaeng gusto ko sa matagal ng panahon.

Hindi naman sa ginagawa ko siyang dahilan para sa katorpehan ko.

Natatakot lang kasi na baka saktan niya si Krystal.

Alam ko ang kakayahan ni Demi.

Wala siyang sinasanto lalo na sa mga bagay na gusto niyang mapasakanya.

Oh, Demi. Ano bang gagawin ko sayo?!

_________________

Si Krystal po syung nas multimedia :))

Sa mga hindi nakakaalam.

YOUR'E MYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon