C H A P T E R 18

415 25 23
                                    

THE ARRANGEMENT

KARIN

The love birds were off enjoying their own little world. Boyfriend slash photographer na ni Ruby si Kevin. Eh, mabuti sana kung mahilig magpose and magpost yung isa, di naman; iwas si Ruby sa ganoon pero gusto lang pagbigyan yung jowa. Mas nagmumukha pa ngang social media nung girlfriend yung account nito.

Andito lang ako nagpapasilong mula sa tumitinding init ng araw at nagkukunwaring kinakabisado yung mga scientific names ng bawat bulaklak sa harap ko. Maganda nga yung lugar tahimik at malawak. Part lang ng area ang may access ang mga visitors-parang showroom nila yung napagpipicturan but sulit na sulit na yung view.

Di na din ako nakatiis at kumuha na din ako ng mga larawan. Mostly yung landscape and flowers lang. Ayoko mag-selfie.

"Here," ani ni Georgie sabay abot nung taho sa akin, "nang di ka sumpungin."

It's not like sinisisi ko sa buwanang dalaw ang pagsusungit pero tama naman siyang nagti-triple talaga ang sumpong ko sa mga araw na 'yun.

"Salamat," mainit-init pa yung taho kaya napalinga pa ako kakahanap ng nabilhan niya at tamang nakita kong nasa entrance pala banda. Sana di umalis at mabitin ako; paborito ko pa naman 'to. Tinikman ko ito at napangiti kasi di ko akalaing naalala niya pa niyang, "walang sago."

"Ayaw mo naman nun kaya sinabihan ko na si manong na akin na lang lahat," natigil ito ng uminom at di na naimik pa ulit.

Baka nagtanda na lang din siguro siya dahil madalas ko kasi siyang masungitan noon tuwing may dalaw ako at nagiging instant dragon tamer siya ng wala sa oras–napa-pamper talaga ako noon. Daig ko pa ata ang maselang naglilihi kung alagaan niya.

"Ayan, tinotopak ka na naman," she took a step back ng marinig niya ang bigla kong pagtawa.

"Grabe ka, ha," naghanap na ako ng mauupuan kasi nagsisimula nang manghina ang mga paa ko kahit na ba nakatayo lang.

"Malay ko ba," she mumbled while joining me sa paglalakad, "tumawa ka kaya ng walang dahilan. If I were to note the previous pattern of your behavior, either iiyak ka na sa sakit ng puson mo or magagalit ka na sa timing."

"Wala na. Hindi na mangyayari mga scenario na 'yun. Inunahan mo na eh," binilisan ko na ang paglakad to get to the recently vacated bench nang maipahinga sandali ang mga binti ko.

Naupo ako't inunat ang mga paa ko without a care. Stretching them felt a little better. I hate to admit it, pero, oo–nakakainis nga na dinatnan ako ngayon.

"Tayo," sabi ni Georgie.

"Ano ba? Kakaupo lang, eh. Ikaw ata ang may sumpong," I didn't move na. Ganito na lang muna ako. Bahala siya diyan.

She made me hold her cup kaya with my hands full, wala na akong nagawa nang dahan-dahan niya akong hilahin patayo. She untied the jacket na siya mismo yung nagtali kanina at tsaka pinaupo ako ulit.

Hala, binawi yung pa-jacket, Kuya Will.

Georgie then placed it over my legs.

Ay, never mind. Binalik naman na.

"Kung makaupo parang nasa bahay lang eh," she took her drink back and sat beside me.

Umiwas na ako ng tingin kasi ayokong makita niya ang namumulang mga pisngi ko–nagbaga sa init ang buong mukha ko. Nagkunwari na lang akong hinahanap yung mag-jowa. Lakas kasi nun trip nitong Georgie. Her gentleness and care would be my undoing.

"Hey, can we start over?"

Nasamid ako sa mga binitawan niyang salita. Ubo ako ng ubo at laking pasalamat ko na lang talaga na walang sago yung inumin ko–pero ang lupit pa din ng nagkaligaw-ligaw na arnibal sa lalamunan ko.

If She Comes Back...Where stories live. Discover now