THREE'S A CROWD
KARIN
I know I was falling into Kevin's dangerous matching game pero I had to, at least for now, play by his rules. Tinulungan naman ako ng tao, eh. Kung wala siguro si Kevin kanina malamang natuloy na yung planong pagpapahirap sa akin ng mga seniors. Sobrang takot ko noong sinabi sa akin ni Sheena na pinagpaplanuhan daw akong ibaon sa buhangin ng mga babaeng 'yon.
Kaya kahit na mangawit-ngawit ako sa kakahawak ng pagkain ng pinsan niya ay okay lang. Pasalamat ko na lang din ito.
"Thank you," sabi ko din kay Georgie.
Medyo matagal bago siya nagsalita, "Para saan?"
"Sa pagtulong kanina?" Laking gastos kaya 'yung ibinayad nila.
"Kakarating ko lang. Gastos lang ni Kevin 'yon. Sa kanya ka magpasalamat," may halong pagkayamot sa boses niya.
Buong akala ko ay tumulong din siya. Si Kevin lang pala ang nag-abala. Ewan ko kung bakit pero parang nalungkot akong malaman 'yon. "Ah, ganoon ba..."
"May pagka-pakialamero lang si Kevin. Siya lang nakapag-isip nito. Wala akong parte dun." Tama nga dinig ko, naiinis siya sa set-up na 'to. "Bakit mo naman naisip na may kinalaman ako sa mga plano niya?"
Bakit?
Akala ko kasi may pakialam ka pa.
"I thought wrong. Sorry." I've never been more thankful na may blindfold ako. Dobleng embarrassment pa sakali makita niyang expecting ako. I didn't wait for her to reply and I just went on to offer her to take another bite para maubos na ang pagkain niya. Napapagod na ako kakatayo.
"Oy, George, here's your drink. Ipinag-order na lang kita ng fresh buko juice. Nagamit na nila pang mix sa alak 'yung natira kanina," sabi ng isang babae.
"Thanks, Evie."
Evie?
Ininom agad ata niya 'yung bingay ng babae samantalang ako sobrang sakit na ng kamay kakahawak ng pagkaing ni ayaw niyang ubusin.
"Magkano 'to?" tanong ni Georgie.
"Ano ka ba, libre ko na 'yan," tawang sagot niya.
"Pinagtirhan mo na nga ako ng sandwich, eh. Bayaran ko na 'to," alok ni Georgie. "How much is it?"
"Sa ilang taong nililibre kita ng pagkain, ngayon ka pa talaga tinubuan ng hiya?" she teased Georgie. "Kung gusto mo talaga bumawi samahan mo na ako. Mag-overnight ka na."
"Mahal mo naman maningil, Mam," tawa ni Georgie.
"Mahal ka diyan. Simple favor lang naman na samahan mo ako sa laban kasi mukhang mapapainom ako kasama sila Mr. Rosales at ibang faculty members."
"Eh, lasengera ka naman. Sigurado taob sila sa'yo."
"Makalasengera ka naman parang di ikaw kainuman ko. Ah, basta! You'll be my black rose later," pagpupumilit nito.
Sino ba 'tong babaeng 'to?
Daig ko pa ang mesa kung magkwentuhan sila sa harap ko na parang wala lang ako.
"Who's she?" Tanong niya na parang ngayon lang talaga niya ako napansin.
"One of the neophytes..."
Oh, so she's introducing me as just 'One of the neophytes' lang talaga.
'Eh, ano ka ba?'
Walang special treatment sa mga ex lalo na pag bitter ang exit.
"Napag-utusan lang ni Kevin na pakainin ako para may gawin lang daw."
YOU ARE READING
If She Comes Back...
RomanceNOTE: TAGLISH (Tagalog-English) Compiled stories Friendzone, That Girl is Mine and One Heart Missing. Karin and Georgie meets again. Madudugtungan pa ba ang naudlot na kwento nila or closed book na ba? © All rights reserved