THE WORLD TILTED
GEORGINA
"Kain na, George. Ganun lang talaga. Minsan hindi ka talaga gusto kahit sabihin pang ikaw ang charming prince ng girl's volleyball team."
Nilapag ni Kevin ang spaghetti at iced tea sa harap ko. Himala at hindi niya ako pinagtatawanan kahit na tama yung prediction niya na aayawan ako ni Karin.
"Sayo na yan, Kev. Hindi ako gutom." Sabi ko. Mula nung huling usapan namin ni Karin hindi na niya ako kinibo. Mahigit isang buwan na din. Daig ko pa yung pader kung deadmahin niya. "Tingin mo kadiri para sa kanya na may magkagustong tulad ko sa babaeng gaya niya?"
"Bakit may sinabi ba siyang masama sa'yo, cous?" Biglang naiba ang timpla ni Kevin. Feeling niya kailangan niya akong ipagtanggol tuwing pakiramdam niyang nadidiscrimanate ako. "Gusto mo kausapin ko? Better yet, kunin ko na lang ulit yung pwesto ko sa tabi mo."
Too late na para dun. Malas lang ni Karin that she's stuck with me until the end of the school year. Susulitin ko na lang ang chance na magkatabi kami. Noon nga okay na ako na nakikita ko lang siya sa bleachers na nanood ng game. Solved na ako na naging seatmate ko siya. Ayoko na munang i-complicate ang buhay niya.
"Relax, Kevin." Sabat ni Ruby, yung girlfriend niya. Second year pa lang si Ruby unlike us na nasa third year na pero kahit ganun mas matured siyang mag-isip. Ewan ko ba kung bakit sinagot niya pinsan ko na isip bata. In fairness naman din, ang cute nila together. "Inaway ka ba niya, George?"
"Hindi. Pero hindi niya na ako pinapansin." Lunch na lunch nakakawalang gana yung topic namin. Di pa nga ako nagsisimula, eh rejected na agad. "Wala ata akong laban."
"Hala?" Agad kinurot ni Kevin ang magkabilang pisngi ko at tila ba hinahatak niya para matanggal ito. "Hindi ata ikaw pinsan ko. Isa kang impostor!"
"Gago!" Akmang susuntukin ko na siya nung bitawan niya ako. Natawa lang yung dalawa at balik kain na ulit.
"Seriously, though. Kung ganyan ka kabilis sumuko parang hindi ikaw yung Georgina na kilala kong tumatayo ulit pagkatapos mabugbog nang sobra sa wing chun match."
Karate, taekwondo at kung anu-ano pang martial arts ang sinubukan ko. Ngunit ngayon, mas nahilig na ako sa wing chun.
"Mas masakit pa nga ata yun. Ba't nabahag ata ang buntot mo agad, cous?" Hindi na lokong usapan to. Diretsong tanong na ang binitawan ni Kevin.
Bakit nga ba ako natakot na harapin si Karin eh kung sipa, hampas at suntok nga kinakaya ko?
Naduduwag na talaga siguro ako.
"Ayokong ipilit, Kev." Kinuha ko ang mineral bottle niya at binigay sa kanya yung iced tea.
"Sinong nagsabi na pwersahin mo?" Sabat niya.
"Everyone has to start somewhere so why not start as friends?" Sabi ni Ruby.
Friends?
"Maniwala naman kaya siya na okay na ako sa friendship lang?" Tanong ko sa kanya sabay tanong na rin sa puso ko.
Hayagan ko na ngang sinabi ang intentions ko sa kanya. Kulang na nga lang magprint ako ng letter of intent na mag-apply bilang girlfriend niya.
Okay na ba ako sa friendship lang muna?
Freshman inter-school meet nang una ko siyang makita. Hundreds of people watching the game pero nangingibabaw ang cheers niya. Muntik na nga ako mahalik sa bola sa kakatitig ko sa kanya. Mas binabantayan ko pa ata siya kaysa sa bola. Para sa isang digger na gaya ko bad yun. For a successful defense dapat natuon sa bola ang attention ko however, nakaw-tingin pa rin talaga ako sa kanya.
YOU ARE READING
If She Comes Back...
RomanceNOTE: TAGLISH (Tagalog-English) Compiled stories Friendzone, That Girl is Mine and One Heart Missing. Karin and Georgie meets again. Madudugtungan pa ba ang naudlot na kwento nila or closed book na ba? © All rights reserved