C H A P T E R 20

389 22 2
                                    

KARIN

"Kain na tayo," yaya ni Georgie nung makalabas ako ng banyo. She was already seated at kakalapag lang nung kape ko.

Sa pagod ko kagabi, nakatulog agad ako moments after my head hit the pillow. Wala nang nagawa ang pagiging self-conscious ko para gisingin ako sa pagkakayap niya. Tuloy-tuloy na ako na dinuyan ng antok. True to her words though, ginising niya ako ng maaga.

"Thank you," sabi ko bago ako mapainom.

Medyo mainit pa yung kape kaya I blew over it nang ilang beses before taking a sip. Putting the cup down, I reached for the spoon and fork to dig in sa fried rice with shredded chicken.

"Masarap ba? Nakisuyo lang ako kay ate Susan na lutuin yung tira natin kagabi. Pinadagdagan ko na lang ng fried eggs."

Tumango naman ako dahil masarap naman talaga magluto si Te Susan kaya lagi sold out yung pagkain sa cafeteria.

"Bakit bihis ka din?"

Naka ilang nguya muna siya bago nasagot, "sabay na tayo pumasok ng uni."

"Wala ka namang pasok nitong umaga," pagtataka ko. Usually mas gusto niya maglagi sa dorm. "May gagawin ka ba?"

"Wala but gusto lang kita ihatid."

"Hindi naman kailangan. Ang lapit lang kaya," paunti-unti ko nang inuubos yung pagkain ko pero agad naman itong dinagdagan ni Georgie. Kinailangan ko pa siyang pigilan sa paglagay ng kalahati ng itlog na hindi niya maubos. "Misyon mo ba ang patabain ako?"

I took my fork at kusang isinubo sa kanya ito. Napilitan na lamang siya to open her mouth and eat it.

"Konti lang kasi kinain mo kagabi kaya I thought mas gutom ka ngayon," she spoke through a mouthful and still managed to grin after.

"I eat what I need. Hindi ako nagpapagutom," medyo wala lang talaga akong ganang kumain.

"Dapat lang, masakit ata yumakap kapag sobrang payat," patawa niya, "nadali nga ata ako ng siko mo kagabi. Tumagos buto mo eh."

"Kakahiya naman. Don't worry I'll make it the last time na magtatabi tayo."

"Luh, parang di ka mabiro," pagbawi nito. "Sarap mo kayang yakapin. Himbing nga ng tulog ko at muntik na nga kitang hindi magising sa oras."

Napailing na lang ako sa bilis ng utak niyang mag-isip at sa galing ng bibig niyang magpalusot.

"Tabi ulit tayo mamaya."

"Hey, don't push it. Huwag kang mawili."

She laughed, "Bakit hindi? Good girl naman ako kagabi."

"Full moon tonight baka magsa-lobo ka at umatake. Mahirap na," pagkasabi ko nun ay mabilis ko nang inubos pagkain ko.

"Don't worry, I won't bite," ngiting aso nitong sabi, "on anywhere you might come to like."

Napakurot na lang ako sa kanyang pisngi. "Ang aga ng mga banat, Georgina."

Tumawa lang ito at unti-unti nang nagligpit ng pinagkainan namin. Gusto ko sana siyang tulungan maghugas pero ayaw naman niya. Then, thirty minutes before my class sabay na kaming bumaba at naglakad papuntang campus.

Nagkahiwalay lang kami noong nasa entrance na kasi naharang si Georgie ng mga kaibigan niya. We didn't even get to say bye at kusa na lang kaming umiwas sa isa't isa. So that we wouldn't be discovered, nilampasan ko na lang siya na parang di kami magkakilala.

* * *

"Uy, kanina ka pa tulala girl," sabi ni Sheena. Nakita niya yung mga nagkalat na photocopies at notes sa armchair ko at nagulat, "Aba matindi, ano to? Nag-aadvance study ka ate? Pang next school year subjects na to ah."

If She Comes Back...Where stories live. Discover now