C H A P T E R 11

367 25 1
                                    

A LITTLE PUSH

KARIN

"Karin!" Natauhan ako nang marandaman ko ang marahang tapik ni Kevin sa braso ko. "Dito ka din pala nag-aaral? Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Kakalipat ko lang, Kev." Napayakap na lang ako sa mga librong hawak ko na tila ba kaya nitong pigilan ang kaba sa dibdib ko. "Transferee... Shiftee..."

"Irreg ka pala. Patingin schedule mo." Iniabot ko ito sa kanya habang pinipigilang mapatingin sa direksyon ni Georgie.

Bakit ba sa tuwing tumatakbo ako papalayo kay Hannah kay Georgie ako napupunta?

Nakangising sabi niya, "Sayang wala tayong class together. Akala ko makaka-copy ako ng assignments sa'yo."

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Cous, si Karin oh. Di mo ba siya babatiin?"

Kung ano ang kinatuwa ni Kevin na makita ako ay kabaliktaran naman ata ang nararamdaman Georgie. After she got over the initial surprise of seeing me, kumukunot na ang noo at parang magsasalpukan ang mga kilay nito sa pagkayamot. Tumango lang siya pero nanatiling tahimik.

"Tara na, Kev." Nagmamadali na siyang umalis.

Maybe she learned her lesson kaya di pa man din nauuna na siya umiwas sa akin.

"Pero..." Binalik sa akin ni Kevin ang schedule ko at akmang pipigilan sana si Georgie nang muling magsalita si Sheena.

"Kuya, pasensya na talaga at nautusan lang..." Di talaga paaawat si Sheena. Lakas loob niya pa ring hinihingi ang number ni Kevin.

"We need it to get her to sign." I nodded towards the direction ng nag-uutos sa amin.

Napabuntong hininga si Kevin. "Kaka-lecture lang sa akin ni Ruby, eh. Dami na rin siyang na block na numbers. Bakit kaya di pa rin sila natigil?"

Tibay nila!

Kevin and Ruby are so different pero I have never seen two people more suited for each other.

Tumagal sila.

And by the looks of it, tatagal pa sila.

"Wow! Pogi problems, bro!" Kantiyaw ng isang kasama niya.

Kumuha na ng ballpen si Kevin upang isulat ang number niya nang pigilan siya ng pinsan. "Kaya hindi sila tumitigil kasi bigay ka rin ng bigay... Halika ka na. 'Wag ka nang maki-ride." Inis nitong sabi.

"Eh -"

"Okay lang, Kev. Tama si Georg-," hindi ko na tinuloy. Bigla akong nahiyang gamitin ang palayaw na binigay ko noon sa kanya.

"Tama ang pinsan mo. Sige ka, hirap pa naman magalit ni Ruby." Ayoko maging dahilan ang petty command na ito para may pag-awayan sila.

"Pero paano block master mo?" Tanong nito.

"What's one signature, right? Keri lang 'yun." Sa simula pa lang naman ayaw ko namang maging utusan para sa listahan.

"Sorry, Kev. Nice seeing you again." Paalam ko sa kanya. Gusto ko rin sanang magpaalam kay Georgie kaso umiwas na siya ng tingin. "Tayo na, Sheena."

Hindi ko na liningon ang magpinsan. Tuloy-tuloy lang akong humakbang palabas ng tennis court.

Ganoon na nga dapat.

Iwas lang para hindi nagkakasakitan.

Para walang nasasaktan.

* * *

If She Comes Back...Where stories live. Discover now