Chapter 16 : In the cinema

57 0 0
                                    

Katsumi's pov

Hingal na hingal kaming pumasok sa loob ng Cinema 9.

"Whoa! I'm so... Hah! Gosh." Hingal na hingal na sabi ni Dae ng nakaupo na kami.

"Grabe. Matinding pakikipagsapalaran ginawa natin."

Sabay kaming tumawa. Her laugh. :) Ang sarap sa tenga.

"Shhhhhhhhh." Saway samin. Ayyy, ang ingay na namin.

Lumabas muna ko para bumili ng pagkain. Bumili ako ng pop corn tsaka ng malaking C2. Share nalang kami. Okay lang naman siguro sakanya. Kung ayaw nya, edi wag!

"Share na lang tayo sa C2. Okay lang?" Tanong ko pagbalik ko sa tabi nya.

"No problem." Sagot nya na nakafocus talaga sa screen.

Napansin komg nakahawak sya sa mga braso nya. Kabilaan. Nilalamig to. Buti nalang nagdala ko ng jacket. Ready ako! Boy scout ata to.

Hinawakan ko yung kamay nya. "Nilalamig ka na." Tsaka ko inabot yung jacket.

Hindi nya naman sinuot. Parang ginawa nya lang na kumot. Pinang balot nya.

Busy ako kakatitig sa mukha nya. Ang ganda nya talaga.

Iniimagine ko, pag maitim sya, maganda pa rin sya. Parang si Kath, kahit di maputi, maganda.

"AYYYY, MAMAAAAA." Sigaw ni Dae dun sa scene na may biglang nalaglag na pusa. Napakapit sya sa braso ko tapos sumandal sa balikat ko.

Nung medyo kumalma na, bumitaw na sya at umupo ng maayos.

Mamaya naman, nagulat nanaman sya. Kumapit ulit sya sakin tapos sumandal sa balikat ko.

Pero this time, di nya na tinanggal yung pagkakasandal nya sa balikat ko. Aba, nasarapan.

Di nako nakakapagfocus sa pinapanood, nakafocus nalang ako sa katabi ko. Ang ganda ganda nya kase.

Kapag may scene na ulit na nakakatakot, napapakurot sya sakin. Aray! Ang sarap mo namang magmahal, nangungurot.

Ang ginagawa ko naman, tinatak pan ko yung mata nya, gamit yung isa ko pang kamay kapag natatakot sya.

"Inom ka muna." Ang bilis kaso ng paghinga nya, alam mong natatakot.

Nung bandang climax na, as in nakakatakot na yung scene, pati ako nagugulat eh.

Seryoso yung panonood nya. Hindi na sya nakasandal sakin. Inakbayan ko sya tas hinawakan ko yung dalawang kamay nya.

Hindi naman sya magreact. Sinubuan ko sya ng pop corn.

Napansin kong nakangiti sya. Eh? Nakakatakot yung palabas tapos nakangiti sya? Napangiti nalang din ako.

Nakakabakla mang aminin, pero kinikilig ako.

"Its a horror movie, indeed." Sabi ni Daezen as soon as nakalabas kami ng cinema.

"Halata nga eh."

Nagpaalam ako na magccr muna ko. Paglabas ko ng cr, may naririnig kaming malakas na ewan na parang nanggagaling sa bubong ng mall.

"Ano yon?" Tanong ko.

"I don't know." Lumabas kami ng mall para pumunta na sa kotse ko na nakapark.

Ang daming tao. Ano bang meron?

Fireworks. ^o^

Pinanood ko si Daezen na parang amaze na amaze na nanonood ng fireworks display.

Mga 30 mins din yung tinagal ng fireworks display. After that, hinatid ko na pauwi si Daezen.

Nakatulog lang buong byahe. Ginising ko nalang nung nandto na kami sa tapat nila.

"Thanks for today, Kats. You want to come in?" sabi nya.

"Ah hindi na."

"You sure? Okay. Text me when you're home." Nginitian ko sya.

Kiniss ko muna sya sa forehead bago sya tuluyang bumaba.

One of the best day! Dumiretso ako kila DJ. Nandon daw ang P5.

Habang nagddrive ako, naaalala ko ying mga nangyari kanina. Sa mall, sa cinema. Napapangiti nalang ako.

"Mga bregs! San si DJ?" Bati ko kila Mycko, JC, at Seth. Naglalaro sila ng xbox

"Na kila Kath pa. Kamusta naman ang date?" tanong ni JC.

"Bro, kaylangan ko ng tulong nyo." Sabi ko.

"Tulong sa?"

"Liligawan ko na si Daezen." Seryoso ko.

"Ano?"

"Hindi ba masyadong mabilis?"

Reaction nila. Mabilis? Anong mabilis dun?

"Pare, hindi na ko makapaghintay na maging girlfriend ko sya."

"Bakit sasagutin ka ba nya?" Binato ko ng unan si Seth. Kahit kelan panira.

"Bro, kakaclose nyo pa lang. Wag muna! Dapat swabe lang. Unti-untiin mo. Wag birada ng birada. Ano sa tingin mo iisipin ni Daezen? Kelan lang kayo naging close, fall ka na agad? Wag ganon." jaw drop sa sinabi ni JC.

May nagtext sakin.

Thanks for today, Kats. I really enjoyed your company. Text me when you're home, okay? Take care. :*

Galing kay Daezen. Fck kiniss nya nanaman ako. Hahahahaha. Tinawagan ko sya.

"Hi. Bahay kana?" Bungad nya.

"Not yet."

"You're still driving?" napangiti ako.

"Hindi. Hindi. Dito ko kila DJ. Magpapatulong sana ko."

"Help for?"

"MAGPAPATULONG MANGLIGAW." Biglang sigaw ni Seth. Ay hayup na lalaking to.

"Ligaw?" Tanong ni Dae.

Chance ko na ba to? Dapat na ba kong magsabi? Hindi. Swabe lang, Katsumi. Wag muna.

"Ah lugaw. Nagpapatulong ako magluto ng lugaw."

Nagusap kami ni Daezen ng matagal. Pinagusapan namin yung pinanood namin, yung pagtakbo namin, yung mga nangyari kanina. Parang hindi kami magkasama kanina sa dami ng pinagusapan namin kanina.

"Bakit na ka ngiti to?" hindi ko pinansin yung nagsalita.

"Kausap si Daezen."

"HOY! ANONG NGININGITI MO DYAN? DAEZEN, WAG MONG SASAGUTIN YAN SI KATS, NILOLOKO KA LANG NYAN." Tinignan ko yung sumigaw.

Walanghiya! Bakit nandito na to si DJ? Naman eh. Panira ng moment.

~

Katsumi (twitter): Courting her in 5, 4, 3, 2, 1. #SoInlove

Daezen (twitter): Jgh.

(Insert picture nila sa photobooth na nakakiss si Daezen kay Kats)

Katsumi (Instagram): Unexpected. *shocked emoji* *heart*

(Insert picture ng babaeng nakapaa. Hanggang sa lips lang yung kita sa mukha)

Katsumi (instagram): Babaeng bigla nalang akong hinila at tumakbo ng nakapaa sa loob ng mall kase daw magsstart ng yung movie in a bit. *Hearted-eyes emoji* #kakaiba

(Insert picture ng dalawang ticket mg sine. Selfie pic ni Dae at Kats while eating. Collage)

Daezen (instagram) Had so much fun. *happy emoji*

(instavid Katsumi singing the chorus part of without you.)

Daezen (twitter): I won't go another day without you

••••••

[Debut pala ni Julia Barretto ngayon. Akala ko Star Magic Ball 2015 na. Hahahahahaha. XD Ako kinakabahan sa gown ni Kath, parang any minute, mahuhubaran. lol pero ang pretty nya.

TITLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon