Kath's pov.
Alas-singko na ng hapon. Andito kami ni Kabetchy sa milkteashop. Nilibre nya ko. Pambawi man lang daw sa di pagsama sakin sa pagsundo kay Mae. Emeghed! Kinilig ako. xD Nyay!
Inabot nya sakin yung isa milk tea na inorder nya tapos umupo na sa tapat ko.
" Thank you! " Ako.
" Ahhh Kath. " Sa tono pa lang ng pagsasalita nya, halata mong may kaylangan na.
" Sabi na nga ba may kapalit pa to eh. " ako. napakamot sya sa ulo na halatang nahihiya. kelan pa sya nahiya?
" Diba magiging schoolmate mo naman si Daezen? " Pakielam ko sa babaeng yun?
" Baka pwedeng isama mo sya sa circle of friends mo. " Ano sya, hilo? Ayoko nga.
" Sige na please? Please bestfriend? Please be good to her. " Nakapuppy eyes nyang sinasabi sakin. Nagmamakaawa sya para sa iba? Ganon?
" Please? Thabk youuu. " Tamoto! Di pa nga ko nasagot nagthank you na. -.- Pero ano bang magagawa ko? Di ko matiis si Kabetchy eh.
" Oo na. Pasalamat ka, malakas ka sakin. "
Kasi naman, pinagpipilitan pa ng Daezen na yun yung sarili sa St. Felestine eh hindi naman sya bagay dun.
Dun sya sa Padilla University. Mga katulad nyang bratinela yung tao.
Tignan natin kung makasundo bya sila Miles.
~
" Chandriaaaaaaaaah! " Malayo pa lang kamj, rinig na rinig ko na yung boses ni Miles na sumisigaw. Naglakad kami ni Mae palapit sakanila.
" Kamusta teh? " Bungad sakin ni Julia.
Nagbeso ako kay Miles at Julia. Nag-hi naman silang dalawa kay Mae.
" Eto maganda parin. " Sagot ko sabay flip ng hair.
" Ayan tayo eh! Di padin nagbabago. Hanggang maganda lang. Tignan mo ko, dyosa na. " Miles. Sinimamgutan namin sya ni Julia.
" Wow Dyosa? Nahiya naman yung Ms. Felestine for three years sayo. " Julia. Hahahahaha. at sino ba ang timutukoy nyang tatlong taon na lagi nalang Ms. Felestine? Edi ako! <3
" Grabe kayo sakin. " Nagtampo-tampuhan naman ang mukha ng gaga.
" Pero seryoso mga teh, namiss ko kayo. " Ako. Nag grouphug kami, tapos nagsabunutan, hampasan, suntukan, bugbugan. Yan! Ganyan kami kalambing sa isa't-isa.
Sila yung mga girlbestfriend ko.
Si Miles Ocampo, ang pinakamaingay, kalog at makapal ang mukha.
Si Julia Montes naman ang pinakapasaway, at dakilang taga-kontra sa kakapalan ni Miles.
" Uy girls, alam nyo na ba? Narinig nyo ba yung tungkol sa exchange students? " Si Julia. Ang pinakamay malakas na signal din pala. In short, chismosa.
BINABASA MO ANG
TITLE
FanfictionSearching for the Title story... found! Ang pamagat ng kwentong ito ay Pamagat. Sa English, the title of this story is Title. Thanks!