CHAPTER I.

1.6K 27 0
                                    

"Kamusta naman ang pag aapply mo?" Si Mama ko habang nagtutupi ng mga damit na nilabhan niya.

"Final interview kopa sa monday." Walang kagana gana ko na sagot dito.

"O ee bat parang hindi ka masaya,matatanggap ka niyan ikaw pa ba!" Pagpapalakas loob niya.

"Sus binola mopa ako!" "Bat galing po pala dito si aling pasing?nagtatatalak na naman sa labas "

"Naniningil ng upa ng bahay"

"Naniningil??ee diba hindi naman tayo delay "

"Yun nga ang problema ko,hindi ako nakapagbayad sa kanya dalawang buwan na " malungkot nitong sambit.

"Dalawang buwan?!" "Diba nagbigay ako sayo ng pera last month pambayad??"

"Hindi ko nga naibigay gawa nga na may problema ang kuya mo"

Si kuya Mark Nakatatanda kong kapatid na nagtatrabaho sa Dubai. Dalawa lang kami magkapatid, 8 yrs old palang ako ng mamatay si papa. Simula nuon si mama na ang nagtaguyod sa aming magkapatid. Hindi nakatapos si kuya ng kolehiyo ng masagasaan si Mama at mapilay ang kabilang paa. Napilitan siyang magtrabaho at kumayod para sa aming dalawa ni mamA. Sa awa ng diyos magtatapos na ako ilang buwan nalang. Simula ng mamatay si papa si kuya mark na ang tumayong ama sa akin.

"Bakit daw?" Ani ko.

"Buntis daw si tine,gusto ng daddy niya ikasal sila sa lalong madaling panahon "

"Magiging tita na ako. Good news yun!tiyak na masayang masaya si kuya "

Ang lovestory ni kuya mark at ate tine parang yung nababasa mo lang sa mga pocketbooks. Mayaman saka mahirap. Maswerte din naman si kuya dahil kung anong buti ng kalooban ni ate tine ganun din kabuti ang mga magulang nito. Hindi mo aakalaing sa panahon ngayon may mga tao paring kagaya nila na napakayaman at may mabubuting puso pa.7 taon ng magkasintahan silang dalawa. Nagkakilala sila ng minsang maging crew si kuya sa restaurant na pag mamay-ari ni ate tine. Nagkadevelopan hanggang sa naging sila. Nang magdesisyon si kuya na mag dubai dumadalaw nalang si ate tine sa kuya twice a month. Parang nagkaroon na din ako ng nakatatandang kapatid na babae sa katauhan ni ate tine .

CLAUDE CAFÉ

Since 2nd Year College dito na ako nagpapartime as cashier.Isang french/Filipino ang boss ko. Karamihan ng mga laging nasa cafe ay mga estudyante din kagaya ko,yun nga lang "Mayayamang estudyante". Yes!anak ng mga abogado,doctor,businessman/woman at politicians. Well,sila yung mga estudyante na walang iniisip kung hindi magwaldas ng magwaldas ng pera unlike me na kaylangan rumaket ng rumaket para lang matustusan ang pag aaral. Ilang buwan nalang at gagraduate na ako at ilang buwan nalang aalis na din ako sa lugar na ito. Kaya habang maaga palang naghahanap na agad ako ng trabaho para hindi ako mabakante pagkatapos ng graduation ko.

"Bakla!Tulaley kana naman Jan," Ang Bff ko nasi Jomar sa umaga Georgina nman sa Gabi.

"Iniisip ko lang si Kuya bakla,Uuwi na kasi ng pinas"

"Kuya mo?!as in si kuya Mark yung mapapangasawa ko dapat?" sabay tili nito.

Unang beses  palang ng makita ng  bff ko si Kuya Mark ay walang tigil na ang kakapantasya niya dito.

"Omg frenny!masisilayan kona naman ang kagwapuhan niya " Kilig na kilig nitong sambit.

"Hay naku bakla!wala kana pag asa mag aasawana si kuya kaya siya uuwi" Tawang tawa kong sagot sa kanya.

"Whatttt ?! Bakit?! Okay lang dun nalang ako sa bago kong papa "

"Bagong papa?!sino na naman yang bago mong kinahuhumalingan?"

"Sino pa edi si Papa Zac "

"Papa Zac?!Sino yun?"

"Hay naku dzai!Saktong schedule ng defense mo sa thesis nung mag order dito si Papa Zac kaya hindi mo nasilayan ang kagwapuhan niya."

"Alam mo magfocus ka nalang sa trabaho mo hindi yung puro lalake nasa isip mo bakla!"

"Ai naku!pag ikaw nakita mo mismo si Papa Zac baka malaglag kusa yang panty mo"

"Tse!nababaliw kana!"

Sa tagal naming magkaibigan halos hindi kona mabilang ang lalakeng kinahumalingan nito. Kasama na nga duon ang kapatid ko,kaya sanay na sanay na ako sa kanya. Mga ilang buwan lang pagnakakita na naman ng gwapong lalake ito ay may panibago na naman siyang kakahumalingan.

"Speaking of the Angel!Ayan na siya ang napakagwapo kong Papa Zac ". Aniya na tumitili pa sa sobrang kilig.

Isang matangkad na lalaki ang pumasok sa Coffee shop na animoy artista kung pagtinginan ng mga kababaihan. Halatang may lahi ito,Matikas ang pangangatawan,Matangos ang ilong,mapupulang labi at higit sa lahat ang mga mata nitong kulay asul na parang nangungusap samahan pa ng mapilantik nitong pilik mata. Kagaya ng pangalan niya may hawig ito sa sikat na aktor na si Zac Efron.

"Miss one Coffee Americano please" Anang
gwapong lalake pagkalapit sa mismong counter.

Matapos nitong mag order ay lumapit naman ang kaibigan kong si Jomar sa akin.

"Told yah Gurl !Yummy diba?!" Anito habang nakatitig sa binata na nakaupo sa di kalayuan sa counter.

"Okay lang,Pwede na din" pag kibit balikat ko.
"Anong pwede na!Gaga!parang napilitan kapa samantalang napatulala ka nung pumasok si Papa Zac."

"Hindi naman,imbento ka naman jan!"

"Alam mo ikaw kaya wala kang boyfriend kasi ang taas ng standard mo te!"

"Hay naku!wala ako panahon sa mga boyfriend boyfriend na yan!"

"Ai wow!Ganda mo te!"

Tinawanan ko nalang ito. Gwapo man o hindi ay wala naman ako panahon para pagtuunan ng pansin ang lovelife ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang paghahanap ng mas magandang trabaho pagkagraduate. Hindi ako pwede mabakante ng matagal.

May mga pagkakataon na iniisip ko paano kaya kung naging anak mayaman ako,Ang sarap siguro ng buhay ko. Kapag dumarating yung pagkakataon na sobrang hirap na hirap na ako at pagod na pagod na dun pumapasok sa isip ko ang mainggit sa mga kaklase ko na walang inisip kundi ang problemahin ang pagwaldas ng pera. Kung nabubuhay lang siguro si papa hindi kami nahihirapan ng ganito.Ayaw ko naman habangbuhay kaming umasa kay Kuya Mark lalo na ngayon na magkakapamilya na siya.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon