"Hoy Madam!Kanina kapa tulaley!anong meron te?!" Si Jom habang nasa bus kami papasok ng school.
"Inaantok kasi ako te" paliwanag ko.
Hindi kasi talaga ako nakatulog ng maayos pagkatapos ng naging bangayan namin ni Sir Johnson. Naalala ko bigla yung sobrang lapit niya na nakatitig ako sa kulay asul niyang mata.
Ang gwapo!Pero manyakis !
Paano kung nagsumbong sa Dean yun mawawala pa ang scholarship ko!
Ai hindi niya gagawin yun dahil isusumbong ko rin ang kababuyan niya!😏
"Ano ba kasi pinagkakapuyatan mo bes!" " Para kang bangenge te!"
"Hay naku bakla parang tinatamad ako pumasok!" Walang gana kung sambit. Parang naiilang ako na pumasok na sa school lalo na at makikita kona naman si Sir Johnson.
"Wow!bago yan ah,ngayon ka lang tinamad na pumasok!may lagnat kaba te?!"
"Ewan koba?!oi baba na tayo" ani ko ng mapansin na nasa harapan na kami ng gate ng campus.
Habang naglalakad papasok ay saktong nag aantay sa amin si Ram sa gate at kumakaway.
"Good Morning Girls!" Bati nito.
"Girls!kasama ako jan!" Si Jomar na feel na feel ang pagkakasambit ng girls.
"Good Morning Ram!" Si Menchie isa sa kaklase namin na crush na crush si Ram. Kasama ang mga Mean Girls kunyari ng school. Sila yung mga tipikal na studyante na mahilig mambully lalo na pag ayaw nila sa babaeng close ng crush nila.
"Good Morning Girls!" As usual Mr.friendship nga diba kaya talagang kahit sino binabati niya.
"Alam mo bat di mo kaya try na sumali sa Mr. ASIU,malay mo manalo ka!" Sarkastiko kong sambit.
"Truth bes,Panigurado panalo ka niyan Ram. Face Value palang wala ng tatalo sayo!Kahit mga masasamang damo umaamo sayo!" Pag sang ayon ni Jom.
"Mabait lang talaga ako!saka mababait naman yan sila Menchie,try niyo makipagkaibigan" nakangiti pa niyang sagot.
"Sayo siguro oo,panu patay na patay sayo yan ee!" May panggigigil kung sagot.
"Nagseselos ka naman!wag kang mag alala ikaw lang naman laman nito ." Aniya sabay may pa turo pa sa dibdib bandang puso na may kasamang kindat.
"Ay naku ha!ang aga niyo maglandian!" Ani Jomar na naglakad bigla ng mabilis animo'y mag hinahabol.
Kaya naman pala !nakita si Sir Manyakis!
"Good Morning Papa este Sir Johnson!" Bati ni bakla dito na abot tenga ang ngiti.
Hindi manlang ito ngumiti bagkus ay ibinaling ang paningin sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya at blanko lang na nakatitig sa akin. Napahawak ako ng mahigpit kay Ram. Kinabahan at natakot ako bigla sa pagkakatitig niya. Saka ko ibinaling ang atensyon kay Ram para bawas tensyon.
" Ram sasama kaba bukas magsundo kay Kuya?" Ani ko para may masabi lang.
"Sure!Dadaanan kita sa inyo" nakangiti nitong sambit.
Naunang pumasok ng classroom si Jomar kasunod lang nito si Sir Johnson at kami ni Ram.
Habang nagdidiscuss ay panaka naka siyang tumitingin sa akin na minsan ay nahuhuli kung pinagmamasdan ako.
Ang creepy niya talaga!Manyakis ang datingan!
"May sinasabi ka Ms.Valle?Care to share it with us?" Nakataas kilay na tanong ni Sir Manyakis habang nakatuon ang atensyon ng mga kaklase ko sa akin.
Hindi ko namalayan na naisambit ko pala kung ano ang nasa isip ko.
"Sir??ah wala po Sir " sagot ko saka nagtakip ng libro.
"Hindi kalang pala marunong rumespeto Ms. Valle,Hindi ka rin marunong makinig!" "Kung tinatamad kang makinig sa klase ko feel free to leave" aniya na nakasimangot.
Hindi na ako nagsalita bagkus ay nagtungo nalang ako ng ulo para hindi niya mapansin ang reaksyon ko na nagmake face sa kanya.
Akala mo naman talaga matinong guro!Manyakis na nga,Mayabang pa!buti nalang talaga at isang buwan ko lang siyang makikita sa school kung hindi baka naging kalbaryo pa ang natitirang buwan ko bago maggraduate!
Matapos ang klase ay sabay na din kaming pumasok ni Jom sa Claude. Hinatid kami ni Ram sakay ng sasakyan niya tutal hindi din naman kalayuan ang school sa pinagtatrabahuhan namin.
"Bes,napansin ko ang init ng dugo sayo ni Sir Johnson.Ano ba ginawa mo dun?" Nakikiusyosong tanong ni Jom.
"Ewan ko sa manyakis na yun." Sagot ko dito
"Manyakis?! Kung makamanyakis ka sa Papa Zac ko ee akala mo naman nahipuan kana niya!" Pagtatanggol nito.
"Ai naku bakla!May sakit na kakatihan yang Papa Zac mo,Manyakis at Mayabang!Akala mo kung sinong Gwapo!" Ani ko habang nagpprepare ng order ng customer habang nakatalikod sa counter. "Hindi porket gwapo siya,ee lahat ng babae magkakagusto sa kanya!Mahiya nga siya first day niya sa ASIU may kalandian na agad sa CR ng Girls?!,Tapos sasabihin niya respeto ee sa ginawa niya hindi siya karesperespeto oi!"Paglalahad ko na nakahawak ang isang kamay sa noo simbolo ng pagkadismaya.
"Ako ba ang pinag uusapan niyo?" Isang baritonong tinig ang sumagot kaya't napalingon agad ako at ganun nalang ang gulat ko ng makitang si Mr. Manyakis ang nasa harap ng counter.
"Ai naku Sir hindi po!yung kaibigan kopo yun kapangalan niyo po kasi" Sagot ni Jomar na nag eexplained dahil sa hindi ako makasagot sa kanya at napatitig lang ako dito habang nakaawang ang bibig.
Hindi ko naman akalain na sa ganuong pagkakataon niya maririnig ang mga pinagsasabi ko.
Nakasimangot at taas kilay siyang nakatitig sa akin habang umuorder saka umalis ng Claude.
"Bakla !Hindi ko alam kung san ako magugulat ee kung dun sa sinasabi mong may kalampungan si Sir sa Cr o yung biglang tanong niya,Hindi ko siya napansin na nakalapit na pala sa counter" ani Jom.
"Yaan mo siya maganda nga yun at ng marinig niya. Totoo naman nakita ko siya sa CR ng Girls na lumabas sa isang cubicle at may kalampungang babae na kung makaungol ay wagas. Hindi na nahiya na nasa Cr sila ng School!Ang bababoy !" Galit kung sambit.
"Galit na galit ka bez?!Masyado ka namang apektado ee sa sobrang yummy nga naman ng Papa Zac ko aba'y talaga namang walang makakaresist ng kanyang karisma" feel na feel nitong sambit na may kasama pang hagod sa katawan habang sinasambit ang mga katagang binitawan niya.
"Edi sana naghanap sila ng hotel diba!"
" alam mo bala ka sa buhay mo !Ang KJ mo,Hindi ako magtataka kung magkagusto ka kay Papa Zac sa inaarte mo. Masahol kapa sa Jowa na akala mo ay selos na selos!"
"What?!Ako nagseselos?saka hindi ko siya type no?! Hindi ako mahiligsa manyakis !" Sagot ko.
Hindi na umimik ang bakla dahil bigla nmang nagsidatingan ng sabay sabay ang madaming customer. Kaya imbes na magdaldalan ay trabaho muna.
..... ...
P.S
-Pagpasensiyahan niyo na po Guys dahil first try ko palang po ito. Sana po magustuhan niyo 😊
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
عاطفية"Gwapo nga,Manyak naman!" "Maganda nga,Masungit naman" Hindi maganda ang unang pagkikita nina Kieth at Zac.Sa una palang marami na silang hindi pagkakaunawaan.Para silang aso't pusa kung magbangayan. Sa madaling salita hate na hate nila ang isa't is...