CHAPTER VI.

480 12 2
                                    


PAGDATING sa airport ay sama sama namin sinalubong sina Kuya Mark at Ate Tine. Sinundo ako ni Ram sa bahay habang si Mama naman ay sumabay na kila Tito Eddie at Tita Marie.

Nag antay lang kami ng ilang minuto saka dumating sina Kuya. May iyakan pang naganap sa pagitan ng mga magulang lalo na si Tita Marie palibhasa ay nag iisang anak lang si ate Tine kaya masayang masaya ang mag asawa ng dumating ito. Halos hindi matigil ang kwentuhan ng mga ito lalo na sa ipinagbubuntis ni ate tine.Excited ang mga ito sa paglabas ng apo nila. Nakailang pangalan na ang nabuo ng mga ito para sa baby kahit hindi pa man lumalabas ang gender nito.

"Dak!Bat nalaman ko kay Mama nagtatrabaho ka daw?diba sinabi ko naman sayo na hindi mo kaylangan mag part time at ako bahala sa gastusin mo sa school." Si Kuya Mark ng makarating kami sa bahay at nagpapahinga sa may terrece ng bahay nila kasama si Ram.

"Dak" yun ang palayaw niya sakin simula maliit palang kami meaning pandak. Hindi naman ako pandak yun lang talaga ang naging palayaw niya sa akin dahil silang tatlo nina Papa at Mama ay matatangkad,ako lang yata ang hindi pinagpala. Pero para sa akin sakto lang naman ang height ko na 5 ft sadyang nagmana lang ako sa lola Sencia ko na maliit lang.

"Lagi kong pinagsasabihan yan kuya pero matigas talaga ulo niyang kapatid mo." Si Ram na nakatutok sa cellphone niya habang naglalaro.

"Pandagdag din yun sa upa ng bahay at baon ko sa araw araw. Ayaw ko naman na nakaasa lang kami lagi sayo ni Mama paano ka naman makakaipon niyan lalo na ngayon" paliwanag ko.

"Kaya pala halos 3 months na ayaw ni Mama na magpadala ako. Binalik ko din kay Mama yung pera na dapat pambayad dun sa upa. Binayaran kona yung natitirang utang niyo kay Aling Pasing bago kayo lumipat "

"So hindi kana babalik ng dubai kuya?"

"Ayaw ni Tine ee,Actually nag enroll na din ako sa online class para maipagpatuloy ang pag aaral ko. Ako na din muna magtake over ng restaurant habang buntis si ate mo,ayaw ko siyang masyadong mastress "

"Talaga kuya! Ayaw din naman namin na bumalik kapa dun,namiss kaya kita " paglalambing ko dito sabay yakap.

"Aba'y ang sweet mo ngayon ah,himala at hindi pasalubong ang bungad mo sa akin." Anito habang nakangiti.

Everytime kasi na tumatawag si kuya ay kung ano anu ang gusto ko ipabili dito. Lambing kolang naman sa kanya yun,saka mga mura lang naman ang pinapabili ko sa kanya.

Closed na closed kami ni kuya mark dahil nga nung maliliit pa kami kapag wala si Mama sa bahay ay si Kuya Mark ang tumatayong Nanay at Tatay ko. Kaya nung naging girlfriend niya si Ate Tine ay sobrang inis na inis ako lalo na't hindi kami nagagawang ipasyal ni kuya pag day off niya kasi nga si ate tine ang kasama niya. Kung ano anu ginagawa ko dati para lang maturn off si kuya kay ate tine pero walang epekto.

Ganun siguro pag true love mo.

Nung tumagal naman lalo na ng umalis si kuya papuntang dubai at sobrang lungkot ko na halos hindi ako kumain buong araw at puro iyak lang ako ay si ate tine ang nag alaga sakin. Si Mama kasi pinapagalitan lang ako,para daw kasi akong bata.

"Ikaw ba may boyfriend na?!" Dugtong pa nito na nakakunot noo.

"Wala noh!" namumula kung sagot.

"Bat hindi kapa ba nililigawan ni .... ."Aniya na bumaling kay Ram.

"Kuya Mark!!!Diba sabi mo may pasalubong ka sakin?!tara kukunin kona " Si Ram na biglang napatayo at sabay na hinila si Kuya Mark papasok sa loob ng bahay.

"Nililigawan nino?!!!" Tanong ko dito habang nakasunod sa kanila.

Ang weird ng dalawang to. May bulungan pang nalalaman.

"May nanliligaw na sayo kieth ?" Si Ate Tine na nasa likuran kona pala at kasama si Mr. Manyakis na nakakunot na naman ang noo.

"Po?!Naku wala ate " sagot ko dito na nakangiti.

"Walang magtatangkang manligaw jan panu ang sungit" sagot ni Mr. Manyakis na ikinatawa ni Ate Tine ng malakas.

"Stop it Zac !baka mamaya mapikon sayo si Kieth,pagpasensiyahan mona kieth ganyan talaga si zac. "

Pagdating namin sa bahay ay nakaabang na din sa pinto palang si Mr. Manyakis. Gaya nga ng sinabi ni Mama,bestfriend ni ate tine si Mr. Manyakis at kababata. Sabay silang lumaki dahil ang father ni Ate tine at ang father ni Mr.Manyakis ay matalik na magkaibigan din.

"Okay lang ate, hindi ko naman kaylangan ang opinyon niya. " sagot ko na nakataas ang kilay dito.

Manyakis 😒

"Naku Kieth mabuti pa mag usap muna kayo ni Zac,tutulungan ko lang sina Mommy sa mga pasalubong. Wag mong aawayin yang little sister ko!" Ani ate tine na nakapamaywang pa kay Mr. Manyakis.

"So little sister,Sino naman ang napakamalas na lalaking nanliligaw sayo ngayon?" Pang aasar nito.

"Pwede ba wag mo ako matawag tawag na little sister!saka pakialam mo ba sa lovelife ko!" Singhal ko dito.

" alam mo magugulat talaga ako pag may nanligaw sayo. Sa sungit mong yan para kang amazona,lalapit palang sayo ang lalaki matatakot na" nakangisi nitong sambit habang nakasunod sakin na naglalakad papuntang pool area.

" sabi ko nga hindi ko kaylangan ang opinyon mo!pakialam moba kung may manligaw sakin o wala,saka pwede ba wag mo nga ako sundan " irita kong sagot dito.

" See?! You're always mad,lalo na sakin. May gina.. " hinawakan niya ako sa braso ngunit tinabig ko ito ng malakas na ikinawalan niya ng balanse. Mabilis niyang hinawakan ang suot kung tshirt at hinila ako. Sabay kaming nahulog sa pool at sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay nawarat ang suot kong damit.

Nagkukumahog ako at takot na takot na napayakap sa kanya. Hindi kona alintana na mababaw lang pala ang pool at napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Nang marealize ko na abot naman pala ng paa ko ay saka ako nagtangkang lumayo sa kanya ngunit bigla niya akong hinila at hinawakan ang baywang ko upang lalo kaming magkadikit. Napatitig ako sa mga mata niyang nangungusap. Andun na naman yung sensasyong nararamdaman ko at dumadagundong ng napakalakas ang tibok ng puso ko. Mga ilang segundo kaming nagtitigan na animo'y kinakabisadu ang bawat sulok ng mukha.

"What happened?!" Saka lamang ako nahimasmasan ng marinig ko ang tinig ni Ram.

"Manyakis!wag mo nga akong tsansingan!" Lumayo ako sa kanya at mabilis na inabot ni Ram ang towel na hawak hawak nito.

"Bat mo naman naisipan magswimming na punit ang damit" kunot noong tanong ni Ram na nang aasar.

"Ewan ko sayo!isa kapa!" "Tingin moba gusto ko magswimming na kasama yang manyakis na yan?!" Sagot ko dito na nakalayo na sa pool at iniwan si Mr. Manyakis na kasama ang isang maid na nagbigay sa kanya ng towel. Nakatingin ito sa amin ni Ram habang papalayo kaming naglakad papasok ng bahay.

"Ang init ng ulo mo,meron kaba ngayon?" Tanong nito.

"Tse ! " iniwan ko siya sa sala at nagbanlaw.

Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Ram sa sala. Umakyat ako sa rooftop at nakitang nasa may garden ang lahat at masayang nagkukwentuhan kasama si Mr. Manyakis na nakapagbihis na din. Nakasuot ito ng nike na black shorts at simpleng gray tShirt. Nakatupi ng kaunti ang sleeves nito na nakahubog ang mamuscle nitong braso.

Bigla itong tumingala sa rooftop na animo'y alam niyang may nakatingin sa kanya. Bigla akong nag iwas ng tingin at bumaba ulit sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko siya para akong kinakabahan at the same time excited.

Nababaliw na yata ako.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon