CHAPTER II.

733 15 1
                                    

ASIAN INTERNATIONAL UNIVERSITY

Bago pumasok ng classroom ay dumideretso agad ako ng Cr para magpalit ng uniform.Tatlong damit ang lagi kung dala araw araw minsan apat kasama na ang uniporme ko sa school at sa trabaho. Kaya may mga pagkakataon na kahit plantsado naman ni Mama ang uniporme ko ay lukot lukot na ito pagdating sa school. Mukha rin akong magfield trip sa laki ng bag ko. Though may sariling locker naman ang bawat studyante hindi kopa din magawa na mag iwan ng damit duon maliban nalang sa mga libro at sapatos ko.

Tatlong taon na akong nag aaral sa paaralang ito na kung saan puro anak mayaman ang nag aaral. Nang mamatay si papa tinulungan kami ng dati niyang Amo na makapasok bilang scholar sa ASIU.Dating Personal driver si Papa ng presidente ng school,noon pa man lagi na niyang naikekwento na pagdating ng High School ay gusto niyang dito ako mag aral. Tinanggihan iyon ni Mama dahil nahihiya siya sa mag asawang thailander. Ngunit ng mga panahong hirap kami at nagkasakit si Kuya Mark ng Dengue ay walang nagawa si Mama kundi ang lumapit ulit sa mag asawa para manghingi ng tulong. Naging tagalaba si Mama ng mag asawa at tinulungan din nila si Kuya Mark na makapag abroad kasama na dito ang pagbibigay din nila ng scholarship sa akin. Dahil nga naging malapit si Papa sa kaniyang amo ay siyang katumbas ng kabutihan nila sa amin.

May isang anak na lalaki ang mag asawa na kasing edad ko lang din. Si Ram Chen. Kaklase ko siya sa ibang subject at kagaya ko ay graduating na din. Jolly at Palabati si Ram kaya hindi nakakapagtakang marami siyang kaibigan sa school. Mr.friendship ang kalimitang tawag ko sa kanya dahil ultimo mga tagalinis sa school ay close na close niya. Sobrang sweet palibhasa ay laging dikit sa Mommy niya. Kung may isang lalaki man akong hinahangaan si Ram yun. Kagaya ng mga magulang niya napakabuti din ng puso nito. Hindi sila tumitingin sa estado ng buhay ng tao. Lagi sinasabi ni Mr. Chen,ang ama ni Ram na bago sila nagkaroon ng maraming negosyo sa pinas ay isang kahig,isang tuka lang sila sa thailand. Kakakasal palang ng mag asawa ng mag migrate ng pilipinas ang mga ito. Kahit walang kakilala o kamag anak ay naglakas loob na manirahan sa pilipinas ang mga ito. Dito na din ipinanganak si Ram at lumaki. 7 yrs old palang ako ay kilala kona ito dahil kapag walang naiiwan sa akin sa bahay ay lagi kaming nasa mansyon ng mga Chen ni kuya mark at nakikipaglaro kay Ram.

"Oh,ah, shit "

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis sa isang cubicle ng cr ng may marinig akong ungol ng babae at lalaki sa loob. Pinagpatuloy ko ang pagbibihis habang may dalawang nilalang na busy din sa kakaungol. Minadali ko ang pagbibihis para mabigyan ng privacy ang dalawa.

Talaga bang sa school ng cr pa nila nagawang magmomot!nakakaloka!hindi na nagawang maghotel!

Saktong paglabas ko ng cubicle ay lumabas naman sa isang cubicle ang isang matangkad na lalaki habang inaayos pa ang butones ng polo.Ilang segundo din kaming nagkatitigan at na parang nagulat pa siya na may tao sa loob. Lumabas siya ng cr na parang walang nangyari.Pagkalabas ng lalaki ay napailing nalang ako at humagalpak ng tawa. Parang familiar ang mukha ng lalaki,parang nakita kona ito hindi lang ako sure kung saan. Iiling iling akong lumabas ng cr habang hindi pa lumalabas ang babaeng kamotmot nito.

Nasa pintuan pa lang ako ng classroom ay kumakaway na si Ram sa akin. Kasama nitong kakwentuhan si Jomar este Georgina sa gabi. Hindi ko nabanggit na same school kami ni Jom at kaklase din. Tinulungan kolang siyang pumasok sa Cafe dahil lumayas siya sa kanila gawa ng nalaman ng daddy niya na bakla siya at hindi nito matanggap ang pagkatao niya. Nagrerent siya ngayon sa isang maliit na Condo at kahit papanu ay tinutulungan siya ng Ate niya sa tuition niya sa school.

"Bes!Lukot na naman yang damit mo,hahabulin kana naman ng plantsa!" Puna agad nito sa uniporme ko.

"Nagmadali kasi ako bes,"

"Lau tumawag si Kuya Mark kay mommy,balita ko buntis si ate tine"Si Ram na nakaupo sa harap ng mesa ko.

"Yap,pauwi nga daw siya sa makalawa.they're getting married!" excited kung pagbabalita dito.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon