CHAPTER V.

462 11 0
                                    

Pauwi na ako ng may mamataan akong sasakyan na nakaparada di kalayuan sa eskinitang papasok sa bahay namin. Habang nag aayos ng sintas ng sapatos ay napansin kung bumaba ng sasakyan si Mr.Manyakis.

Anong ginagawa niyan dito?!

Nagmadali akong naglakad ngunit parang nakasunod siya sa akin. Nakapamulsang naglalakad ito sa gawi ko kaya't binilisan ko ang lakad ngunit nakasunod pa din siya. Bigla akong tumigil at Humarap sa kanya.

"Bat mo ako sinusundan?!" Ani ko na nakapamaywang habang kaharap siya.

"Ms.Valle?Pasensiya na hindi ko alam na dito pala ang way mo pauwi. Wag kang mag alala hindi kita sinusundan." Sagot niya na nakakunot ang noo.

Tumango lang ako na nakakunot din ang noo pero hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.Nasa labasan na ako ng bahay namin nang mapansin ko na nakasunod pa din siya.Humarap ulit ako sa kanya na nakakunot pa din ang noo.

"Sandali nga po SIR !Ako ba talaga sinusundan niyo?!"pagdidiin ko sa Sir.

" Hindi kita sinusundan at bat naman kita susundan?!" Sagot nito.

"Aba anong malay ko baka may masama kang balak sakin." Sambit ko na kunyari tinakpan ang dibdib.

Lumapit siya sa akin na siya kung ikinaatras. Lalo pa siyang lumapit yung malapit na malapit. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ms. Valle, kung nagpapapansin kalang hindi mona kaylangan mag effort kasi maganda ka naman." Aniya na may ngiting nakakaloko.

"Excuse me!Bat naman PO ako magpapapansin sa manyakis na kagaya mo po!Para sabihin ko sayo hindi po ako pumapatol sa Guro at higit sa lahat sa manyakis na kagaya niyo PO" sagot ko na pinagdiinan ang PO.

"Wag ka ng mag PO kasi 2 yrs lang ang age gap natin." "At bakit Ms.Valle kelan ba kita minanyak?"Nakakunot noo nitong sagot.

Hindi ako nakapagsalita bagkus ay nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Na awkward ako bigla dahil mas lalo siyang lumapit sakin.

Nakatitig siya sa labi ko kaya napakagat labi ako. Napapikit ako bigla.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko halos hindi ko marinig ang ugong ng mga sasakyan sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ako bigla sa dibdib ko na animo'y nag iipon ng lakas ng loob.

"Zac?!Iho ikaw ba yan?!" Si Mama na saktong bumukas ang pinto ng bahay.

Sabay kaming napatingin kay Mama na parehong gulat. Naitulak ko siya sa sobrang gulat at ginawi ang atensyon kay Mama.

"Magkakilala kayo Ma?" Tanong ko dito.

"Aba'y oo,Matalik na kaibigan si Zac ni Ate Tine mo" sagot nito.

"Magandang araw po Tita,Kamusta po kayo?" Magalang na sambit nito.

"Mabuti naman,Pumasok ka at nakakahiya namang sa labas tayo mag usap."

Sabay silang pumasok sa loob ng bahay habang naiwan akong nakaawang ang bibig saka padabog na nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.

"Naku salamat iho,Mabuti naman at may tutulong sa amin maglipat para hindi na din kami mahirapan"Si Mama na kaharap sa hapag Si Mr.Manyakis habang umiinom ng tubig.

"Naku tita don't worry, Ako po bahala sa lahat ng gamit niyo. Bukas din po sila ng morning pupunta" sagot nito sa napakagalang na tono habang nakangiti.

Ang aliwalas ng ngiti niya. Napatitig ako sa kanya habang kausap niya si Mama. Kumabog na naman ng napakalakas ang dibdib ko at para akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Napatingin siya sa akin na nakangiti saka lamang ako nahimasmasan.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon