Second

9 0 0
                                    

HAPPINESS VERSUS SADNESS
(second)

"Mabuti na lang hindi ko itinuloy yung balak kong wakasan na ang aking buhay.Marami pa palang mga maliligayang araw na naghihintay sa akin kagaya ngayon." Sabi ng isang dalagang babae habang ito'y nakangiti.

Bakas sa mukha ng babae na sobra ang kagalakan niya.Walang makikitang bakas ng lungkot sa kaniyang mukha  marahil ay napagtagumpayan na niya ang mga malulungkot na araw.

"Thanks God dahil pinigilan mo akong kitilin ang aking buhay nang dahil diyan ay heto ako ngayon,napakasaya." Sambit uli ng babae habang nakatingin sa napakaaliwalas na kalangitan.

Sana kagaya ko siya. Sana hindi ko rin kinitil ang aking buhay. Siguro kung hindi ko kinitil ang aking buhay ay ganyan din ako kasaya ngayon.

Ako kasi,napakaliit lang pala ng problema ko noon sumuko na agad ako. Akala ko kasi kapag winakasan ko ang buhay ko hindi na muli ako makakaramdam ng lungkot. Pero mali pala ako dahil mas lumala pa lungkot at pighati na aking nararamdaman ngayon.

Paano kaya kung hindi ko itinuloy ang pagpapakamatay ko?Sana masaya na rin ako,sana masaya na rin si Lara De Guzman ngayon.

•••••

March 7, 2021

Mixed UpWhere stories live. Discover now