SOLDIER OF MY OWN
(ninth)Hawak ko na ngayon ang aking espada at isang panangga o shield.Nakikipaglaban ako ngayon sa mga rebelde.
Nang maitapon ko ang bomba sa aking kalaban ay bigla itong pumutok kaya ginamit ko ang shield ko para protektahan ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako nasaktan o natapunan ng kahit na ano sa aking katawan.
Nasa malayo pa rin ako sa kalaban ng kumuha na naman ako ng bomba at itinapon na naman ito.At kagaya kanina ay hindi ako natapunan na kahit na ano sa katawan.
Ang ikinapagtataka ko lamang ay kung bakit hindi sila lumalaban sa akin.Dahil ako lamang ang parang nakikipaglaban sa kanila .
Pero mas mabuti na iyon.Gusto kong makipaglaban para mailigtas ko ang pamilya ko sa gutom.Gusto ko rin na huwag silang masaktan o magalusan kaya ako na lang ang nakipaglaban para sa kanila.
Akmang kukuha ulit ako ng bomba para ihagis ito sa kalaban ng may nagsalita sa likod ko.
"Luto na ba iyan?!Bilisan mo at dahil gutom na ako!"Galit na turan ni mama sa akin.
•••••
March 2021
YOU ARE READING
Mixed Up
RastgeleWritten by: Heaulexues Miainae Date Started : February 2021 Date Finished : ----