SINTA,AKO'Y PARATING NA
(sixth)"Senyora,aking napasaya na ang iyong parokyano ngayong gabi"Nakangiting saad ko sa aking senyora.Ngunit nilagpasan lamang niya ako at hindi pinansin.
Sanay na ako sa ganyang ugali kaya hindi na ako madidismaya pa o malulungkot.Gaya ng ginagawa ko ay huminga na lang ako ng malalim at ibinalik ko ang matamis kong ngiti bago naglakad palabas ng bahay aliwan.
"Kay aga naman nating lumabas ngayon aking sinta?"Gaya ng ginagawa niya ay sinundo na naman niya ako ngayong gabi.
"Mabilis kasi kaming natapos ng isang parokyano kanina kaya maaga ako ngayon."Tugon saka siya nilapitan at hinalikan siya sa labi.
Mula noong bata ako ay nawala na ang pagiging mahinhin ko at isang Pilipina dahil sa mura kong edad ay ito na ang naging trabaho ko hanggang ngayon.
Naglalakad na kami ngayon sa isang makitid daan papunta sa aking tahanan ng may sumagi sa aking isipan.
"Balita ko mayroon ka na raw trabaho?Tama ba ako?"Nakangiti kong tanong sa kanya.Napakamot naman ito sa kaniyang ulo na para bang nahihiya pa siyang malaman ko iyon.
"O-oo,ipinasok ako ni ginoong Ponciano kaninang umaga sa palimbagan ng diyaryo."
"Kung gayon,bakit hindi natin bigyan ng gantimpala ang ating mga sarili?Bumili tayo ng masasarap na pagkain!"May malawak na ngiting saad ko.
Ngumiti naman ito pabalik at saka sinabing,"Kung iyan ang iyong kagustuhan aking sinta bakit hindi?"
At dahil doon ay napagpasiyahan naming kumain sa tindahan ni Aling Pacing.Masasarap ang mga pagkain at saka may palibre pa silang dyus ng niyog.
Habang naglalakad kami papunta sa tindahan ay siya namang pagdating ni ginoong Ponciano.Dahil siguro sa kaniyang malayong tinakbo kaya siya pinagpapawisan at hinihingal ng lubusan.
"T-tonyo,may pinapasabi ang heneral ng hukbo sa ating mga kalalakihan.Lahat daw ng mga kalalakihan sa ating lugar ay mapapasama sa isang digmaan mamayang hating gabi."Saad nito.
May takot at lungkot ang kaniyang mga salita.
Kinakabahan at may takot rin ang aking naramdaman ng marinig ko ang mga katagang iyon. At nang tinignan ko Tonyo ay mas matindi pa ang kaniyang ipinapakitang nararamdaman.
Pero habang tumatagal ay nawawala na ang kaniyang takot at kaba at unti unti na itong napapalitan ng determino.
"A-ano ang iniisip mo?P-papayag ka bang lumahok sa kanila?"Kinakabahang tanong ko kay Tonyo.
Huwag naman sana.Hindi ko makakayang mawala siya sa aking piling.Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.Hindi ko kayang hindi ko na siya makita kahit kailan.Hindi,hindi ko kaya.
Ngunit iba ang aking narinig.Ipinaharap niya ako sa kaniya at tinitigan ako deretso sa aking mata.
"Labag man sa aking kalooban ang aking gagawin pero wala na akong magagawa.Ito siguro ang itinadhana ng aking kapalaran kaya akin itong susundin.Huwag kang mag-alala aking mahal,ako ay mag-iingat at babalikan ka pa."Saad niya ng may ngiti ngunit malungkot na boses.
"Mag-iingat kami ni ginoong Ponciano."Sabi pa nito sa akin at inakbayan pa nito si Ponciano."Hindi ba ginoo?"
Ngumiti naman ng pilit si Policiano at tumango pa siya bilang kaniyang kasagutan.
MALAPIT ng maghating gabi at nandito ako ngayon sa bahay ni Tonyo para kumbinsihin siyang tumakas na lang kami at huwag ng sumali madugong digmaan.
"Tonyo,magpakalayo na lang tayo dito.Huwag ka ng sumama sa kanila.Nagmamakaawa ako sayo,tumakas na lang tayo."Pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit kita ko ang pagkadesido niya sa kaniyang desisyon.
"Aking sinta,hindi ko iyan magagawa.Aking ipinapangako na mabubuhay ako at babalik kita at tayo'y magpapakasal sa isang magandang simbahan."Tugon niya.
Maganda ang kaniyang mga sinasabi pero hindi ko kayang ngumiti.Hindi ko kayang ngumiti maliban lamang kung mapapayag ko siyang hindi na sumali at tumakas na lang kami.
"Aking ipinapangako pagkabalik na pagkabalik ko ay magpapakasal na tayo sa pinakamagandang simbahan dito sa Pilipinas."Nakangiti niyang saad sabay kuha sa kaniyang mga gamit pandigma.
"Hanggang sa ako'y magbalik aking sinta."Sabi nito sa akin sabay halik sa aking labi.
Habang hinahalikan ko siya pabalik ay siya namang pagbuhos ng aking mga luha sa aking mga mata.
Masakit isipin na ang aking minamahal ay mapapasama sa isang digmaan.Masakit isipin na ang kaniyang kalahating katawan ay patay na sa simula pa lang.
"Mahal na mahal kita aking sinta."Sabi nito kasabay nito ay ang pagbuhos din ng kaniyang luha sa kaniyang mga mata.Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din siya.
"Mahal na mahal din kita aking sinta."
"NATALO sila,natalo ang mga Pilipino."Umiiyak na saad ng mga ali ng ako'y mapadaan sa isang kalye .
A-ano?N-natalo sila?P-paano na si Tonyo?
Hindi.Hindi ito maari!
Agad akong tumakbo papunta sa daungan habang ang aking mga mata ay nanlalabo na dahil sa mga luhang nahuhulog sa aking mga mata.
"Tonyo,hintayin mo ako.Darating na ako."
Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating na ako sa daungan ng barko.Marami ang mga tao dito marahil isa rin sila sa pamilya ng mga kalalakihang nakasali sa digmaan.
Mabilis ako tumakbo sa mga kumpol kumpol at may pinapalibutan na mga tao at agad nakipagsiksikan para makapasok at makita si Tonyo.
"H-hindi.H-hindi!!Tonyoo!"Agad kong pumunta sa nakahigang katawan ni Tonyo."Hindi.Hindi ka pa patay.Gumising ka Tonyo!Ang sabi mo babalikan mo pa ako!Gumising ka mahal ko!!"
"KUNG HINDI AKO ANG MAKIKIPAGLABAN?SINO?WALA NA TAYONG GINAWA KUNDI ANG MAGING MANGMANG NG SARILI NATING BANSA!MANONOOD NA LANG BA TAYO AT MAGHIHINTAY NA UNTI UNTI NG NAMAMATAY ANG ATING MGA KAPWA PILIPINO?HINDI AKO KATULAD NIYO.MAKIKIPAGLABAN AKO AT IPAPANALO ANG ATING BANSANG PILIPINAS!"
Desidido na ako.Isa ako sa mga makikipaglaban sa mga banyaga.Ipaghihiganti ko ang aking mahal na si Tonyo.Ipaghihiganti ko ang aking bansang sinilangan.
"Maghanda na kayo!Isa ,dalawa ,tatlo,putokk!"Sabi ng aming heneral at amin namang inihanda ang aming mga baril at itinutok ito sa mga banyaga.At sabay sabay namin ito pinaputok.
"Bang!"Umalingawngaw ang mga putok ng aming mga baril.
Paulit ulit namin itong ginawa at ganoon din ang aming mga kalaban sa amin.At hanggang sa..
"Tayo ay nanalo!Ang mga Pilipino ay nagwagi!"Masasayang saad ng aking mga kasamahan.Ang gaganda ng kanilang mga ngit at yung iba naman ay napaluha na dahil sa kagalakan.
"Sa wakas naipaghiganti na rin kita aking sinta."Masayang kong saad at tumingala sa langit.Unti unti na ring bumuhos ang aking luha dahil sa kaligayahan.
"Tayo ay nagwagi!"Sigaw ko.Nakisabay na rin ako sa mga kasama kong nakipaglaban.Ipinagbubunyi ang aming pagkapanalo.
"Nagwagi tayo!Panalo tay-"
S-sandali.H-hindi.B-bakit sumasakit ang aking katawan?
Aking tinignan ang aking katawan at doon ko nalaman na may tama ako sa aking tiyan.Kanina pa pala itong tama na ito kaya marami ng dugo ang lumalabas sa aking katawan.
"C-carmen,may tama ka."Kinakabahang saad ng isa kong kasamahan.Agad niya akong nilapitan at tinakpan ang aking sugat."Huwag ka munang susuko,dadalhin na kita sa pagamutan."
"H-huwag na.S-siguro ito na ang nakatadhana sa akin."Saad ko dahil unti unti na akong nanghihina at nawawalan ng hininga.
Kung ito na ang aking katapusan ,tatanggapin ko. Dahil alam ko sa aking sarili na namatay ako na may ipinaglalaban.Namatay ako ng nagtagumpay.Namatay ako ng may ngiti sa aking labi at ng may nakikitang tuwa sa mga labi ng mga kapwa ko Pilipino.
"M-mahal,malapit na ako.Hintayin mo ako diyan sa langit.Magkakasama na rin tayo."Saad ko bago dumilim ang aking paningin at mawalan ng buhay.
•••••
March 2021
YOU ARE READING
Mixed Up
RandomWritten by: Heaulexues Miainae Date Started : February 2021 Date Finished : ----