I'LL BE THE CAUSE
(fifth)
"Hi, I am Lavigne and nag-iisa na lang ako sa buhay. Can you all be my friend?"
Ganyan nagsimula ang school year ko. But now...
"Aishhh ,what a boring day !Wala man lang kasi akong kasama dito sa dormitory na ito."
Kanina pa ako nababagot. Paano ba naman kasi bawal dito ang phone and additionally ,tapos na ang school year kaya lahat ng mga kadorm ko umuwi na sa kani-kanilang mga bahay at ako na lang ang natira.
"Bakit kasi ang bilis ng panahon?"
How can I survive to this lonely dorm? How can I survive to be alone?
Dahil sa pagkabagot ay nagpaikot ikot na lang ako dito sa aking kama. Atleast dito, nalilibang ko ang sarili ko. Ilang minuto pa ako nagpagulong gulong hanggang sa may biglang ideyang sumulpot sa aking isipan.
"Bakit hindi ko ito naisip kanina pa?" Bulong ko sa aking sarili habang malawak ang ngiti sa aking labi.
Agad akong bumangon sa aking kama at kinuha ang hood jacket ko. Dali dali akong bumaba ng hagdanan at deretso akong nagpunta sa library. Alam kong masaya ito!
Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating na ako dito sa library. Maraming beses na akong nakapasok dito and ngayon nandito na naman ako.
"Sign here first." Tinignan ko ang nagsalita and hmm maybe she's the new librarian? Tumango ako bilang pagsagot at pumunta na ako sa isang table na kung saan naroon ang itinuro niyang attendance book.
Matapos akong magsign ay agad akong pumunta sa mga bookshelves at pumili ng librong magugustuhan ko.
"This! Mukhang maganda ito!" Masayang saad ko at agad kinuha ang librong may titulong "I'll Be the Cause."
Hindi muna ako umupo at masayang binuklat ang libro.
"Sa una palang maganda na!" Saad ko habang may ngiti pa rin sa aking labi. Pagkatapos kong mabasa ang unang pahina ay siya namang pagsulpot ng librarian sa aking likod.
"Magandang kwento iyan. Iyan din ang binasa ko bago ako mamatay." Sabi nito ng may nakakatakot na boses.
•••••
March 2021
YOU ARE READING
Mixed Up
DiversosWritten by: Heaulexues Miainae Date Started : February 2021 Date Finished : ----
