KRISHEL's P.O.V
......
"Pupuntahan? Sa pag kaka alam ko, mag kasama ang Mama mo at si Mommy sa Business trip nila sa HK. Nakauwi na agad sila. Ang bilis naman, kaalis lang nila kagabi ah" pang aasar nito saakin. Dahil alam naman niyang nagpapalusot lang ako..
Sa dinami dami ko namang pwedeng idahilan... Bakit iyon pa!!!? Tsk. Badtrip na Business trip yan... Pahamak!
"Ay. Oo nga pala. Nakalimutan ko kasi" sabi ko nalang
"Nakalimutan daw. May atraso ka sa akin kaya ililibre mo ako ngayon. Sumakit kaya ng sobra yung balikat ko." sabay himas nito sa kaliwang balikat niya
"Ahhhh. Ito ba?" Sabay pisil ko sa kaliwang balikat niya.. Para naman makaganti kahit papano. Napahiya kaya ako. Hahaha
"Aray!!. Masakit pa din naman Krishel.." -Siya
"Ang atre naman nito.. OA mo Jiyun.Libro lang binato ko, hindi.isang sakong bakal. Makareact ka parang nag ka bali ka ahh!!" sabi ko
"Aist! Tara na nga" sabi naman niya at kinaladkad na niya ako
..
At nauwi ang kanyang pag kaladkad niya saakin sa Department store
"Kumain ka ba bago umalis sa bahay niyo?? O di kaya. Hindi ka kumain ng gabihan?" tanong ko kay Jiyun dahil sa dami nitong ipinabili sa akin
"Hindi naman. Gusto lang kitang mamulubi" sagot nito habang nag babayad na kami este AKO ng mga ipinabili NIYA sa akin!
"pasalamat ka. May atraso ako sayo." sabi ko at kinuha na ang binili namin na inagaw naman niya agad sakin
"Ganyan ka ba humingi ng sorry?" seryoso niya sabi saakin at seryosong nakatingin din sakin
"Depende kung tatanggapin mo na. Buti nga nilibre kita" Proud kong sagot sakanya
"ha?.... Ewan ko sayo. Ang gulo mo kausap." sabi niya at nag simula ng kumain
...
"Tara na" sabi nito sabay tayo niya.
Naubos na din pala iyong mga pinabili niya sakin >__<
"At saan na naman?" tanong ko
"Sa Campus. May aayusin ako" sagot niya
"okay. Madali naman ako kausap" sabi ko sabay tayo na din
*Campus*
"Biruin mo yon. Mataas pala talaga ang mga grades mo." sabi ko habang nag lalakad at hawak hawak ang card niya
"Akin na yan. Baka kung ano pa gawin mo diyan." sabi ni Jiyun na pilit inaagaw saakin ang card niya
"Teka. Wag kang epal. Tinitingnan ko pa." sabi ko na patuloy pa ring inilalayo yung card niya sakanya
"Kanina pa yan sayo. Ano ba! Sasauluhin mo ba mga grades ko?? Akin na." inis na sabi nito
"Bleh! Kung makukuha mo" sabi ko ng natakbo..
Anong akala niya saakin. Pang marathon kaya ito.. *insert ng konting yabang* :D
"Akin na.!" sigaw pa nito
Wa epek yung pag takob ko. Pag lingon ko kasi sakanya. Di pala niya ako hinahabol. Kainis! Naglalakad lang siya.
Humarap na ako dito ng naglalakad. Meaning patalikod akong nag lalakad.
Baka kasi maya maya nasa likod ko na pala siya. Baka makuha niya card niya. Ahahaha
"Ang bagal mo." medyo hingal kong sabi kasi nga diba tumakbo ako.
"Teka lang kasi" sabi nito ng nag jojogging na kaya binilisan ko na rin ang paglalakad ko ng patalikod.
"Bleh! Sayang naman to card mo.. Mawawala---"
"KRISHEL!!!" dinig kong sabi ni Jiyun
May naramdaman naman akong pananakit sa may bandang likod ng tuhod ko at napapikit nalang ako kasi malalaglag na ako. Pero parang di ata ako nagshoot sa Fountain???
Nagmulat ko ng mata at nabungadan ko ang leeg. Leeg?
Tapos tumaas yung tingin ko sa muka nung sumalo saakin..
Si Jiyun!!!
Tinulak ko siya ng kaunti para mag hiwalay na kami....
>_<
"May masakit ba?" worried na tanong nito sakin
"Wala. Ang epal mo kasi. Muntik na tuloy akong mag swimming sa fountain." sabi ko at tumalikod na at nagsimula ng mag lakad
Ahhhh! Wrong move!!! Biglang sumakit yung tuhod ko na tumama sa harang nung fountain. Tskk! Bato pa naman iyon..
"Aist! Pasaway talaga" dinig kong sabi ni Jiyun at naramdaman ko nalang na inilagay niya yung kamay ko sa kaliwang balikat niya at inilagay naman niya yung isa pang kamay niya sa may bewang ko.
"Hoy Jiyun. Ano ba? Bitawan mo nga ko.!" paghampas ko sa kamay niya na nasa bewang ko
"Aist! Wag ka nga malikot." saway nito sakin
"Alis kasi!!!" tampal ko ulit
"Isa! Paglumikot ka pa lalo kitang iiwan dito." pananakot pa niya
"Ano naman!! Alis na banaman." aalisin ko na sana yung kamay ko sa balikat niya nang hawakan niya ito para di ko maalis iyon sa balikat niya
'yah! Jiyun!!! Ano ba! Nagba-blush na ako oh!!'
"Tahimik na ah."
Ugh! Ano ba ito!?
"Potek ka Jiyun. Kinikilig na ako" naiinis na sabi ko sa kanya
"Haha. Ayos nga yun. Mas mabuti iyon." natatawang sabi niya
"Yah! Pinagloloko mo ako hah!" tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa akin at mabilis na naglakad...
"...Ouch! Ow my tuhod!!!" sigaw ko dahil nabigla yung tuhod ko
Nyemasss na yan!!!
"Ang kulit kasi" sabi ni Jiyun
Nagulat nalang ako ng buhatin niya ako na parang yung sa mga bagong kasal.
"Ano ba Jiyun. Susuntukin kita!" pagpupumiglas ko
"Ang ingay mo----"
*TSUP*
"Kyaaah! Ang sweet naman nila"
"So cute!"
"Nakakakilig lang"
"Ow em! Nilalanggam na sila oh!"
Yan nalang ang mga narinig ko pagkatapos niya akong.... Ano nga ba iyon??? Argh!
Talaga bang...
Talaga bang hinalikan niya ako???
Argh!!! Shet. Lalo lang akong kinilig sa ginawa niya >.
BINABASA MO ANG
RIVALS or LOVERS
Teen FictionMasungit at maarte si Krishel na lagi nalang pinagkukumpara at tinatapat kay Jiyun na mabait pero may pagkapilyo minsan. Lahat na ata ng bagay ay pinag aawayan nila. Maging magkaribal na lang kaya sila habang-buhay? O may mabuong 'LOVE' sa pagitan n...