KRISHEL's P.O.V
"Badtrip naman o! Hindi ko naman kasi kaya to."
Kanina pa ako dito sa Bench ng University namin, para gawin tong lecheng project na to.
"Bakit kasi kelangan pa ng project. Kaasar, pero dapat tong pag butihan! Baka mas mataas ang mas makuhang grades ng lalaking iyon kesa sakin."
"uhm.. Hi ate." bati sakin ng cute na bata
"Bakit po nakasimangot kayo?" dagdag pa nito"E bakit ba nangengeelam ka?. Badtrip to." Mataray kong sabi sa bata. Kahit cute pa siya. Pakielamera pa din.!
Bigla nalang umiyak yung bata at sinabing...
"susumbong kita kay ate. Nag tatanong lang naman ako.""edi mag sumbong ka. Para namang natatakot ako sa ate mo noh! Umalis kana nga. Abalq ka e!!!" umiiyak na umalis yung bata, at wala akong pakeelam doon...
...
"ahhh! Kapagod na to."
Hanggang ngayong kasi di pa ko tapos.
Ang mahiwagang project kasi namin na ang sarap sarap itapon ay kelangan creative ang pag kakagawa. Bwisit naman. Hindi naman kasi ako marunong mag design. Pag gugupit lang talaga ng heart-shape na nakatupi lang ang kaya ko. Ni hindi rin ako marunong mag lettering... Jutmeyo!!!
"oh. Ano ba yan Krishel, suko ka na ata. Patapos na ko,pero ikaw wala pa atang nauumpisahan."
Mapang-asar na sabi sakin ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.
"May masamang hangin na namang ang napadaan."
Parinig ko
"Haha, goodluck sayo. Gandahan mo ang project mo ha. Baka kasi hindi tayo mag tie ng grades, baka kasi malamangan na kita." nakangisi nitong sabi
"Badtrip ka! Kung pumunta ka dito par---"
"oh! Ikain mo nalang yan. Gutom lang yan."
Sabay tapat ng mansanas sa bibig ko. As in sa lips ko naglanding si red apple. Peste tong lalaking to!!
Kinuha ko ito at pinukpok ko sa ulo niya.
"Aray! Alam mo bang masakit yon!" inis niyang sambit.
"alam ko! Ipupukpok ko ba yan sa ulo mo kung di ka masasaktan. Hindi ko alam kung bakit pa ang lagi kong karibal. Ang bobo naman pala!"
Umalis na ko sa harap niya, dala ang mga gamit ko.
Nakulo na naman kasi yung dugo ko sa kanya!
------
"Ma, pagpaalam niyo naman po si ate Gie kay tita para po dito matulog. Please"Pag mamakaawa ko kay mama habang may mga ginagawa siya sa kanyang kwarto. Im super sure na mga paper works niya yun tungkol sa business.
"Ano na namang kelangan mo sa pinsan mo" walang lingon niyang sagot
"wala ma. Namimiss ko lamang si ate Gie. Dali na po Ma." pagdadahilan ko
"anong oras na Krishel. Baka tulog na yun. Bukas nalang. Matulog ka na rin." sa pagkakataong ito nakatingin na ito sakin plus seryoso pa.
"katext ko pa po Ma. Please na po" go lang ng go!!!
"Hay. Ipagpapaalam ko na kay Kuya. At pag pumayag ipahahatid ko na rin." suko ni Mama. Ow yeah!!! I won!
"Ma no need na po. Alam na nila tito and shes already in front of our door, kaya i have to go na po. Bye Ma."
"nako. Kayo talagang mga bata kayo"
"Ma, im not a child anymore. Im already 19 na po." sabi ko bago tuluyang isarado ang pinto.
Ang lakas ko mantrip no. Hahaha
Excited kong pinto dahil kanina pang nag aantay si ate Gie sa labas.
"Yah! Sister! Aymesye!!" bati ko sakanya
"Me too. ^^ how's your life? Still rivals with Jiyun?" asar niya sakin habang patungo kami sa room ko.
"tsk! Badtrip nga. Oo nga pala, kaya nga pala pinapunta kita dito Ate, kasi may papagawa ako sayo."
"Papagawa talaga?? Di man lang ako tutulungan??"
Pag apila niya
"oh sige. Magpapatulong ako." nakairap kong saad
"Ano?" hindi na ako sumagot dahil nandito na kami sa tapat ng kwarto. Binuksan ko ito para makita niya ang sagot sa tanong niya.
"wow teh! Parang alam ko na" down na down siyang humarap sakin
"Hehe. So start na tayo. Walang tulugan ah!" smile ko sa kanya
"Dapat pala natulog nalang ako ng maaga para hindi na ako napapunta pa dito, kala ko naman kasi magpa-party party tayo"
"hahaha. Tara na! Wag ka na madismaya." hinila ko na siya papasok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
RIVALS or LOVERS
Teen FictionMasungit at maarte si Krishel na lagi nalang pinagkukumpara at tinatapat kay Jiyun na mabait pero may pagkapilyo minsan. Lahat na ata ng bagay ay pinag aawayan nila. Maging magkaribal na lang kaya sila habang-buhay? O may mabuong 'LOVE' sa pagitan n...