°twelve°

15 1 0
                                    

KRISHEL's P.O.V

Yung baklang yun talaga! Rinig ko hanggang dito sa kwarto pinapatugtog niya sa baba. Ang lakas lang.

Argh! kanina pa yun ah. Simula nung tumaas ako dito sa kwarto ko. Nag papasikat lang >_

Bumaba na ako para na rin sa tenga ko. Bakaabasag na eardrums ko

Lumapit ako sa kanya

"Hoy!" sigaw ko sakanya

Pero parang ewan lang ako dito. Ayaw niya ako pansinin.

"Hoy Jiyun. Umuwi kana nga." sigaw ko ulit pero wala pa rin

Lumapit ako sa plug ng DVD at hinugot ito.

"unuwi kana." ulit ko

Tumingin naman siya sa akin ng walang ekspresyon

"Ayoko" sagot niya

"Aba matinde! Halos tatlong oras kana dito tapos ayaw mo pa din umuwi. Ang tibay ah" -ako

"Tara, kain na tayo" sabi niya.ng hindi pinansin ang sinabi ko sakanya kanina at hinilq ako papuntang kusina

"wala ka talagang balak umuwi?" tanong ko habang hila niya pa ako

"Hindi naman mawawala yung bahay namin. Isa pa wala akong kasama doon." paliwanag niya

"Duwag ka pala" asar ko sa kanya habang siya ay busy sa pag kakalkal ng ref namin

"Duwag na kung duwag basta dito muna ako." sagot niya

"Haha. Duwag ka pala talaga. Bakla ka nga. Confirmed na!" tukso ko pa sakanya

"Bakla pala ha. Sige pang akin lang lulutuin ko" pananakot niya

"Aba. Ang kapal mo naman talaga. Mahiya ha! Bahay ko to at ref ko yan kaya ang laman ng ref nayan ay aking pagkain." nahihighblood na sabi ko

"Correction. Bahay at pagkain to ng mommy mo." nakangiti nitong asar sa akin

"Umuwi ka na nga. Epal to" naiinis kong sabi dito

"oh sige. Wala rin naman makain dito.at saka nakakatakot dito. May nararamdaman akong iba." sabi niya habang patingin tingin sa buong bahay namin

"Tss!! Ewan ko sayo. Hindi ako natatakot!"

"Sige. Pakilala mo sakin yung batang nagala dito ha. " sabi niya at tumalikod na saakin at naglakad na papunta sa pintuan namin

Biglang nagtayuan ang balahibo ko at nag flashback sa utak ko lahat ng napapanuod kong horror movie.

Tumakbo ako papalapit kay Jiyun at nang maabot ko siya, humawak agad ako sa damit niya at sumubsob sa likod niya

"kaasar ka Jiyun. Natatakot na ako ha!" sabi ko na sobrang subsob na yung muka ko sa likod niya

"Takot ka talaga?" tanong niya pero nakatalikod pa din.sakin

"Malamang. Tatakbo ba ako dito kung hindi. Tinakot mo kaya ako." sabi ko tapos bigla.nalang akong napaiyak.

Ahh! Kaini na imagination to. Feeling ko tuloy may multong biglang lalapit sakin..

eeeeeeh! ayaw ko na!!!

"Jiyun kasi. bakit kasi nananakot ka!"

medyo tinigil ko na yung iyak ko dahil baka tuksuhin pa ako nito. sabihin ang duwag ko!! na totoo naman!!

"Tara nga doon" hinila na niya ako sa sala namin umupo

"Gutom na ako." sabi ko sakanya.

aba.11:30 na kaya

"Teka, magluluto lang ako" tumayo na siya pero hinila ko yung laylayan ng damit niya ya.napaupo siya ulit

"Oh bakit na naman?" tanong niya

"Sama ako. natatakot ako"

JIYUN's P.O.V

Pati ba naman paluluto sasama pa siya. Hindi na ba siya nasanay na walang kasama sa bahay nila.

Bakit kasi tinakot ko pa siya.

"sige na." tumayo na ulit ako at mabilis na naglakad

"Hoy teka lang naman" hila ni Krishel sa damit ko.

Kawawa naman talaga yung damit ko sakanya -_-

Akala ko ba ako yung duwag. Tukso pa siya sakin, siya pala yung duwag..

"Ano ba gusto mong ulam?" tanong ko nang makarating na kami sa kitchen

"Kahit ano. Basta makakain. Dalian mo. Gutom na ako"

Demanding na babae -_-

"Tsk! Oo na po" pagsagot ko nalang

Nagsimula na akong magluto at siya naman ay nakaupo sa dining table. Parang nalolokang ewan dun. May sayad ata to.

Nagpatuloy na ako sa pagluluto ng biglang may lumapit sa akin. At sino pa ba. Edi si Krishel. Hindi lang pala lapit ang ginawa niya kundi dikit ng dikit sakin.

"Paano naman ako makakaluto kung sobra kang lapit sakin" puna ko sakanya

"Natatakot ako. Naiimagine ko talaga na may multo sa tabi ko. kyah!" pagkatapos niya sabihin iyon ay nagtakip siya ng mukha niya

Hay. buhay. Bakit may baliw at OA akong kasama. Sabi ko na kasi uuwi nalang ako.

"Tama na. Andito naman ako" hinawakan ko na ang kamay nya at inalis iyon sa mukha niya

"Ayoko ko. Natatakot ako. Nagtataasan na nga mga balahibo ko!" sigaw niya sa akin

"Wala yun. Hindi kita iiwan. Imagine mo nalang yung mangyayari sa future natin as a couple" nakangising sabi ko

Sumama lalo yung tingin niya saakin.

"Adik! Mukha mo. Bahala ka nga diyan!" at bumalik na siya sa dinning table at naupo na

"Bakit, mangyayari naman yun ah?! I love you Krishel" nakangiting sabi ko.

Hooo! Buti nalang nasasabi ko to kahit na kinakabahan na talaga ako

"Iloveyouhin mo yang muka mo. Kapal.nito!" sabay irap sakin

"Oh tingnan mo hindi mo na naiimagine yung sa mga multo na---.."

"Yah! Potek ka!!! Kanina ka pa ah." sabi nito ng makalapit ulit siya sa akin at nakakapit na naman sa damit ko

"Tsk! Sasabihin ko palang. Pumunta kana doon. Tapos na ako mag luto. Kain na tayo"

"Ayoko.nga!" nakakapit pa rin ito sa damit ko

"Bahala ka nga diyan" hinayaan ko nalang siya at pumunta na sa dinning table para mag hain na

.....

"Hoy! Wag mo naman ako iwan" -siya

"Nanananching ka lang kaya" pagbibiro ko

"Yay! Kapal. Wag ka kasi mangiwan." reklamo niya

"ano ka ba Krishel, magliligpit lang ako" sabi ko

"Tss! Oo na. Dalian mo ah" pumunta na siya sa sofa

Haha. Ang cute niya pag naduduwag . Hehe

RIVALS or LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon